Chapt 7

0 0 0
                                    

Hyun Mo POV




Medyo naguluhan ako dun sa sinabi ni kuya na utang na babayaran, palagay ko talaga ay merong nangyari na hindi namin alam ng tumakas sya kanina. Ano kaya yun? Binibiro ko lang naman sya, totoong maganda iyong Zhaleil pero hindi naman ako ganun ka attracted sa kanya sinabi ko lang ang mga yun para kahit pano ay gumaan ang mabigat na atmosphere na nararamdaman ko kanina sa pagitan nilang dalawa. Hmmm...
"Nagbibiro lang naman ako kuya, nga pala ano yung sinasabi mong utang na kailangan mong bayaran? Anong ibig mong sabihin?". Hindi ko na mapigilang tanong sa kanya na curious ako dun eh. Malakas ang pakiramdam kong may hindi sya sinasabi.
"Uhm, excuse me naka duty akong nurse na magbibigay ng gamot kay sir". Singit na sabi ng nurse sa pag uusap namin kaya tumabi kaming dalawa ni Sun-i para bigyan sya ng space para magawa ang work nya, pagkatapos nyang mag inject sa dextrose at ayusin iyon ay tumingin sya sa amin at nagsalita.
"Nga pala ma'm, sir pasenya na po pero kailangan na pong magpa hinga ni Mr. Park ang gamot kasi na eninject ko ay may side effect na pampa antok at kailangan nya rin ng mahabang pahinga para mabilis makarecover ang katawan nya". Sabi nito at nag bow ng kunti bago ito umalis.
"Ah, sige po miss, salamat". Nag bow din kami ng kunti ni Sun-i bago ito tuluyang makaalis. Sa susunod ko nalang siguro sya tatanungin ulit tungkol dun. O di kaya ay ako nalang mismo ang aalam sa sarili kong paraan.
"Sige kuya pahinga ka na muna, wag ka ng masyado magalala kami ng bahala kay mama, kaya natin ito. Fighting!". Sabi ni Sun-i na naka pose pa ng fighting. Mabuti naman at ok na sila.
"Tama, fighting! Sige kuya alis muna kami saglit pahinga ka na,wag ka na malungkot magiging ayus din ang lahat". Tama magiging maayus din ang lahat kuya, kaya natin ito.
"Hmmm.. Salamat sainyo, kayo na muna ang bahala kay mama". Sabi nya bago tuluyang pumikit at makatulog, umipekto na siguro sa kanya ang sinasabi ng nurse na side effect ng gamot na ininject nya. Lumabas muna kami saglit ni Sun-i ang totoo kasi kanina pa kumakalam ang tiyan ko naalala kong hindi pa pala kami nakakakain ni Sun-i pati rin si kuya pero naka dextrose naman sya kaya ayus lang na di sya kumain. Bibilhan nalang siguro namin sya ng pagkain sakaling magising sya na nagugutom.
Croooommmble... Wag kayo tyan ko yan kanina pang gutom.
"Kuya tiyan mo ba yun?". Nakakaluko nyang sabi.
"Oo, punta muna tayo ng cafeteria, gutom na ako". Sabi ko sa kanya sabay hawak sa kamay nya at hilahin sya paputang cafeteria ng hospital.
"Kuya naman sandali, madadapa ako sa pagmamadali mo eh". Reklamo nya pa pero wala din syang nagawa. Nang makarating na kami ng cafeteria. Habang kumakain ay may sinabi si Sun-i.
"Kuya totoo kaya iyong sa calling card na.. ". Bago nya pa maituloy ang sasabihin nya ay inipit ko ang nguso nya ang daldal talaga ng babaeng ito. Tumingin tingin muna ako sa paligid bago hininaan ang boses at nagsalita.
"Totoo man iyon o hindi wag ka na sanang maingay, confidential ang bagay na iyon at kong totoo nga ay malalagot tayo kay lola dahil pinagsabihan nya na tayo noon hindi ba?". Oo nga pala nalate nga pala sya ng dating noon at pinagalitan ng matindi ni lola. Nagpatawag ng family meeting noon si lola. Maliit lang naman ang pamilya namin dalawa lang ang anak nina lolo at lola, dalawang lalaki si papa at tito Jinho, isa lang ang anak ni tito at kaming tatlo naman ang anak ni papa. Namatay si lolo at papa dahil sa aksidente. Kaya iilan lang kami at si lola ang tumatayo sa ngayun bilang Head of the family. At si kuya Jongsuk bilang panganay na apo sya ang nakatakdang susunod na Head of the family na pilit naman nyang tinatakasan at lagi nyang sinasabing bakit hindi nalang ibigay kay Uncle ang position pero dahil walang tiwala si lola kay Uncle ay sa kanya parin nakaatang ang responsibility. Pinaggusapan namin noon ang tungkol sa susunod na tagapagmana ng K.Y.M. Group of companies na kong saan kabilang ang company na minamanage ni lola. Napagusapan daw sa board na kapag narito na sya sa bansa ay responsibility namin ang protektahan sya. Buong family ang involved dahil sa sinumpaang tungkulin nang great grandpa sa pamilya Kang. At utang din daw namin ang kong ano mang meron kami ngayun sa kanila. Naalala kong nag protesta pa noon si kuya pero wala din syang nagawa sa huli.
"Hmmmm". Protesta ni Sun-i kaya binitawan ko na ang nguso nya.
"Grabi ka kuya, sakit ng bibig ko. Sorry na nakalimutan ko, pero kuya tatawagan ko ba sya? Kinuha ko ang calling card nya kanina kay kuya Jongsuk". Sabay pakita nya ng calling card.
"Pano mo nakuha yan? ". Takang tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi napansing kinuha nya yun kanina.
"Kinuha ko sa kamay nya kanina bago tayo umalis. Hehe.. Higpit nga ng hawak nya dito eh, pinilit ko lang kunin bago sya tuluyang makatulog". Ngingiti ngiting kwento nya pa.
Pasaway talaga ang kapatid kong ito paminsan hay, gano ka dalas ang minsan. Sabay kamot ko sa ulo.
"Save mo nalang number nya tapos text mong salamat ulit sa pagdala kay kuya dito sa hospital, sabihin mo ring nagising na sya kanina at nagpapahinga na ngayun. Iyon ang bilin nya kanina hindi ba?". Sabi ko sa kanya sabay subo ko ng pagkain.







Zhaleil POV

Hahay.. Sa dami ng nangyari maghapon pakiramdam ko kailangan ko ng mahabang tulog kailangan kong ipahinga ang brain cells ko masyado na yatang napagod sa maghapon. Sabay tingin ko sa damit ko, Oo nga pala merong dugo ang damit ko.
"Yumi, nadalhan nyo ba ako ulit ng damit? Gusto kong magpalit, magsa shower ako saglit sa banyo". Sabi ko sa kanya habang tinitignan ang damit kong namantyahan ng dugo.
"Oo nga pala san mo nakuha ang dugong iyan? Sa kanya ba?". Tanong ni uncle.
"Opo, sa kanya ito. Bumuka ang sugat nya nung bumagsak kami mula sa puno. Naaawa talaga ako sa kanya. Uncle kanina nung malaman kong naputolan ng paa ang mama nya naisip kong ipasok sya sa foundation at bigyan sya ng Metallic robot leg internal human foot". Seryoso kong sabi sa kanya.
"Pero Leil, bagong invention mo iyon diba? Hindi mo pa rin iyon naila lunch sa market. Ganun ka ba talaga ka desididong tulungan sya?". Sabat naman ni Yuan na medyo ikinagulat ko dahil dati naman ay lagi nyang sinusuportahan ang mga desisyon ko.
"Oo, hindi pa nga. Naninibago ako sayo Yuan, wala naman akong nakikitang masama sa pag-tulong ko sa kanya sa mama nya. Kong ang pinagaalala mo ay baka ma-plagiarised ang design ko wag kang magalala naayus ko na ang lunching niyon at naka date na next month at kong hindi ako makakapunta ay magpapadala ako ng isa sainyo sa US para mag asikaso ng lunching. Bago ako magbibigay ng stock sa foundation". Mahabang sagot ko sa kanya.
"Ganun ba, pasensya na sa nasabi ko ang concern ko lang naman ay iyon nga baka ma-plagiarised ang design mo lalonat mahigpit ang competition ngayun sa market". Paliwanag nya naman.
"Tama na yan at mag shower ka na't palitan mo na yang damit mo naaasiwa ako sa dugong nandyan. Yumi, paki asikaso iyong damit nyang pinadala nya sainyo kanina". Sabat naman ni Uncle sa usapan namin. Hmm.. Anyari kaya dun kay Yuan iba din ang tuno ng pananalita nya sa sinabi nya di naman sya ganyan dati. Sabay punta ko sa banyo. Binigay naman ni Yumi ang damit ko bago ako nag shower at nagbihis pagkatapos ay lumabas na ng banyo. Sa paglabas ko ay pinagmasdan ko ang buong kwarto. Sa kanan ay merong dalawang kama isa na doon ang hinihigaan ni Uncle, sa tabi naman ng mga ito ay may kabinit na hanggang bewang ang taas na pweding paglagyan ng mga damit at iba pang gamit, sa harap naman ng mga ito ay merong mini sala, dalawang mahabang sofa na pwede nang mahigaan ng tao, may pahabang mesa sa gitna na gawa sa glass, flat screen TV na nakadikit sa wall, sa gawing kanan naman ay may dining table na pabilog na hindi kalakihan, glass kabinet naman sa gilid nito na pweding paglagyan ng gamit sa pagkain, double door ref sa tabi nito at sa gitna na kinatatayuan ko ngayun ay magkahiwalay na cr at banyo. Sinadya kong kunin ang VIP room na ito para kahit pano ay maging comportable kami habang nandito sa hospital si Uncle, nag request din ako na kong pwede ay kahit ilan ang bantay nya, naka civilian kasi ang mga bodyguards na kasama namin dito sa hospital. Alam nila ang identity ni Uncle kaya pumayag  rin sa huli ang management ng hospital sa ganong set-up.
Growwwwl.... Nako nagwawala na naman ang mga dragon ko sa tiyan hindi pa pala ako nakakakain ng dinner, anong oras na ba?
"Uncle nakakakain na po ba kayo?". Tanong ko sabay tingin sa kanya.
"Oo nakakain na, hindi na kita nahintay kanina dahil kailangan ko pang uminom ng gamot nga pala Zhaleil may maliit na problema tayo". Kakamot kamot sa ulong sabi ni Uncle. Problema? Hmmm... Sa itsura nya ngayun mukhang hindi lang maliit na problema gaya ng sabi nya.
"Ano yun Uncle?". Ano naman kaya yun?.
"Ang papa mo, nalaman ang nangyari ilang oras pagkarating natin dito sa korea. Nalaman din nya ang nangyari sa akin, ihanda mo na ang sarili mo ang sabi niya pupunta sya dito in three days may kailangan pa daw kasi syang e-sittiled". Problemado nyang sabi, hindi naman sa ayaw namin syang makita o ano pero kasi grabi kong magalala ang ama kong iyon masyado ding protective kaya madalas kapag nasa ganito kaming situation ay hindi na muna namin pinapaalam sa kanya agad dahil ayaw namin na mag worry sya. Napaka fragile ng papa ko, kaya ayaw naming nag woworry sya dahil sa amin.
"Ano? Sinong nagsabi sa kanya? Malalagot  sa akin!". Malalagot talaga ang walangyang nagsabi kay papa. Huhu... Another sermon nanaman.





Itutuloy..........

Accidentally Found LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon