Chapt 1

1 0 0
                                    


Zhaleil POV


"Ha... Namiss ko ito ang mamasyal ng walang nakabantay na bodyguard". Bulong ko sa sarili habang naglalakad-lakad sa isang forest park. "Oh, nako 7pm na pala di ko namalayan ang oras lagot ako kay Uncle 1h lang ang paalam ko pero ilang oras na at di parin ako nakakabalik siguradong kanina pa ako pinapahanap nun". Sabi nya habang nakatingin sa wrist watch nya habang naglalakad.

Nang... "Teka sandali ano iyong nakasabit sa puno? Parang tao iyun ah, teka tao nga". Tyaka sya mabilis na tumakbo at lumapit sa puno at sa pagkataranta nya ay napatalon sya ng mataas at pinutol ang tali na nakakonekta sa puno at leeg ng taong ito, gamit ang maliit na kusilyong dala nya bilang self defens sana dahil hindi nya pinasama sa pamamasyal ang kanyang mga bodyguards. Bago ito sinalo at napagulong gulong pa sya sa lakas ng impact ng pagbagsak nila habang mahigpit na yakap ang taong ito. Pagkatapos nilang nahinto sa paggulong ay nanginginig at natataranta nya itong tinanong. " Bakit mo iyun ginawa? ayus ka lang ba? sumagot ka!". Sabay umalis sya sa pagkakadagan nya dito at inalog alog ang balikat nya habang umiiyak na nakatingin dito.
Pupungay pungay ang mga mata na nakatitig lang sa kanya ang taong iniligtas nya nakakunot ang nuo bago ito paos na nag salita." Nuguseyo? wae nal guhaess-eo? wae uneungeoya?"(Sino ka? Bakit mo ako iniligtas? At bakit parang umiiyak ka?) . Sabi nito sa ibang lenguahe habang mariing nakatitig sa kanya, siguro ay inaaninag sya ng husto nito dahil medyo may kadiliman ang parte ng parke na ito at sinag ng bwan lang ang pinaka nagsisilbing liwanag nila.
Napakunot din ang noo nya at naalalang nasa Seoul, South Korea nga pala sya at malamang ay hindi sya nito naiintindihan sa sinabi nya kanina, mabuti nalang at tinuruan sya ng great grandma nya ng "kugo" korean language noong bata sya at madalas na iyon ang ginagamit nilang lenguahe sa tuwing nagguusap sila sa loob ng bahay.
"Joesonghabnida, uyeonhi uyeonhi namue maedallyeo issneun geos-eul bogo danghwanghayeo guhae deulyeossseubnida. geuleonde wae geuleon il-eul haessseubnikka?" (Patawad, napadaan lang ako dito at nakita kitang nakasabit sa puno, nataranta ako at iniligtas ka. Pero bakit mo ginawa ang bagay na iyun? ). Umiiyak pading sabi nya sa lalaki habang ito ay nakahiga parin sa lupa at nakatitig parin ng mariin sa kanya, hindi nya alam kong bakit sya umiiyak sa harap nito siguro dahil naaalala nya ang nakaraan na pilit nya ng kinakalimutan.

Year 2012 :9pm,
inaalala ang mga masasayang memories na meron sya sa bawat sulok nito at sa paglalakad nya ay naalala nya rin kong bakit mag-isa nalang sya sa tahimik na bahay na ito at nakatingin sa isang partikular na sulok.

"Anak ka ng isang mayamang pamilya hindi ba?". Boses iyun ng kinilala nyang ama sa loob ng sampong taon. "Papa, hindi ko alam ang sinasabi mo kayo ang ama ko si mama naman ang ina ko kayo ang pamilya ko!". Pasigaw na sabi nya naman dito habang umiiyak. "Hindi kita anak nagsinungaling sa akin ang mama mo ay hindi, hindi ka namin anak, patay na ang anak namin nung pinanganak sya, kaya hindi ka namin anak. Anak ka ng isang mayamang pamilya na ayaw sa kahihiyan kaya binayaran nya ang asawa ko para ipag palit ang anak namin at palabasing namatay ang anak nya at buhay naman ang sa amin, Kaya hindi kita anak".
"Hindi po totoo iyan, sabihin nyong nagsisinungaling lang kayo, pakiusap". Umiiyak nyang sabi sa kinikilalang ama.
"Nagsasabi ako ng totoo, oh, nandito na pala ang magaling mong nanay nanayan". Pabalang nitong sabi sa bagong dating na asawa.
"Anong nangyayari dito?, Sandro bakit umiiyak sa lapag ang anak natin?" . At dali-dali naman itong lumapit sa anak.
"Anak? Patay na ang anak ko sampong taon na ang nakalilipas, hindi ko sya anak ikaw babae ka ang lakas ng loob mong magsinungaling sa akin halika ritong hayop kang sinungaling ka". Sabay sabunot nya sa buhok nito pataas.
"Papa, tama na po ako, ako nalang po ang pagbuntunan nyo ng galit nyo ako nalang po wag na si mama, pakiusap". Umiiyak nyang sabi habang patakbung niyakap ang biwang ng kinilala nyang ama upang pigilan ito sa pananakit sa ina.
"Isa ka pa, sinabi ng hindi kita anak wag mo akong tawaging papa matagal ng patay ang anak ko".Sabay bitaw nya sa buhok ng asawa at daklot nya sa leeg ng kawawang  bata at inangat ito sa ire.
"Bitawan mo sya, pakiusap sinong nagsabi sayo? Magpapaliwanag ako bitawan mo na sya Sandro nahihirapan na syang huminga pakiusap bitawan mo na sya, hindi ka ba naaawa sa kanya? Alam kong nagsinungaling ako sayo kasalanan ko ang lahat pero walang kasalanan ang bata, sa loob ng sampong taon hindi mo man lang ba sya minahal bilang anak mo?". Umiiyak nyang sabi sa asawa habang inaabot ang bata na nasa ire parin habang sinasakal ng asawa, matangkad kasi ito sa height na 6'1 kumpara sa height nyang 5'2, wala narin syang maisip na idadahilan dito kundi ang mag sabi ng totoo, kilala nya ang asawa at sa oras na nakapag desisyon na ito ay hindi na mababago ang isip at pananaw nito kaya wala narin syang pamimilian kundi umamin at magsabi ng totoo.
Umiiyak ang asawa nya habang unti-unting binababa ang bata at niluluwagan ang pagkakasakal dito. "Minahal ko rin sya dahil ang buong akala ko ay anak kong talaga sya pero niluko mo ako nagsinungaling ka sa akin at tinago mo ang kasinungalingan na iyun sa loob ng sampong taon, sampong taon Helen, sampong taon mo akong niluko at pinaikot sa kasinungalingan mo! ". Sabay labas nito ng baril na kanina pa pala nakatago sa likod ng damit nya sabay totok sa kanya.
" Sandro? Ibaba mo yan san mo nakuha ang baril na yan? Sandro pakiusap wag kang magpadala sa galit mo alam kong nagkamali ako hindi ko sinabi agad sayo ang totoo, sasabihin ko naman talaga dapat sayo pero natakot ako matagal na nating ginustong magkaroon ng anak pero namatay na sa tiyan ko palang ang anak natin bago ko pa sya isilang. Nung pumunta ka ng Baguio dahil sa trabaho nadulas ako sa banyo at dinugo kabwanan ko na dapat pero napaaga ang pag labor ko pero nung chenick ng doctor ang pulso nya sabi nya.. Sabi nya patay na daw ang bata natakot akong ma disappoint ka kaya nung mag offer sya sa akin noon ay hindi na ako nagdalawang isip pa". Humahagolhul nyang sabi habang nakaharap sa asawa at takot na takot.
"Aaaaah.. Walangya.. Walangya ka dapat sinabi mo nalang ang totoo noon palang hindi mo na sana pinaabot pa sa ganito... Huli na huli na ang lahat pinaasa mo ako. Alam mo ang nakaraan ko at ayaw ko sa lahat 'ang pagsinungalingan ako at sa lahat ng tao bakit ikaw pa bakit.... ". Sigaw nito na parang nababaliw." At ikaw bata ka ikaw ang punot dulo ng lahat ng ito at ang nanay mong epokreta uunahin na kita". Sabay kasa nito ng baril at walang pagdadalawang isip nyang kalabitin ang gatilyo na nakatutuk sa bata.
Banggggggg.......
"Waaaaaaaag..... Ahhh". Sinalag ng kanyang asawa ang balang dapat ay para sa bata, mahigpit nyang niyakap ang bata habang walang tigil sa pag patak ang kanyang mga luha.
"Mama......".

"Mama..". Napaluhod ang bata habang inaalala ang masakit na pangyayari sa isang sulok ng bahay na ito. Sa murang edad ay naramdaman nyang mag-isa nalang talaga sya hindi alam ang tunay na pagkatao, namatay sa harap nya mismo ang kanyang kinikilalang ina sa pagliligtas sa kanya at ang masaklap pa ay sarili nya mismong kinikilalang ama ang may gawa nito. Matinding pighati at galit ang nararamdaman nya para sa sarili dahil sa murang edad ay naiintindihan nya at isinisisi sa sarili ang mga nangyari, kundi sya nabuhay sana ay masaya at buhay pa ang kanyang ina at hindi nya sana nararanasan ang lahat ng ito. Kaya ng makita nya ang lubid sa bodega ng bahay ay kinuha nya ito umakyat sa mataas na parteng bubungan ng bahay tinali ang lubid at ang dulong parte nito ay kinurtehan nya ng bilog na kakasya sa kanyang ulo at nanginginig nyang ipinasuk ang kanyang ulo sa ginawa nyang taling bilog at bumitaw sa pagkakahawak nya sa bubungang parte ng kahoy.



Itutuloy......

Accidentally Found LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon