Yuan POVNaiinis ako sa sarili ko hindi ko mapigilang sumabat sa usapan nila, kainis na puso ito hindi ko mapigilang mag selos sa kong sino mang lalaki ang napapalapit sa kanya, lalo na kanina nakita kong buhat buhat nya ang lalaking iyon sa likod nya at nakita ko rin kong pano sya nagalala sa taong iyon . Oo, matagal ko ng gusto si Zhaleil pilitin ko mang pigilan dahil sa sinumpaan naming tungkulin ay lalo lang lumalala.
"Yuan magusap tayo sandali, Poenex(06), Yuki(04) bumalik na kayo sa pwesto nyo sa labas. Yumi(03) paki handaan ng dinner si Zhaleil paniguradong gutom na yun kanina pa at lumabas ka narin muna pagkatapos mo". Mukhang alam ko na ang pagguusapan namin haist.. Oh, kasama nga pala namin si Yuki na nakatitig sa akin, bakit kaya? May alam ba sya? Kong hindi binanggit ni Captain ang pangalan nya ay iisipin kong wala sya sa subrang tahimik nya.
"Yes sir". Sabay-sabay nilang sabi bago umalis.
"Yuan alam kong matalino ka at alam kong alam mo na ang pag uusapan natin". Malumanay na sabi nya habang nakatitig ng mariin sa akin.
"Opo, Captain". Sabi habang nakayuko.
"Hmm.. Alam kong may pagtingin ka kay Zhaleil at alam ko rin ang pang babakod na ginagawa mo mula nung nagaaral pa kayo. Lahat ng mga napapalapit na lalaki sa kanya ay palihim mong tinatakot at binabantaan na layuan sya pero nanahimik lang ako dahil kong bilang Uncle nya ay wala naman akong problema sayo pero alam mong hindi lang ako Uncle nya Yuan at hindi ka lang din ordinaryong tao. May sinumpaan tayong tungkulin alam mo yan, na sa bawat misyon na nakaatang sa atin ay dapat hiwalay ang personal na emotions sa trabaho. Sya ang misyon natin, ang panatilihin syang ligtas sa lahat ng oras at maging alerto para sa kaligtasan nya, sundin ang bawat inuutos nya at hindi makikialam sa personal na buhay nya, even me as her blood Uncle ay hindi exception sa batas na iyon ng organization. Alam ko hindi iyon maiiwasan na minsan ay nakakapanghimasok tayo sa personal nyang buhay, minsan ay concern lang tayo dahil napalapit na tayo sa kanya at hinahayaan nya lang tayo dahil tinuturing nya na tayong pamilya pero sikapin sana nating maging professional lalo na't hindi paman sya opisyal na nanunumpa at tinatanggap ang position pero sya ang nakatakdang pamunuan ang organization, kaya hanggat maaari pinapayuhan kita bilang superior mo na pigilan ang nararamdaman mo hanggat kaya pa". Alam nya pala ang mga bagay na yun? Oo palihim ko nga iyong ginagawa noon. Masaya ako noon na isa ako sa napiling bantayan sya at pumasok rin sa school na pinapasukan nya. Gusto ko na sya unang beses ko palang syang makita sa training camp noon. Kong alam mo lang Captain, ginawa ko ang lahat para kalimutan sya pero hindi ganun ka dali iyon, sa bawat pagpikit ko kahit sa panaginip ko lagi ko syang nakikita, naaalala. Kong alam ko lang kong pano noon ko pa sanang ginawa, alam ko namang hindi kami pwede eh. Lalo na kapag nalaman nya kong sino talaga ako, alam kong kakamuhian nya ako ang tunay kong pagkatao.
"Captain, hindi ko po nakakalimutan ang bagay na iyon. Hayaan nyo po at tatandaan ko ang payo nyo, salamat sa pangunawa". Sabi ko nalang para hindi na humaba pa ang usapan.
"Aasahan ko yan Yuan". Sabi nya sabay tapik sa balikat ko.
"Nga po pala kilan daw ang labas mo ng hospital Captain?". Pag-iiba ko ng usapan.
"Bakit pagod ka na bang bantayan ako dito sa hospital?". Pabirong sabi nya.
"Hindi naman po". Sabi ko at alanganing ngumiti. Si Captain talaga minsan ang pangit magbiro.
"Biro lang, sabi ng doctor mga 1month pa daw ako dito at pasalamat daw ako walang major organs ang tinamaan sa dib2 ko daplis lang sa balikat ko at sa binti naman ay walang tinamaan na buto, maswerte parin ako kong tutuusin. Mukhang hindi talaga ako balak patayin ng bumaril sa akin". Nakangiti pa sya habang sinasabi iyon. Ibang klase talaga sya.
"Alin ang maswerte dun sir?".
"Maswerte ako at buhay pa ako ngayun at humihinga ano pa ba?". Nakangiti nya paring sabi magsasalita pa sana ako ng biglang mag ring ang phone nya. Kinuha ko naman iyon at ibinigay sa kanya.
"Sino kaya ang tumatawag? Teka si kuya Tianyu? Bakit kaya? Kakatawag nya lang kaninang hapon ah? AKala ko ba busy sya ngayun? Nǐ hǎo, xiōngdì, nǐ bèi zhàohuànle ma? Nǐ xiànzài máng ma?(Hello kuya napatawag ka? Kala ko ba busy ka ngayon?) ". Sagot nya sa tawag sa salitang Chinese. Si tito Tianyu ay nakatatandang kapatid ng Captain na sya namang ama ni Zhaleil.
"Shénme? Shéi tā mā gēn nǐ shuō de? A, méishénme, xiōngdì, wǒ méishì, zhā léi ěr yě méishì, nǐ bié dānxīn hǎo ma? Duìbùqǐ, wǒ méiyǒu mǎshàng gàosù nǐ, wǒmen zhǐshì bùxiǎng ràng nǐ dānxīn, shì ba? Nǐ yào lái ma? Wǒ yǐwéi nǐ zhè yīzhōu dōu hěn máng? Wǒ shuō nǐ bù lái wǒ yě méishì. Hǎo de hǎo de, sān tiānhòu? Hǎo de xiōngdì xiǎoxīn diǎn, bié wàngle gàosù wǒmen nǐ de hángbān shíjiān. Hǎo de, bǎozhòng, zàijiàn.(Ano? Sino namang chismoso ang nagsabi sayo nyan? Ah, wala wala kuya ayus lang naman ako ganun din si Zhaleil, wag ka ng magalala ok? Sorry na hindi ko nasabi agad ayaw lang namin na magalala ka, ha? Pupunta ka dito akala ko ba busy ka nitong buong linggo? Sabi ng ayus lang ako kahit wag ka ng pumunta dito. Ok ok, in three days? ok kuya ingat, wag mong kalimutan na ipaalam sa amin kong anong oras ang flight mo. Ok sige ingat bye. ) Nako naman, sino ba kasing nagsabi sa kanya? Malalagot talaga sa akin kong sino man sya". Himutok ni sir habang kakamot kamot pa ng ulo.
"Ano pong problema sir?". Curious kong tanong sa kanya.
"Pano may matabil ang dila na nagsabi kay kuya na inambush tayo ilang oras pagka lapag natin dito sa korea,habang bumabyahe papunta ng old mansion at hindi lang yun nalaman nya ring nasa hospital ako ngayun". Kakamot kamot sa ulo nyang sabi, sino kaya ang nagpaalam kay tito? Hindi ko masisi si Captain kong bakit ganyan ang reaction nya ngayun. Grabe kasi iyon kong magalala, nakakainggit nga minsan eh. Kaya kapag may ganitong pangyayari ay madalas hindi na nila pinapaalam sa kanya, nalalaman nya nalang kapag ok na. Maya maya ay bumukas ang pinto ng banyo at nakita kong lumabas si Zhaleil mula dun. Saglit pa syang napatulala sa paligid at natawa ako nung marinig kong tumunog ang tiyan nya. Paniguradong sinasabi nya ngayun sa sarili nyang nagwawala nanaman ang mga dragon sa tiyan nya.. Hehe.. Lagi nyang sinasabi yun ng di napapansin sa tuwing tumutunog sa gutom ang tiyan nya.
"Uncle nakakain na po ba kayo?". Tanong nya na di namamalayang hinihimas ang tiyan nya. Ang cute nya kapag ginagawa nya yan. Pano ko sya makakalimutan kong palagi kong nakikita ang ka cutetan nya sa araw2x haist..
"Oo nakakain na, hindi na kita nahintay kanina dahil kailangan ko pang uminom ng gamot nga pala Zhaleil may maliit na problema tayo". Kakamut kamot uli sa ulong sabi ni Captain.
"Ano yun Uncle?". Nakakunot noong tanong ni Zhaleil.
"Ang papa mo, nalaman ang nangyari ilang oras pagkarating natin dito sa korea. Nalaman din nya ang nangyari sa akin, ihanda mo na ang sarili mo ang sabi niya pupunta sya dito in three days".
"Ano? Sinong nagsabi sa kanya? Malalagot sa akin!". Kong sino man ang nagsabi nun ihanda nya ang sarili nya.Zhaleil POV
Parang nakalimutan ko ang gutom ko panandalian sa nalaman ko. Lalo na ng maalala ko ang gabing iyon.
Two weeks ago
Incheon International Airport... Pagkababa namin sa private plane na sinakyan namin ay sinalubong kami ng mga higher ups ng organization nakahanay sila sa dalawang linya at sabay-sabay na yumuko pagkadaan ko. Sila lang ang sinabihan namin na ngayun ang schedule ng pagpunta namin dito sa korea. Sa totoo lang sa tagal ng panahon ay hindi parin ako masanay sanay sa ganong treatment pero wala akong magagawa kundi yakapin ng maluwag sa dib2 dahil ito ang pamilyang meron ako.
Gabi na nang makarating kami kaya napagpasyahan naming mag dinner muna sa mamahaling restaurant malapit sa Airport. Pagkatapos nun ay napag pasyahan kong tumuloy na sa old mansion ni lolo, napagod kasi ako sa byahe at may jet-log pa ako, wala naman silang nagawa kaya nag offer nalang sila ng dagdag na bodyguard, hindi ko na sila tinanggihan at baka humaba pa ang usapan gusto ko na kasi talagang magpahinga noong mga panahon na iyon. Nakatulog pa nga ako sa kalagitnaan ng byahe pero agad din akong naalimpungatan ng malakas na tunog nang preno, hinawakan naman ako agad sa balikat nina Yuan at Yuki na nasa magkabilaang gilid ko, para di ako mauntog o masubsub sa lakas ng impact ng pagpreno.
"Anong nangyari Poenex?". Tanong ko sa kanya, sya kasi ang nagmamaneho ng kotseng sinasakyan namin. Pangalawa ang kotse namin at sa harapan naman ay ang kotse na minamaneho ni Uncle. Nakasunod naman ang iba sa likoran namin.
"Bigla kasing nag preno si Captain kaya napa preno rin ako, sandali po tatanungin ko kong anong problema. Captain, '06' speaking, pinapatanong ng Young lady kong anong nangyari bakit ka huminto?". Tanong nya sa earpiece radio ng may marinig kaming putok ng baril.
"Ano? Young lady na ambush tayo dito lang kayo sa loob, lalabas ako para tumulong". Sigaw ni Poenex. Bago lumabas ng kotse, bullet Prof ang mga kotseng gamit namin pero hindi ako kampanting nasa loob lang, gusto ko ring tumulong si Uncle nasa harap sila. Nakita ko nang bunot ng baril sina Yuki at Yuan at ikinasa ang mga iyon.
"'02', '04' hayaan nyo akong lumabas". Nakikita ko ang pagdadalawang isip nilang dalawa sa sinabi ko.
"Thats an order!". Sigaw ko sa kanila, kaya wala narin silang nagawa kundi sundin ako. Pagka labas namin ay nakita kong naglalaban na sila, sipa dito sipa doon lalapit na sana ako para tumulong pero nakita ako ni Uncle.
"Bakit ka lumabas! Protect the Young lady! Form the position!" . Sigaw naman nya. Bilang Team Captain ay may authority syang icommand ang mga taohan namin kaya wala na akong nagawa kundi ang manood dahil pinalibutan na nila ako at naiinis ako dahil dun may kakayahan din naman akong lumaban kahit wala akong armas ay kaya kong talunin sila kahit sampo pa, lalo na kong meron akong armas kahit isa lang pero mula nung matuklasan ni Papa na nawawalang kapatid nya si Uncle naging over protective na sya sa akin. Hindi nya na ako hinahaan na lumaban, lagi nyang ginagamit ang authority nya bilang Team Captain at bihira nya nalang akong sundin bilang Comander nya. Hanggang ngayun ay may kunting inis pa akong nararamdaman dahil laging nag piplay sa isip ko ang pagbagsak ni Uncle ng barilin sya sa dib2 hindi namin makita ang mga mukha ng kalaban dahil mga naka maskara sila. May nahuli kaming isa pero hindi parin sya nagsasalita hangang ngayun kahit anong torture ang gawin sa kanya kainis. Sa pangyayaring iyon ay nakapagtatakang si Uncle lang ang may pinaka malubhang tama kaya sya lang ngayun ang nagtagal sa hospital.Itutuloy........

BINABASA MO ANG
Accidentally Found Love
RomancePaano kong dumating sayo ang pag-ibig sa di inaasahang pagkakataon? Tatanggapin mo ba ito kahit na hindi mo alam kung ano ang patutunguhan? Ipag lalaban mo pa ba kahit alam mong maski ang tadhana ay kakalabanin mo na? Tunghayan ang pag-iibigang Zhal...