Chapter 7

491 57 0
                                    

It's been a week since i last saw  Bullet in the quarters. I don't know if that's a good thing or not.

I don't know myself but part of me missed his presence. Is it because of the kiss we shared? Or am I slowly falling for him?

Damn! This can't be! I'm still on a mission.

I missed his green eyes, smirked and his damn! presence! Damn his effects on me!

I swallowed hard and closed my eyes tightly, Omg i'm crazy!

I need a distraction.

Nagpalit ako ng itim na damit at leggings. Siguro ay mag papractice na lang ako sa mga bagay na mahina ako.

Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko si Red at Kaizer sa daan.

"Good morning, Katana." Nakangising bati ni Kaizer.

Ngumuso lang ako at tumango ng tipid.

"Wala si Boss ngayon, pero baka mamaya babalik na. Isang linggo na binababad sarili sa trabaho tsk." Sabi n'ya at umiling pa.

Ako naman ay parang nagulat dahil hindi ko naman tinatanong. Walang naman nag tatanong Kaizer, Share mo lang? Gusto ko sana sabihin pero pinigilan ko ang sarili ko.

At parang may kakaiba sa boses n'ya parang may ipinapahayag pa sakin. Napakunot ang noo ko at umiling.

"Hmm, Okay." Tipid kong sabi at napakamot sa kilay.

Tangina! Ako lang ba ang naawkwardan dito. Bakit ba kase kailangan banggitin si Bullet.

"Sus! Namimiss mo na ba si Boos, wag kang mag alala mas namimiss ka nun." Nanunuyang sabi n'ya at humalakhak pa.

"Hindi pa nakakainom ng gamot 'to wag mo na pansinin." Sabi ni Red at tumawa din.

Napaikot ko ang mata ko at inilingan sila pero hindi na ako nagsalita. Hindi ko alam pero may epekto ang panunukso ni Kaizer.

Ano nga ulit? Namimiss ako ni Bullet? Ni hindi nga s'ya nagpakita pagkatapos n'ya akong halikan.

Tumikhim ako at binalik ang tingin sa dalawang lalaking itlog na nagtatawanan.

"Nasaan pala si Flame?" Baling kong tanong.

Nakita kong natigilan ang dalawa sa pag uusap at humarap sa akin.

"She visited her family." Si Red ang sumagot.

Baka namimiss ni Flame ang namatay n'yang mga magulang. Parang bigla ko din gustong dalawin ang magulang ko. pero nangako ako na uuwi ako pag nahanap ko na ang pumatay sa kanila.

"Saan pala nakalibing ang pamilya niya." Kuryoso kong tanong. Hindi ko kase na tanong kay Flame ng magkasama kami.

"What? Her family is still alive." Gulong sabi ni Kaizer.

Nakita kong nanlaki ang mata ni Red at biglang may binulong kay Kaizer. Hindi ko narinig pero nakita ko kung paano namutla si Kaizer at nanlalaki ang mata na nakatingin sa akin.

What does he mean by that? Flame said her Family is dead. And how come that kaizer doesn't know about it. Weird.

"A-Ah, A-ano... K-kase yung itinuturing n'yang pamilya sa ampunan. Yun! Yun yung sinasabi ko." Pagak na tumawa si Kaizer napakamot ng batok.

Kunot noo na tumango ako. Hindi na binigyan ng pansin at pinagkibit balikat na lang.

Magpapaalam na sana ako pero naunahan nila akong dalawa. Umalis sila sa harap ko at sinundan ko ng tingin dahil kita kung seryoso na silang nag uusap ngayon.

The Rebel Hunter: Bullet CastellanoWhere stories live. Discover now