Chapter 1

879 75 1
                                    

It's been 1 years since my parents died and I feel like I am also dead. I've been in hell and I don't know how to stand now knowing I am alone.

Hindi naging madali para sa akin ang bumangon araw araw ng wala sila sa tabi ko. Dala dala ko pa din sa puso ko ang puot at paghihinagpis dahil sa pagkawala nila.

Gabi gabi ay nakikita ko sila sa panaginip ko na humihingi sa akin ng tulong pero wala akong magawa kung hindi umiyak gabi gabi dahil hindi ko matanggap ang sinapit nila. Hindi ko akalain nawawalan sila sa ganyang klaseng brutal na pagkamatay.

They were my role model, sobrang bait at mapagbigay ang parents ko kaya hindi ko lubos maisip na mawawala sila ng ganun ganun.

I've been in a hospital because of shocked and trauma. Ilang linggo ako naroon at walang ginawa kung hindi ang umiyak, wala akong makaramay na kahit may mga kaibigan ako ay hindi ko magawang kausapin, they visit me and make me feel i'm not alone but still their presence isn't good enough.

The authorities and pulis visit me and take my statement and what I seen in a crime. I gave them the black envelope and I could see through their eyes that they're hesitant and after a weeks i don't know what happened but they just said that the case of my parents was close. I feel my words and my heart shattered. That it? Sumuko agad sila? Nagmakaawa ako sa kanila pero wala na daw silang magagawa dahil kulang ang evidence at statement ko.

I was devasdated and depresssed that time. Hindi ko alam kung sino ang lalapitan ko. I don't know my relatives and I don't really know them.

Walang ibang pinakilala sa akin ang mga magulang ko kung sino ang magulang nila.

Nagtataka man ako pero wala naman akong magagawa dahil ayoko ungkatin ang mga nakaraan na tingin ko ay nilimot na nila.

Ilang buwan akong pabalik balik sa sa mga pulisya at umaasang magagawan nila ng paraan pero wala akong nakikita sa mga mata nila kung hindi awa at panghihinayang.

Hindi ko alam pero napagtanto kong hindi basta basta ang pumatay sa magulang ko. Dahil sa nakita ko sa mukha nila ng araw na iyon ng makita nila ang black envelop ay parang sumuko na agad sila.

Hindi ko alam kung sino ang dapat kong hingan ng tulong, simula ng umalis ako sa hospital ay wala na akong ni isang kaibigan kinausap kung tama ang hinala kong pumatay sa mga magulang ko hindi sila pwedeng madamay.

Tumayo ako at sumilip ng konti sa liwanag na pumapasok sa bintana ko. Ilang buwan din akong hindi nasinagan ng araw, ilang buwan ako nag iisip at nagpaplano kung paano ko sisimulang hanapin ang pumatay sa mga magulang ko hindi madali ang gagawin ko pero desidido akong hanapin sila at ako mismo ang magbibigay hustisya sa pagkawala nila, kung hindi kaya ng mga otoridad na kumilos ako mismo ang kikilos para sa hustisya.

Tumayo ako at lumabas ng silid, ang dating punong puno ng saya ay tila nawalan ng buhay. Ma agiw at parang abandonadong bahay na ang dating punong puno ng mga boses at tawa.

Nag Init ang gilid ng mata ko habang pinagmamasdan ang frame na nakasabit sa digdig kung saan masayang magkayakap ang magulang ko habang nasa gitna nila ako, tumulo ang luha ko dahil bumuhos sa akin lahat ng ala ala nila simula ng mawala sila ay parang nawalan na rin ako ng buhay, parang walang saysay ang buhay ko ng wala sila hindi ko na kayang pumasok sa trabaho dahil parang walang saysay magsikap ng wala sila.

Para saan pa ang pagsisikap ko kung patay na sila? walang natira sa puso ko kung hindi poot at galit nalang, kahit tumingin ako sa salamin ay tanging blangkong mata at walang buhay ito hindi ko na makilala ang dating masayahin at buhay na nga mata ko. Dahil ng mawala sila ay parang namatay na din ako.

Lumakad ako upang puntahan ang silid ng magulang ko, dito ako matalas matulog habang yakap ang litratong naiwan nila wala pang nagagalaw sa mga gamit nila.

Unti unti kong pinihit ang sedora ng pinto nila. Kailangan kong makakita ng bagay na tutulong sa akin para sa gagawin kong paghahanap sa pumatay sa magulang ko.

Baka dito ay makahanap ako ng impormasyon sa mga bagay na pwede kong gamitin. Ginala ko ang mata ko upang isipin kung saan ako magsisimula. Napatingin ako sa frame at nagtaka dahil parang nakaangat ito ng bahagya, lumakad ako at hinawakan at tiningnan mabuti ngayon ko lang napansin na naangat ito aayusin ko sana ng makarinig ako ng click at napaatras ako ng bahagya dahil sa pagkagulat.

"What.the.fuck!?" Gulat at nanlalaki ang aking mga mata.

Tumambad sa akin ang iba't ibang uri ng mga dokumento at agad kong kinuha upang basahin ang mga iyon, Nakakunot ang aking mata habang sinusuri ang mga nakalagay sa dokumento simple lang at puro transaksyon ng pera ang nakikita ko, Agad akong napaisip na baka ito ang trabaho ni mommy dahil finance sya sa opisina kaya hindi malabong ganito ang ginagawa nya.

Habang tinitingnan ko ay may nakita akong isang card at nanginginig ang kamay kong hinawakan iyon. Umawang ang labi ko at kumalabog ang dibdib ko hindi ko alam kung bakit ganito ang naging reaksyon ko.

Tiningnan ko itong maigi at sinuro "Cacciatore Ribelle" Bigkas ko sulat na nakalagay dito, hindi ko iyon maintindihan kung anong salita ito, tiningnan kong maigi at nakita kong may skull at sword din itong tatak.

Agad akong tumakbo sa kwarto upang hagilapin ang aking cellphone, hindi ko alam pero sigurado akong ito ang makakatulong sa akin para mahanap ang taong pumatay sa magulang ko, Siguro dito nagtatrabaho ang aking mga magulang at sila lang ang dapat kong lapitan.

Agad kong nag type sa upang tingnan ang kahulugan ng naka engraved na mga letra kahit nanginginig at kinakabahan ay nagawa kong i type iyon.

Bumuka ang labi ko at taas baba ang dibdib ko habang nakatingin sa kahulugan.

"Rebel Hunter" Mahina at kulang na lang ay hangin ang lumabas na 'yon sa aking labi. Hindi pamilyar kung ano ito pero sisiguraduhin kong hahanapin ko sila.

I've been ignoring all of my friends texts. Liz and Shan keep on visiting me but i never open the door for them.

Natatakot ako kung anong pwedeng mangyari sa kanila kaya kahit gusto ko man nakausapin sila ay wala na akong.

What if, someone was monitoring me? what if they know that i'm alive? What if i am the next? There is too many what's if running through my mind.

Napasabunot ako at napahagulgol na lang. Kung maymakakakita man sa akin na ganitong sitwasyon ay baka isiping nababaliw na ako.

My eyes were swallowed. I haven't eating for a days now. Puro tubig lang ako kahit nagugutom ako ay hindi ko maatim na kumain.

It's just that my mouth can't swallowed it.

The Rebel Hunter: Bullet CastellanoWhere stories live. Discover now