Chapt 4

0 0 0
                                    


Someones POV


Asan na ba ang batang yun? Sabi nya 1h lang syang maglalakad lakad sa labas pero 3h na ang nakalilipas ay wala parin sya teka. "Yuan, tanungin mo nga si Yumi kong natatanaw nya na sa labas si Zhaleil". Agad naman akong sinonod ng taohan ko. Haizst... Bakit ko ba sya pinayagang mag-isa, malalagot ako sa tatay nya kapag nalaman nya ito eh.
"Sir, wala parin daw po eh". Sabi nito habang naka yuko.
"Ano! Hanapin nyo na sya ngayun din, gusto kong makarinig ng magandang balita within 10 minutes now go". Tarantang sigaw ko. Baka kung ano na ang nangyari sa batang iyon kaya di pa sya nakakabalik hanggang ngayun, kong magaling na sana ang paa ko kanina ko pa iyon sinundan kainis na batang iyon iniwan pa ang phone nya.
"Yes sir". Saka sila dali-daling umalis.






Jongsuk POV

Hindi ko alam kong bakit ko sya niyakap, nagkusa nalang bigla ang katawan ko nang makita ko syang umiiyak, dapat pala hindi ko na sinabi iyon kanina, na curious lang talaga ako kong ano ang naging dahilan at humantong din sya sa ganitong situation pero kumpara sa akin ay mas masakit pa pala ang dinanas nya. "Pasensya na hindi ko na dapat pina kwento pa sayo ang dahilan mo, naging curious lang ako hindi ko alam na ganun pala kasakit ang pinagdaanan mo na kumpara sa sakit na nararamdaman ko ay walang wala iyon sa sakit na naranasan mo noon." Teka bakit parang ang sakit ng dib2 ko pakiramdam ko umaapoy din ang katawan ko, bumuka ba ang sugat ko sa pagbagsak namin kanina? Ngayun ko lang naramdaman, Nilalagnat ba ako? Hindi, bakit ngayun pa. Nagulat ako ng bumitaw sya sa pagkakayakap ko at hinawakan ang noo ko, napansin nya yatang mainit ako, may dugo sa dib2 nya bumuka nga ang sugat ko, hahawakan nya sana ang dib2 ko kaya pinigilan ang kamay nya dahil makikita nya ang sugat ko at malamang na mapansin nya ang suot kong patients dress na nakalimutan kong hubarin kanina sa pagmamadali ko.
"Mataas ang lagnat mo, bakit may dugo? Napano yan? ". Kitang kita ko ang paggaalala sa mga mata nya.
"Salamat sa pagliligtas na ginawa mo at sa papagaan ng loob ko, wala ito iwan mo na ako". Umalis ka na please hindi ko na kaya, pakiramdam ko tutumba na ako ano mang oras.
"Hindi ako aalis, pasensya na kong makulit ako pero yang sugat mo kailangan nang gamotin agad, nilalagnat ka ibig sabihin lang nun ay na infect na sya at kapag hindi nagamot agad ay baka magkaroon ng complecation. May malapit na hospital dito dun din ako pupunta samahan na kita". Ang kulit nya, hindi ko na talaga kaya, haggang sa puro itim nalang ang nakikita ko.




Zhaleil POV

Teka nahihilo ba sya? Hinimatay sya buti at mabilis ang reflex ko at nasalo sya agad. "Park Jongsuk gumising ka, nako ilang oras na ba syang nasa labas hindi maganda ang lagay nya kailangan na sya agad madala sa hospital, mabuti nalang nakapag train ako sa ganitong situation". Dali-dali ko syang kinarga sa likod at naglakad ng mabilis. Ang bigat nya kumpara sa mga binuhat ko noong training. Haizst hindi ko alam na mamemeet ko ulit ang idol ko, hindi ko sya nakilala agad kanina dahil sa taranta ko para iligtas sya, ang pagkakataon nga naman hindi ko alam na mamemeet ko sya ulit at sa ganitong situation pa, 5years narin pala ang nakalipas malamang sa dami ng mga fans na nameet nya ay hindi nya na ako natatandaan.



Yuan(02) POV

"Nahanap nyo na ba sya?". Tanong ko sa earpiece radio sa kabilang linya.
"Wala pa nga din eh, teka sandali '02' nakita ko na ang Young lady 45 degree west may buhat syang tao sa likod". Code name 02 ay rango namin sa squad.
"Good, papunta na ako dyan '06', '03' pakisabihan si Captain nakita na namin ang Young lady(Comander)". Sabi ko habang tumatakbo papunta sa deriksyon na tinuro ni '06'.
"Ok copy". Sagot naman nito sa kabilang linya, sya kasi ang naiwan sa room para bantayan ang Team leader.





Zhaleil POV

Hay, salamat naman malapit na ako ilang kilo ba sya? Ang bigat nya, oh si Poenex ba yun? Sya nga. "Poenex, nandito ako dali bilisan mo tulungan mo ako". Aray ang sakit na ng likod ko.
"Young lady, haaah.. Haaaaah..". Hingal nyang sabi nang makalapit na sya sa akin.
"Sabi ng Zhaleil nalang, nasa korea na tayo at wala sa Pinas hindi pa natin nahuhuli ang taong iyon at dito ang balwarte nya kaya tawagin mo ako sa pangalan ko kapag nasa labas tayo". Paalala ko sa kanya.
"Nagsalita ang maingat". Napalingon ako sa nag salita.
"Oh, Yuan andyan ka pala hindi ko napansin akala ko kasi poste yung nakita kong tumatakbo kanina". Balik kong pang asar sa kanya, hehe.. sa tangkad at payat nya kasi para talaga syang poste.
"hahak..". Narinig ko naman ang impit na tawa ni Poenex.
"Poenex, namiss mo na sigurong mag training ulit". Panakot ni Yuan pero may isang salita sya kaya takot sa kanya ang karamihan dahil ginagawa nya ang mga sinasabi nya.
"Ay, hindi po Young... Ah.. Zhaleil ako na ang bubuhat sa kanya". Sabay dali-dali nyang kinuha si Jongsuk mula sa pagkakakarga ko.
"Liel, sandali bakit may dugo ka? Nasaktan ka ba? Ano sabihin mo!". Sya lang ang tumatawag sa akin sa pangalang iyan. Tarantang lapit sa akin ni Yuan na ikinalingon din ni Poenex, at tinitignan ng mga concern at nagtatanong na mga mata.
"Ayus lang ako sa kanya ang dugo na ito mamaya na ako magpapaliwanag dalhin muna natin sya sa emergency room". At dali-dali naman kaming tumakbo papunta doon para magamot sya. Pagka dating namin ay agad naman syang inasikaso ng mga Doctor at nalaman kong totoo nga ang hinala ko, kanina pa pala syang hapon nawawala at hinahanap ng pamilya nya, ibig sabihin ay kanina pa sya expose sa labas malamig ang klema maghapon kaya malamang ay kanina pa sya nilalagnat at bumuka ang sugat nya nung bumagsak kami mula sa puno. Bumangga pala ang kotseng minamaneho nya sa truck critical ang mama nya at naputulan pa ng paa, kaya siguro ganun nalang ang naging reaction nya siguro ay sinisisi nya ang sarili nya sa mga nangyari hay buhay nga naman.
"Leil, narito na ang mga kapatid nya, puntahan mo na si Captain kanina pa yun naghihintay sayo".
"Oo, pupunta na ako kakausapin ko lang ang mga kapatid nya sandali". Sabi ko sabay lapit ko sa mga kapatid nya.
"Annyeong, naneun Zhaleil-iya ne dongsaeng-eul yeogi byeong-won-eulo delyeowass-eo" (Hi, ako nga pala si Zhaleil ako ang nagdala sa kapatid nyo dito sa hospital). Sabi ko kasabay ng pakikipag kamay ko sa kanila. Inabot naman nila ang kamay ko at nagpakilala. Si Hyun Mo ang sumunod sa kanya at si Sun-i naman ang nagiisang babae at bunso rin nila.
"Dangsin-eun aleumdawoyo, uli dongsaeng-eul yeogi byeong-won-e delyeodajwoseo gomabgo uyeonhido geudo yeogie gadhyeo issseubnida. sasil-eun uliga handong-an geuleul chaj-assjiman, geuneun uli mollae domangchyeossseubnida. " (Ang ganda mo, salamat sa pagdala mo sa kuya namin dito sa hospital at nagkataon pang dito rin talaga sya naka confine. Ang totoo kanina pa sya namin hinahanap, tumakas pala sya ng hindi namin napapansin. ) Hmm.. Siguro pati sila ay isinisisi din sa kanya ang mga nangyari, kawawa naman sya.
"A, byeolgeo aniya. uisawa ganhosahante museun il-i iss-eossneunji deul-eoss-eo. eum, jo-eon-eul haejulge iss-eo. nan gwaenchanh-a. jigeum dangsin-i gyeokkgo issneun il-i dangsin-ege gotongseuleoun geos-eun aljiman il-eonan il-e daehae modeun geos-eul dangsin-ui hyeongjeege tashaji anhgileul balabnida. geuleul tteonaji malgo, geuleul gamsahago, teughi i sigie geuga pil-yolo haneun salang-eul geuege boyeojusibsio. jinjeonghan hyeongjeneun teughi ileon sanghwang-eseo seololeul dongjeonghago salanghabnida. dongsaeng-eul ilh-eul ppeon haessgi ttaemun-e jigeum i mal-eul haneun geonde gyeolgug huhoehal il-eul geuege matgiji anh-ass-eumyeon johgessda."(Ah, wala iyon, narinig ko nga sa mga doktor at nurse ang nangyari, uhm, may payo lang sana ako sainyo kong ok lang. Alam kong masakit para sainyo ang mga nararanasan nyo ngayun pero sana wag nyo isisi lahat sa kuya nyo ang mga nangyari, biktima lang din sya ng pagkakataon at kelan man ay hindi nya ginusto ang mga nangyari kaya sana wag nyo sya iiwan, pahalagahan nyo sana sya at ipakita nyo ang pagmamahal na kailangan nya lalo na sa panahon na ito. Ang tunay na magkapatid ay nagdadamayan, nagmamahalan lalong lalo na sa ganitong situation. Sinasabi ko ito ngayun sainyo dahil muntik ng mawala sainyo ang kapatid nyo, kaya sana wag nyo na ulit hayaan na makapag desisyon ulit sya ng isang bagay na pagsisisihan nya sa huli. ). Seriouso kong sabi sa kanila.
"Geugeon geuleohgo, igeos-eun nae jeonhwa kadeu-ibnida. munjega issgeona kkaeeoiss-eul ttae jeonhwahasibsio. deul-eojusyeoseo gamsahabnida"(Ito nga pala ang calling card ko tawagan nyo ako kapag may problema o di kaya kapag gising na sya. Alis na ako salamat sa pakikinig). Sabi ko sabay nag bow ng kunti at umalis na.




Itutuloy........

Accidentally Found LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon