Someones POV"Yumi akala ko ba nakita na sya at nandito na sa hospital pero bakit wala parin sya hanggang ngayun?". Makita ko lang ang batang iyon ay makakatikim sya ng sermon sa akin.
"Sir, sabi ni Yuan dumaan lang daw sila saglit sa ER dahil..".
"Ano? Nasaktan ba sya? Kunin mo ang wheelchair dalhin nyo ako sa ER ang batang iyon talaga sinabi ko nang wag syang aalis magisa pero umalis parin sya, hindi ako patatahimikin ng tatay nya at ni Azalea kapag may masamang nangyari sa kanya". Mahina ko ng tuno sa huli kong sinabi.
"Huminahon ka Team leader, ang sabi ni Yuan ay nung makita nila ang Young lady meron itong buhat-buhat na duguang lalaki kaya idinaan muna nila ito sa ER para magamot, sabi nang Young lady ay ipapaliwanag nya daw lahat mamaya pagbalik nya". Mahabang paliwanag nito sa akin na agad ko namang naintindihan.
"Talagang kailangan nyang mag paliwanag". Sabi ko nalang at hinintay ang pagdating nya.
"Uncle Xin Zei nandito na po ako". Sawakas at dumating narin sya.
"Bakit ngayun ka lang? alam mo bang kong wala lang itong opera sa paa ko ay kanina ko pa nilibot ang buong korea mahanap ka lang!".Zhaleil POV
Whaaa.. Nakakatakot talagang magalit si Uncle, sabay tingin ko kay Yuan pero umiwas lang ito ng tingin. Hmph, ako ba talaga ang boss dito? Pakiramdam ko sa ganitong situation para akong bumalik sa pagka bata at pinapagalitan ng dahil sa maliit kong kasalanan. Oo maliit lang..hooo..sabay takbo ko sa kanya at...
"Uncle, wag ka ng magalit sa akin sige ka madali kang tatanda at kapag tumanda ka hindi ka na magkaka jowa at kapag hindi ka nagka jowa hindi ka na magkakaroon ng pamilya pano mo ako mabibigyan ng mga cute na cute na pinsan". Sabay yakap at pacute ko sa kanya. Hehe...madalas naman effective ang pagpapa cute ko.
"Tigilan mo ako sa pagpapa cute mo hindi ka cute". Sabay pitik nya sa noo ko. Sakit ha, sabay himas ko rin dito.
"Sorry na Uncle, alam kong pinaggalala ko kayo pero napasarap lang talaga ang pamamasyal ko at nung pabalik na ako dito ay napadaan ako dyan sa forest park sa malapit at nakakita ako ng lalaking naka bigti sa puno". Seryuso kong sabi at sa totoo lang ay medyo nanginginig parin ang mga kamay ko ngayun, iba parin talaga ang epekto nun sa akin. Kahit pa personal ko rin iyong naranasan noon pero iba parin kapag nakakita ka ng ganun sa personal, ganito rin kaya ang pakiramdam ni Azalea noon? Nang iniligtas nya rin ako sa ganung situation?.13 Years ago
Nahihirapan na akong huminga noong mga panahon na iyon at pakiramdam ko anytime ay pwede na akong lagutan ng hininga dahil sa pahigpit na pahigpit ng taling nakasakal sa leeg ko nang makarinig ako ng katok sa pinpuan ng aming lumang bahay.
"Tao po, tao po.. Zhaleil andyan ka ba? Oh, bukas ang pinto, Zhaleil asan ka? Zhaleil ayus ka lang ba? May dala akong pagkain alam kong gutom ka na halika masarap itong dala kong pagkain". Sigaw nya habang hinahanap ako, nung mga panahon na iyon para akong nagkaroon ng maliit na paggasa sa puso ko na kahit papaano ay hindi pala ako nagiisa. Si Azalea ay anak ng mag-asawang abogado na kapitbahay namin noon, nagiisang anak din sya at iisang school lang din ang pinapasukan namin, matanda sya sa akin ng 3years pero kaklase ko sya dahil maaga akong pinag grade 1 ni mama. Sabi ng Teacher ko noong kender ay kayang kaya ko na daw na makipag sabayan sa mga studyante ng grade school. Madali daw akong matutu, isang turo lang ay nakukuha ko na daw agad ang mga lessons nya kaya nerecomend nya kay mama noon na e-enrolled na ako ng grade 1 sa edad kong 4 noong una ay hindi makapaniwala si mama at nagdalawang isip pa dahil masyado pa daw akong bata pero nakombinsi din sya sa huli nung sinubukan nya akong e-enrolled sa grade 1 at bigyan ako ng short test ng Homeroom Teacher ko ay pareho sila ng sinabi ng Teacher ko sa kender dahil ang binigay na test nya daw sa akin ay bagong lesson na hindi pa natuturo sa grade 1 pero na perfect ko iyon. Kaya sa edad na sampo ay first year high school o grade 7 na ako. Kaklase ko si Azalea at nagiisang kaibigan. Ang pamilya nya rin ang tumulong sa akin mula sa burol at pagusad ng kaso ni papa para mapakulong sya. Ang totoo lang ay hiyang hiya narin ako sa kanila nang mga panahong iyon.
"Zhaleil, asan ka na ba? Wag mo na akong taguan please?". Sabi pa nya habang papalapit ng papalapit na sya sa kinaroroonan ko, kumawag ako ng kunti dahil hirap na hirap na talaga ako kaya siguro ay napansin nyang may gumagalaw sa pwesto ko.
"Zhaleil, Zhaleil ikaw ba yan? Ano tong ginawa mo? ". Gulat nyang tingin sa akin, nabitawan nya pa ang dala nyang pagkain.
"Zhaleil, hindi.... Tulong.. Tulongan nyo kami....". Malakas na sigaw nya na sinabayan ng pagiyak habang sinusubukan nyang akyatin ang kinaroroonan ko. Ang huli kong natatandaan noon ay ang malakas na pagbukas nang maindoor ng bahay namin isinara din siguro ni Azalea bago pumasok. Pagkatapos nun ay nagdilim na ng tuluyan ang paningin ko akala ko talaga noon ay wala na ako pero nagising ako ulit sa loob ng ambulance habang nererevibe ng nurse, nakita kong pinapump nya ang dib2 ko binibigyan ng CPR habang bumabyahe, nakita ko rin ang mama ni Azalea na umiiyak at nasa tabi nya rin si Azalea na walang tigil din sa pag-iyak habang tinatawag ang pangalan ko. Mula noon ay pinagsisihan ko ang ginawa ko, hindi ko pala dapat iyon ginawa dahil may mga tao pala akong masasaktan sa pagka wala ko at maling mali ako sa desisyong ginawa ko."Zhaleil, umiiyak ka ba? Naaalala mo nanaman ba ang nakaraan? Tahan na, nakalipas na iyon. Sino ba ang lalaking iyon at dun pa naisip magpatiwakal". Sa sinabi nya ay huminto ang luha ko at sinapak sya sa balikat.
"Aray ang sugat ko". Sabi nya sabay hawak sa sugat nyang nakabenda na ikina taranta ko naman.
"Sorry Uncle, hindi ko sinasadya, bakit nyo po kasi nasabi iyon? Kong hindi ako napadaan sa lugar na iyon malamang ay wala na sana sya ngayun, wala na ang idol namin ni Azalea". Sabi ko habang nagpupunas ng luha gamit ang panyong binigay ni Yuan.
"Anong ibig mong sabihin?". Taka at curious nyang tingin sa akin.
"Si Park Jongsuk po ang nakita ko sa park kanina Uncle, nalaman ko ring naaksidente sya two weeks ago kasama ang mama nya at hindi pa ito nagigising haggang ngayun. Naaawa ako sa kanya dahil nakikita ko rin ang sarili ko sa kanya mula sa nakaraan kaya wag nyo sanang gawing biro iyon ". Seryusong sabi ko sa kanya.
"Sorry sa nasabi ko, kamusta sya nung iwan nyo?". May nakikita akong lungkot sa mga mata nya habang tinatanong iyon siguro dahil sa nabanggit ko nanaman ang pangalan nya.
"Sabi ng doctor ay ayus naman na sya kailangan nya lang ng mahabang pahinga. Sinabihan ko na din ang lahat ng mga nakakaalam na tumakas sya sa hospital na wag na ilabas sa public baka pagkaguluhan lang sya ng media pag nagkataong lalo nat kong malaman nilang tinangka nyang mag bigti sa park". Kapag naaalala ko talaga iyon ay kinikilabutan ako. Sana sa paggising nya ay kahit papaano magaan na ang pakiramdam nya at wag nya ng ulitin ang ginawa nya. Oh, nako naalala ko nga pala iyong calling card na naibigay ko sa kapatid nya, iyon nga pala ang bagong calling card na pinagawa ni Uncle pagka punta namin dito sa korea para nga lang pala iyon sa mga VIP's pakiramdam ko mula kanina sa park until now nawawala ang brain cells ko. Asan na ba yun napunta? asan? 😢Itutuloy..........
BINABASA MO ANG
Accidentally Found Love
RomancePaano kong dumating sayo ang pag-ibig sa di inaasahang pagkakataon? Tatanggapin mo ba ito kahit na hindi mo alam kung ano ang patutunguhan? Ipag lalaban mo pa ba kahit alam mong maski ang tadhana ay kakalabanin mo na? Tunghayan ang pag-iibigang Zhal...