Chapt 2

1 0 0
                                    


Jongsuk POV






Akala ko ay mamatay na ako ng tuluyan pero hindi ako akalain na merong darating para iligtas ako, kanina nang nasa ire ako kahit sigurado na ako sa desisyon ko pero nung magsimula na akong mahirapang huminga natakot ako at gusto kong makawala mula sa pagkakasakal ng tali sa leeg ko at habang pahigpit iyon ng pahigpit ay lalo akong natakot at naisip na mali ang desisyon ko gusto ko pa palang mabuhay pero hindi ako makawala sa taling ginawa ko at akala ko ay katapusan ko na pero may dumating para sakluluhan ako sa kalukuhang nagawa ko.
"Bakit mo iyun ginawa? Ayus ka lang ba? Sumagot ka!.". Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya foreigner ba sya? mukha nga teka bakit ganun parang pamilyar ang yakap nya, pamilyar din ang mukha nya nagkita na ba kami dati? teka umiiyak ba sya? . "Sino ka? Bakit mo ako iniligtas? At bakit parang umiiyak ka?". Bakit ka umiiyak? Iniiyakan mo ba ang isang tulad ko? Naaawa ka ba sa akin? Hindi mo ako dapat na kaawaan hindi ako karapat dapat sa mga luha mo miss. Hmm.. Bakit sya ganyan makatingin? Ah, na realise nya sigurong hindi ko sya maintindihan.
"Patawad, napadaan lang ako dito at nakita kitang nakasabit sa puno, nataranta ako at iniligtas ka. Pero bakit mo ginawa ang bagay na iyun?". Hmm.. Sabi ko nga, hindi ko rin alam miss hindi ko rin alam kong bakit ako humantong sa ganung desisyon salamat sa pag liligtas mo kahit napadaan ka lang at hindi mo naman ako kilala pero nakita ko ang concern mo umiiyak ka pa at nanginginig, siguro fisrt time mong makakita ng ganun ka tangang desisyon. Pano nga ba ako humantong sa ganito?

Two weeks ago.

"Anak san ba tayo pupunta?". Tanong ni mama habang nagmamaneho ako ng sasakyan kasama sya.
"Basta surprised po iyon, malapit narin tayo". Birthday kasi ni mama sa araw na ito at may naisip na pakulo ang mga kapatid ko at ang task ko ay dadalhin si mama sa place na iyun at sila na ang bahala sa design at pagaayus nag ambag lang ako para mas maging maayus ang birthday surprise namin.
Cringggggggggg.....
"Hello Hon, makakapunta ka ba?". Tanong ko sa girlfriend ko sa kabilang linya. "Jongsuk sorry pero....hik..". "Hello umiiyak ka ba? Hello bakit ka umiiyak?". "Anak bakit my problema ba?". Malambing na tanong sa akin ni mama. "Wala po ito ma". "Jongsuk mag hiwalay na tayo.. hik". "Wait lang ano? Anong sabi mo?". "Anak tumingin ka sa daan mababangga tayo....anak iwas.... Ahhhhhh...". Pagkatapos nun nakita ko nalang na papabangga na ang kotse ko sa truck na kasalubong namin at Bum....hindi ko na alam ang sumunod na nangyari nagising nalang akong may benda sa dib2 at ulo. Nakita ko ring umiiyak ang mga kapatid ko." Kuya gising ka na, kuya si mama".
"Sun-i, kagigising lang ni kuya sabi ng doctor bawal syang ma stress". Sa totoo lang ay naguguluhan pa ako sa mga oras na iyon. "Sun-i, anong nangyari? nasaan ako? Si mama anong nangyari kay mama bakit ka umiiyak?". Sunod-sunod kong tanong hanggang sa my maalala ako... Ang aksidente, naalala kong bumangga ang kotseng minamaneho ko sa truck na kasalubong namin at dahil doon ay sunod-sunod na tumulo ang luha ko dahil ang huling naaalala ko ay hinarang ni mama ang katawan nya, niyakap nya ako bago kami bumangga. "Sun-i, Hyun Mo si.. Si mama nasaan sya? Nasaan si mama, dalhin nyo ako kay mama". Pinilit ko noong tumayo pero sumakit ang dib2 ko at nahilo.
"Sun-i, sabi ko naman sayo eh, kuya wag ka munang tumayo hindi pa kaya ng katawan mo magpalakas ka muna, ayus lang si mama magiging ayus din sya, kaya wag na munang masyadong magalala ok? Pahinga ka muna". Nakikita ko sa mga mata nila ang lungkot kaya nung mga panahon na iyun ay desperado akong malaman ang totoong nangyari kay mama pero kilala ko si Hyun kapag ganun ang tuno nya ay hindi nya sasabihin at hindi rin sya papayag na malaman ko kaya naghintay ako ng ilang araw at nang kaya ko ng tumayo nang hindi sumasakit ang dib2 ko at nahihihlo ay wala narin syang nagawa at dinala ako kong nasaan si mama at nanlumo ako. Sana pala sinunod ko nalang ang sabi ni Hyun na wag muna. Nakita ko si mama ang kalagayan nya at sa pangungulit ko kay Hyun sinabi nya ang lahat ng nangyari, sinabi nyang nagtataka na daw sila ng mga oras na iyun dahil wala pa kami dahil ang sabi ko isang liko nalang sa intersection ay nandun na kami pero wala pa kami kaya tinawagan nya ang phone ko at laking gulat nya dahil nagpakilalang pulis ang nakasagot at pinapapunta sila sa kanto malapit sa resort na ni rent namin, hindi daw sinabi ng pulis sa phone ang mga nangyari kaya nagulantang sila nanghusto sa nakita nila, wasak na wasak daw ang harap ng kotse at nahirapan ang rescue team na kunin kami ni mama dahil merong windsheild wiper ang nakatusok sa balikat ni mama na tumagos at nakatarak sa puso ko, lalo akong naluha sa mga sinabi nya at naalalang bago kami bumangga sa truck ay niyakap ako ni mama at kong hindi nya ginawa iyun ay baka patay na ako ngayun, lalo akong napahagolhul ng iyak dahil sa nalaman ko ring pinutol ang kaliwang binti ni mama dahil nadurog ito nang dahil sa aksidente at hindi parin sya nagigising hanggang sa mga oras na iyon. Sa mga kenwento nya at mga naiisip ko ay lalo ko ring sinisi ang sarili ko, kong nag fucos lang sana ako sa pag dadrive ko noong araw na iyon hindi sana kami mababangga ni mama at si Hye jin gusto kong malaman kong ano ang dahilan nya kong bakit sya nakipag hiwalay alam kong hindi ko dapat iniisip ito pero sya lang ang naiisip kong dahilan kong bakit ako hindi nakapag concentrate sa pag mamaneho na kong hindi sana sya tumawag ng mga oras na iyun at nakipag hiwalay sa oras ding iyun mismo ay hindi sana kami mababangga, hindi sana nangyayari ang lahat ng ito, kaya ginusto ko syang hanapin at hingin ang paliwanag nya nang bumalik ako ng mga oras na iyon sa room ko ay doon nabuo ang plano kong pagtakas sa hospital at hanapin si Hye jin hindi na ako makapag hintay at gustong gusto ko ng marinig ang paliwanag nya lalabas na sana ako nang marinig kong naguusap ang dalawa kong kapatid sa labas ng room ko at lalo akong nasaktan sa sinabi ni Sun-i na kasalanan ko ang lahat na kong hindi lang daw ako naging pabaya sa pag dadrive ay hindi sana iyun mangyayari kay mama, alam ko sa sarili ko na kasalanan ko ang lahat pero mas masakit pala na marinig mo ang katotohanan sa bibig mismo ng sarili mong kapatid kaya ng mga sandaling iyun ay lalo akong naging sigurado sa desisyon ko na hanapin si Hye jin at hingin ang paliwanag nya kong bakit nya iyon ginawa, hindi ko alam kong bakit pero ginusto kong malaman siguro naghahanap lang ako ng dahilan at masisi sa mga nangyari, kaya nang hapon ding iyun ay nakatakas ako ng walang nakakapansin at hinanap si Hye jin pero hindi ko sya makita tinatawagan ko din ang phone gamit ang cellphone ng kapatid ko na dinala ko nang umalis ako sa hospital pero hindi ko sya ma contact. Wala sya sa bahay nya at sa iba pang lugar na alam kong pwede nyang puntahan pero wala hindi ko sya makita, nawawalan na ako ng pag-asa at pakiramdam na naggiisa lang ako, walang karamay walang nakakaintindi kaya siguro nang makakita ko ang lubid malapit sa basurahan sa tapat ng bahay na nadaanan ko ay kinuha ko ito at nabuo ang desisyon na muntik ko ng pagsisihan buong buhay ko. Sa paglalakad ko ay napadaan ako sa Gyeongui line forest park nang makita ko ang mga puno doon ay walang pagdadalawang isip akong nag hanap ng malaking puno na pwede kong pagtalian ng lubid na dala ko, medyo may kadiliman na nang may nakita akong tamang puno at nagkataon naman na pundi ang ilang ilaw sa pwestong iyon kaya medyo madilim sa parting ito at dahil doon walang kahirap-hirap kong nagawa ang plano kong mag suiside gamit ang lubid.






Itutuloy.......

Accidentally Found LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon