Sun-i POV
"Kuya, anong ibig nyang sabihin sa mga sinabi nya?". Medyo naguguluhan kong sabi sa katabi kong kapatid.
"Hindi ko rin lubos na maintindihan ang lahat ng mga sinabi nya pero mukhang may nangyari kay kuya kanina ng tumakas sya, kaya pinapayuhan nya tayo. Teka baka narinig ni kuya ang mga sinabi mo kanina nung magusap tayo sa labas ng room nya. Tama sya sa mga sinabi nyang sa mga panahon na ito ay dapat nagdadamayan tayo bilang magkakapatid at biktima lang din sya ng pagkakataon na masakit din para sa kanya ang mga nangyari ". Mas magaling talaga mag analyst ng ganung bagay si kuya Hyun kaysa sa akin, pero masisisi ba nila ako? Sa mga naging reaction ko? Alam kong tama sila at mali ako, alam ko naman iyon pero hindi ko maiwasang isipin yun eh.
"Masisisi nyo ba ako kuya? Sa tuwing nakikita ko ang kalagayan ni mama ako ang nasasaktan para sa kanya". Sabi ko habang nakayuko."Tama ka naman doon". Nagulat ako ng may magsalita mula sa likuran ko at ng unti-unti akong humarap ay nakalimutan kong narito nga pala kami sa ER malapit sa may bed ni kuya Jongsuk. Hinawi ko ang kurtina at nakita ko ang lungkot sa mga mata nya, dahil dun ay para akong nataohan at gustong bawiin lahat ng mga masasakit na nasabi ko at hindi ko naisip nun kong ano ang mararamdaman nya, ang tanga ko sariling nararamdaman ko lang ang iniintindi ko.
"Ku... Kuya gising ka na pala". Sabi ko habang nakayuko hindi ko sya kayang tingnan ng deritso. Hindi ko kayang makita ang lungkot sa mga mata nya, hindi ko napansin iyon noong mga nakaraang araw dahil nabulag ako ng sarili kong nararamdaman, parang naging invisible sya sa harap ko pero ngayun, ngayun ko na realise na mali pala ako sa mga naiisip ko.
"Sun-i, dito ka lang tatawag lang ako ng doctor". Sabi ni kuya na nagmamadaling umalis.
"Ok, kuya Hyun". Sagot ko habang nagpupunas ng luha, hindi ko namalayan na kusa na palang tumutulo.
"Kuya sorry". Sabi ko at dagling niyakap sya.
"Aray, ayus lang yun bunso, naiintindihan kita alam kong kasalanan ko ang lahat, wag ka ng umiyak uhug mo tumutulo na sa damit ko". Sabi nya habang hinihimas ang likurang buhok ko.
"Kuya naman eh, so.. Sorry talaga sa mga nasabi ko. Narinig mo kami na nagguusap sa labas ng room mo kaninang hapon tama ba?". Sabay kalas ko sa pagkakayakap sa kanya nakalimutan kong may opera nga pala sya sa dib2.
"Kuya masakit pa ba? Sorry napahigpit ang yakap ko". Sunod-sunod kong sabi sa kanya.
"Hindi na masakit, ayus lang". Sabi nya ng naka ngiti pero hindi iyon abot sa mga mata nya, namimiss ko ang dating ngiti nya na abot sa mga mata. Napaka cute nya kapag naka ngiti sya ng ganun, hindi gaya ng mga ngiti nya ngayun. Lalo akong nanlumo at nagsisi sa mga inisip at mga sinabi ko tungkol sa kanya. Ilang sandali lang din ay dumating na si kuya Hyun kasama ang doctor at chineck si kuya Jongsuk.
"Stable naman na ang kuya nyo, sir wag ka ng tatakas uli ha? Hindi pwerke stable na lagay mo ay ok ka na. Be aware na hindi pa ganun ka ganda ang condition ng katawan mo kailangan mo pang manatili dito sa hospital for recovery". Mahinahong sabi ng doctor kay kuya.
"Doc hanggang kailan pa po ba ako dito?". Sagot naman ni kuya na animo hindi narinig ang payo ng doctor.
"Will depende sa progress ng katawan mo sir, siguro mga two to three weeks papayagan na kitang lumabas ng hospital at sa bahay nalang magpa galing ng lubusan". Sagot naman nito sa kanya.
"Ok po doc, salamat at pasensya na". Seryusong sabi ni kuya at yumuko pa ng kunti sa kanya. Si kuya Jongsuk talaga ay tipid kong magsalita lalo pagkausap ang ibang tao, hindi rin sya ganun ka expressive sa nararamdaman nya at masecreto. Kaya hindi ko nga lubos maisip kong bakit pag aartista ang gusto nyang profession mula pagka bata. Will magaling syang umakting pero ibang iba sya sa totoo buhay.
"Hmmm.. Wala iyon basta wag mo na uulitin, nga pala mamaya ay ililipat na kita sa dati mong room, maiwan ko muna kayo at kailangan ko pang puntahan ang iba ko pang pasyente".
"Sige po doc salamat". Sabay naming sabi ni kuya Hyun. Namayani ang katahimikan na binasag naman ni kuya Hyun.
"Kuya mabuti naman at gising ka na, kamusta ang pakiramdam mo? kuya ang ganda ng chicks na nagdala sayo dito kanina, ikaw ha? Sino sya?". Si kuya Hyun talaga laging taga pagpagaan ng atmosphere. Muntik ko ng makalimutan ang magandang babae na iyon, mukha syang manika, teka parang kamukha nya iyong manika ng batang kapitbahay namin na Pinoy. Maalala ko nga pala meron syang binigay na calling card asan na ba yun? Ah, dyan ka lang pala, nalagay ko pala sa bulsa ng pantalon ko pagka bigay nya kanina.
"Oo nga kuya pano mo sya nakilala?". Curious kong tanong sa kanya, habang hawak-hawak ang calling card na binigay nung manika.
"Ah, wag nyo nang alamin, hindi ko sya kilala, ni hindi ko nga alam ang pangalan nya". Sabi ni kuya na hindi makatingin ng deritso sa amin.
"Zhaleil daw ang pangalan nya kuya". Ngiting ngiti na sabi ni kuya Hyun. Kaya binatukan ko nga, mukhang nag day-dreaming pa habang binabanggit ang pangalan nung manika eh. Hindi ko sya masisisi kahit ako parang natotomboy sa ganda nya, matangkad sya siguro mga 5'9 o 5'10 ang height, balingkinitan ang katawan, maputi ang mamulamula pang kutis, para talaga syang manika na binigyang buhay.
"Aray naman bakit mo ako binatukan?". Sabi ni kuya habang hinihimas himas ang parteng binatukan ko.
"Eh, kasi may pa ngiti-ngiti ka pa habang binabanggit ang pangalan nya". Sabi ko sabay abot kay kuya Jongsuk ng calling card nung manika. Nakatitig lang kasi sya kay kuya Hyun.
"Ano ito?". Sabay tingin nya sa calling card na binigay ko.
"Calling card yan na bigay nung manika kanina kuya". Sabi ko sa kanya.
"Manika?". Tanong nya bago tignan ulit ang calling card. Hehe... Nasabi ko pala yun? Ey sa mukha naman talaga syang manika ey.. Naalala ko rin palang may kasama din syang dalawang pogi kanina, parang pamilyar nga sila sa akin eh, san ko nga ba sila nakita? Hmm.. mas pogi iyong matangkad na payat na laging nakabuntot sa likod nya, boyfriend nya kaya iyon? Sayang naman kong Oo, ang pogi nya panaman at iyong manika bagay sila ni kuya Jongsuk. Naputol ang pag day-dreaming ko nang mag salita si kuya na ikinagulat ko.
"Zhaleil Kang, Chairman of K.Y.M Group of companies, totoo ba ito?". Hindi makapaniwalang sabi ni kuya habang binabasa ang nakasulat na details sa calling card, K.Y.M. Group of companies, isa iyong pinaka malaking groupo nang ibat-ibang malalaking companya dito sa korea, mga companyang pinatayo nang founder ng K.Y.M. Company na ipinamahala sa mga tapat nitong taohan at isa na doon ang great grandfather namin, sa tagal ng panahon ay naging stock holder narin kami at naipasa sa mga susunod na generation ang pagmamanage ng companya. Ako din hindi makapaniwala dahil kong totoo nga iyon ay small world, dahil sa ngayun ay si lola ang acting Chairman ng K.Y.M Group of companies. Bilang isa sa mga President ng K.Y.M. Group of campaneis ay sya ang napagbotohan ng board na pansamantalang humalili sa namayapang old Chairwoman. Nang mamatay kasi ang lolo ay sya na ang namahala ng company na ipinamanage sa pamilya namin nang founder. At si kuya Jongsuk bilang panganay na apo ay sya ang nakatakdang susunod na magmanage ng company. Narinig naming nang namatay ang old chairwoman ng companya ay ipinasa ang position sa nagiisa nitong apong babae, pagkakataon nga naman mukhang nauna pa namin syang nakilala kaysa sa ibang stock holders hehe.. Ang dinig ko kasi ay hindi pa sya nagpapatawag ng mga board meetings at wala pang nakakakita sa kanya ng personal.Jongsuk POV
Hindi ako makapaniwala sa mga nababasa ko sa totoo lang. Sa itsura nyang iyon? Isa syang chairman? Napaka bata nya pa at small world dahil isa si lola isa sa mga Presidenting hawak nya. Seriously? ang tinatanggihan kong companya noon na imanage ay isa sa mga companya na pag-aari nya na ngayun? Haaa... Parang nakalimutan ko panandalian ang huminga pero sige dahil iniligtas mo ang buhay ko may utang ako sayo at paglabas ko dito sa hospital ay tatanggapin ko na ang responsibility na ipinapasa sa akin ni lola magco quit narin ako sa entertainment industry para makapag concentrate ako sa pag mamanage ng company.
"Kuya ayus ka lang? Kanina ka pa kasi nakatulala dyan". Nagulat ako sa pagsalita ni Sun-i.
"Ah, Oo ayus lang ako, teka nasan na sya? Umalis na ba sya pagkatapos nya akong dalhin dito?". Seryuso kong tanong sa kanila.
"Oyyy, si kuya interested, nakakagulat ang nakalagay sa calling card na yan, kong totoo nga ang nakalagay dyan. Kuya tatanggapin mo na ba ang tinatakasan mong responsibility noon? Para makasama at makilala mo pa sya? Kasi kong ayaw mo talaga ay wiling akong saluhin iyon. Ako ang magmamanage ng company at ipagpatuloy mo naman ang profission na gusto mo". Sabi ni Hyun. Hindi ko alam kong seryuso ba sya dun o nagbibiro lang? Mukhang tinamaan sya sa manika, tama si Sun-i mukha talaga syang manika. Hay kong noon nya pa sinabi yan ay walang pagdadalawang isip akong papayag pero ngayun nagdadalawang isip na ako, Oo pangarap kong mag artista mula pagkabata pero iba na ang situation ngayun, sya ang dahilan kong bakit buhay pa ako hanggang ngayun at ito lang ang paraang naiisip ko para makabayad ng utang sa kanya. Ang maging mabuting Presidente ng company nya.
"Ikaw talaga kuya Hyun, wag ka ngang pahalata dyan. Umalis na sya kuya pagkabigay nya ng calling card, mukhang nagmamadali eh,. Nga pala kuya alam mo bang pinayuhan kami ng mahaba nun kanina, dahil sa payo nya ay nagising ako sa katotohanan at nagpapasalamat ako dahil dun. Sorry talaga kuya sa mga nasabi ko".
"Ganun ba, uhm, sa offer mo Hyun salamat nalang, kong noon mo pa sinabi iyan baka pumayag pa ako ng walang pagdadalawang isip pero iba na ngayun. May utang akong kailangang bayaran kaya hindi kita mapag bibigyan". Pagkakautang na habang buhay ko na yatang babayaran sa kanya.Itutuloy..........

BINABASA MO ANG
Accidentally Found Love
RomancePaano kong dumating sayo ang pag-ibig sa di inaasahang pagkakataon? Tatanggapin mo ba ito kahit na hindi mo alam kung ano ang patutunguhan? Ipag lalaban mo pa ba kahit alam mong maski ang tadhana ay kakalabanin mo na? Tunghayan ang pag-iibigang Zhal...