Torpe Problems

260 14 4
                                    

Ang sakit sakit. Ang sakit sakit na talaga. Yung feeling na hindi parin sapat ang effort mo. Isang bagay lang naman ang gusto ko eh. Yun ay mapansin ako ng one and only love kong si Eric.

Eversince, crush na crush ko na talaga siya. Sino ba naman kasi ang hindi maiinlove sa isang katulad niya? Una, gwapo. Yung ngiti niya nakakatunaw na talaga. Pangalawa, yung talino niya. Ang talitalino niya. Pangatlo, ang pagiging sporty niya. At madami pang iba!

He's the dream guy of the century.

Pero ano na ngayon? Eto parin ako ngayon, wala. Sasabihin ko sana sa kanya. Pero. Gusto kong umiyak. Kasama niya na naman kasi yung girl na yun. Gusto ko nang mamatay!

Ano naman kasi ang laban ko sa babaeng yun. Ang balita ko, neighbors sila. At family bestfriends pa! Ang saklap! At kung titignan mo yung itsura nung girl, wala na talaga akong pagasa.

Una, maganda. Hindi katulad ko, sa makeup lang nakasalalay ang itsura. Pangalawa, mayaman. Hindi katulad ko, scholar lang. Pangatlo, alam kong medyo green pero it's reality. Malusog kasi yung dibdib niya. Hindi katulad ng akin, mas straight pa sa buhok ko.

"Enough of the drama Lor." Sabay abot sa akin ng tissue. Guys, bestfriend ko nga pala, si Jennica. Buti pa itong si Jennica, malusog din ang mga melon. Nakaka-insecure na talaga. Wala na ba akong chansang lumaki ito.

"Salamat sa tissue." Buti na lang at nandito siya. Kasi inuhuhog na talaga ako eh. Hero! Hero din pala siya! Buti na lang at laging may tissue si Jennica.

"Ano ka ba naman. Ano na naman ba ang nangyare sayo sa parang namatayan ka sa itsura mo?!"

"Nakita ko kasi Eric kanina."

"Oh tapos?"

"Ayun. Kasama na naman ang babaeng. Ewan. Mas tumindi pa ang kutob kong girlfriend niya yun."

"Ano naman ang ginagawa nila? Baka naman OA ka lang."

"OA?! Ano naman ang ibig sabihin ng sabay naglulunch? Hindi ba date yun?!"

"Date agad?! Hindi ba pwedeng project lang ang ginagawa?!"

"Kahit na. Siya parin ang kasama ni Eric... at hindi ako."

"Cheer up Lorainne! Madami pang iba dyan!"

Ayoko. Si Eric lang isinisigaw ng puso ko. Choss! Hindi ako susuko noh! Kahit na sabing mong crush lang yun, huwag kang sususko. Dahil kapag sumuko ka, hindi na love yun. "True love never gives up!"

"Can you hear the words you're saying?! Maytyr ka nga, torpe ka naman!"

Oo na! Oo na! Ako na ang dakilang torpe! Pero kasi, hindi naman tama na ang babae ang magpakita ng feelings. I mean, hindi tama na tayong mga babae ang unang umamin, diba?

Aaminin ko, minsan napapaisip na rin ako. Gusto kong sabihin kay Eric ang nararamdaman ko. Para alam niya at aware siya sa existence ko. May nabasa kasi ako na kapag umamin ka ng feelings, 90% ang chansang magkagusto rin sayo yung tao.

"Edi, wow! Ganyan tayo eh! Imbis na i-cheer-up mo na lang ako, nagagawa mo pa akong laitin! Bestfriend talaga kita!" I sarcastically said.

"Ayaw mo nun? May bestfriend na nagsasabi sayo ng mga mali mo?! Alam mo ba, daig ng malandi ang martyr!"

Waw. May point.

Wala paring plano si Jennica na tumigil sa kaka-satsat, "Nakita mo lang siya na may kasamang iba, namumula ka na sa galit. Hindi naman sila naghoholding hands para kainggitan mo eh. Tsaka, kayo ba? Hindi naman diba? Kaya wala kang karapatang mainggit."

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon