Jongsuk POVNagising akong nasa pamilyar na kwarto. Ito ang room ko dito sa hospital, naibalik na pala ako ulit dito. Hmmm... Mas ok na ang pakiramdam ko ngayun kesa nitong huli, teka nasan kaya sina Hyun at Sun-i? Nagugutom na ako anong oras na ba? Sabay hinanap ng mga mata ko ang wall clock dito sa kwarto. 8:26am, may binili kaya silang pagkain? Ayaw ko ng pagkain dito sa hospital. Tyaka ako bumaba ng bed ko at naghanap ng pagkain, may nakita akong mga fruits sa ibabaw ng pabilog at katamtamang laki ng lamesa sa gutom ko ay nilantakan ko na ng kain ang mga prutas na nakita ko, masarap sila at matatamis. Grapes, Pomegranate, Blueberries, strawberry at iba pa. Subo lang ako ng subo nang biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako dun.
"Oh, kuya Haha.. Ang cute mo naman punong puno ang bibig mo". Pang-aasar ni Sun-i sa akin tyaka pumasok at lumapit sa akin.
"Pasensya na kuya natagalan ako sa pagbili ng pagkain mo sa labas, alam kong wala kang kain kagabi at ayaw mo ng pagkain dito sa hospital, baka ayaw mo rin ng pagkain dun sa cafeteria kaya naisip kong bilhan ka ng pagkain sa restaurant malapit dito". Sabay lapag nya sa harap ko ng pagkaing tinake-out nya.
"Nagtanong narin ako kay doc nung makasalubong ko sya kanina kong ano lang ang pwede mong kainin sa ngayun kaya yan ang tinake-out ko". Habang dumadaldal sya ay binuksan at kinakain ko na ang tinake-out nyang food, pwede narin gutom na talaga ako eh.
"Nga pala kuya, may good news ako sayo".
Sabi nya na malapad ang ngiti. Ngayun ko lang uli sya nakitang ngumiti ng ganyan mula ng maaksidente kami ni mama kaya napatigil ako sa pagsubo at tinanong sya.
"Ano yun?". Curious ko naring tanong. Ngayun ko lang napansin hindi nya kasama si Hyun.
"Gising na si mama kuya, inaasikaso sya ngayun ni kuya Hyun". Masaya nyang kwento sa akin.
"Talaga? Gusto ko syang makita". Sa saya ko ay nabitawan ko pa ang kotsarang hawak ko, napatayo at hinawakan sya sa magkabilaang balikat.
"Kuya relax ka lang, Oo gising na sya pero nasa ICU parin sya, isa lang ang pweding pumasok, sabi ng doctor ay ililipat narin daw sya sa regular room mamayang hapon tyaka nalang natin sya puntahan kapag nasa regular room na sya ok? Alam kong gutong gusto mo na syang makita at makausap ako rin naman, miss na miss ko na sya pero sa ngayun tiis muna tayo si kuya Hyun na muna ang bahala sa kanya". Sabi ni Sun-i na pinapakalma ako sa pagka excited. Masaya talaga akong gising na sya sa wakas.
"Hehe.. Yan ang ngiti na namiss ko kuya ang cute mo, kaya maraming fans ang nahuhumaling sayo dahil sa ngiti mong yan eh". Sabay hawak nya sa magkabilaang pisngi ko. Ang sakit.
"Mashaket thama nha...". Sabi ko at binitiwan nya naman agad ang pisngi ko.
"Ituloy mo na ang pagkain mo kuya, sasabayan narin kita hindi parin ako kumakain eh". Kaya naupo ako at tinuloy ang pagkain ko.
"Sana dito nalang din ang room ni mama para hindi na kayo mahirapan na bantayan kami total ay VIP room naman ito at dalawa ang beddings, malawak din ang kwarto, makakapag pahinga ang isa sainyo sa bahay dahil magkasama naman na kami ni mama sa kwarto". Suggest ko sa kanya.
"Gusto ko din iyan kuya, ang totoo napagusapan din namin iyan ni kuya Hyun pero kailangan pang makipag usap sa management tungkol dyan".
"Alam na ba ni lola na gising na si mama?". Tanong ko sa kanya.
"Oo, kuya at nalaman nya rin ang pagtakas mo sa hospital kaya sabi nya ay pupunta daw sya dito mamayang hapon". Di makatingin ng deritso sa akin si Sun-i, task ang batang ito talaga di mataguan ng secreto.
"Task, ikaw ba ang nagsabi sa kanya ng tungkol sa pagtakas ko?". Mariin kong sabi sa kanya. Paniguradong sermon nanaman ang aabotin ko dun kapag nagkataon haist.
"Hindi ako kuya promise! Kilala mo si lola para iyong laging may spy kaya nalalaman nya ang lahat tyaka kaibigan nya ang may-ari ng hospital na ito kaya malamang ay makakarating talaga iyon sa kanya alam mo yan kuya". Haist, bakit ko nga ba nakalimutan iyon? Naging padalos dalos ako sa desisyon ko.Zhaleil POV
Tinanghali ako ng gising ngayung araw. Magtatanghali na, unusual ito bihira lang akong matulog ng ganto ka haba. Madalas kasi ay maaga akong nagigising.
Bumangon na ako at bumaba sa kama.
"Uncle bakit hindi nyo ako ginising?". Lulugo lugo naman akong lumapit sa kanya.
"Pano, ang sarap ng tulog mo tyaka ayaw mong ginigising ka diba? Naninipa ka? Na flying kick mo kaming lahat noon at tinamaan pa ako sa ano.. Ehehe.. kaya di na namin inulit na gisingin ka". Sabay Innocenteng hawak nito sa pagitan ng hita nya at talikod nito sa akin. Abay luko ito ah, di naman lagi hehe.. Tyaka di ko naman sinasadya yun eh. Nagkakataon kasing ginigising nila ako ng kasarapan ng tulog ko nung nag titraining pa kami dati kaya ayun na flying kick ko sila, kala ko kalaban eh😆
"He....". Sabay talikod ko at pumunta na ng banyo para maghilamos, mag ayus ng sarili ng may narinig akong mga mahihinang tawa. Kaya hinanap ko yun at nakita ko sa sulok sina Yuan, Poenex at ang pinaka tahimik sa lahat na si Yuki na nagpipigil ng tawa. Buset tong mga to.
"Gusto nyong masipa? Hala balik sa pwesto". Dali-dali naman silang bumalik sa kanya kanyang pwesto nila. Kainis ang mga yun mga chismoso. Hmph..
Paglabas ko ng banyo ay dumiritso na ako sa mesa at kumain ng inihandang pagkain ni Yumi. Habang kumakain ay hinanap ko ang phone ko, hindi ko kasi nahawakan iyon mula kagabi baka may importanteng message ako na namiss.
"Yumi, nakita mo ba ang phone ko?". Tanong ko sa kanya.
"Yes, Young lady teka sandali kukunin ko". Sabi nya at inabot sa akin maya2. Oh, nagtext pala iyong kapatid ni Jongsuk kagabi di ko nabasa agad. Hmmm.. Kamusta na kaya iyon emotionally? Physically ay madaling gumaling by recovery pero ang emotions ay hindi ganun ka dali lalo pag dumaan sa depression, kailangan pa ng mahabang process dahil minsan akala mo ay ok na pero deep inside ay hindi pa pala talaga. Dalawin ko kaya iyon mamaya? Hmmm.. Wala naman akong ibang gagawin kundi ang alagaan si Uncle, sige dadalaw ako sa kanya saglit mamaya kapag nagpapahinga na si Uncle. Kaya ni reply ko ang text nung Sun-i at tinanong kong anong room number ng kuya nya para madalaw sya mamaya. Mabilis naman itong nag reply. (Hello, 4rth floor, VIP room no. 2 ang room nya dalawin mo nalang sya kapag may time ka, salamat). Basa ko sa text message nya. Oh? Pagkakataon nga naman nasa next room lang pala sya?
"Uncle, naalala mo yung iniligtas ko kahapon? Nasa kabilang room lang pala ang room nya". Pasigaw kong sabi sa kanya nasa kabilang side kasi sya nakahiga, hindi nya pa rin kasi pweding ilakad ang paa nya dahil hindi pa magaling ang injury dun.
"Talaga ba? Madali mo lang palang madadalaw kong gustohin mo". Pasigaw din nitong sabi sa akin. Kaya madali ko ng tinapos ang pagkain ko at lumapit sa kanya para di na kami magsigawan.
"Kaya nga eh, kamusta naman ang pakiramdam mo ngayun Uncle?". Tanong ko sa kanya at inayus ang nagulong damit nya.
"Maayus naman na, nga pala kilan ang magpapatawag mo ng board meeting? Ang dinig ko ay si Cecil Park ang acting chairman ngayun ng company kaylan mo balak magpakita sa kanila?". Seryusong tanong ni Uncle sa akin.
"Kapag nakalabas ka na ng hospital Uncle". Seryusong titig ko rin sa mga mata nya, kapag ganito ay alam kong alam nyang seryuso talaga ako sa sinasabi ko.
"Ano? Bakit? Hindi mo na ako kailangang bantayan at alagaan dito, ayus na ako at nandito naman sina Yumi para alagaan ako kaya bakit kailangan mo pang hintayin ang paglabas ko?". Nakikita kong ang inis at concern sa mga mata nya.
"Kailangan dahil hindi rin ako makakapag concentrate hanggat alam kong nandito ka, Uncle alam mong kayo nalang ni Papa ang pamilyang meron ako kaya habang nandito ka ay hindi ko maiwasan ang magalala sayo lalo na't malakas ang kutob ko na ikaw talaga ang target ng mga nang ambush sa atin. Hindi ko alam kong anong motibo nila at hanggang ngayun ay wala padin akong clue kong sino sila kong connectado ba sila sa mga taong gustong gantihan ang pamilya namin(Pamilya Kang ang tinutukoy kong pamilya), kaya please hayaan mo akong bantayan ka at sa susunod na may mangyayari ulit na ganun ay hayaan mo na akong lumaban, thats an order from your Commander". Nakita kong nagtagis ang mga ipin nya bago sumagot.
"Yes, Commander". Sabi nya bago nag iwas ng tingin kaya hinawakan ko ang kamay nya at inilagay sa noo ko ng ilang menuto.Itutuloy......
BINABASA MO ANG
Accidentally Found Love
RomancePaano kong dumating sayo ang pag-ibig sa di inaasahang pagkakataon? Tatanggapin mo ba ito kahit na hindi mo alam kung ano ang patutunguhan? Ipag lalaban mo pa ba kahit alam mong maski ang tadhana ay kakalabanin mo na? Tunghayan ang pag-iibigang Zhal...