Mission Accomplished: Captured

128 16 15
                                    

A collaboration with: ChristalXCX

"Uy! Bilisan mo naman!" Sabi sa akin bigla ni Rea habang excited na excited sa Photograpy class. Binalewala ko na lang ang pangungulit niya habang pilit kong nililinis ang lente ng DSLR ko. "Ano ka ba?! Magkaka-gasgas yan sa kakapunas mo eh!" Pangungulit niya ulet.

"Hay nako, Rea. Konting hintay lang pwede?" Saka ko ikinabit ang flash at inajust ang lente. Itinapat ko sa mukha ni Rea-ng nakasimangot sabay click sa 'capture button'. "Aahahha! Ang pangit mo!" Pangaasar ko kay Rea gamit ang litratong nakuha ko. Mission accomplished naman ako! Captured! Nakasimangot na Rea.

"Tse, bahala ka na nga dyan!" Dali-dali siyang lumabas ng classroom dala-dala parin ang kamera niya. Hindi ko namang maiwasang ngumiti dahil sa pagkapikon ni Rea. Well, totoo naman eh! Tsaka, diba bestferiends kami diba?! Ganyan talaga, pranka akong tao.

Lumabas na rin ako ng kwarto at hinabol si Rea, "Pssst! Uy! Hintayin mo naman ako!" Tumatawa parin ako. Binuksan ko ang aking camera at sorry. Hindi ko talagang mapigilan ang pagtawa dahil sa larawan ni Rea. Hahaha! Nakakatawa talaga ang hubog ng mukha ni Rea sa litrato!

Nang biglang, "Aray ko po!" Sinikap kong bumangon sa pagkakadapa SLASH pagkakadulas. Hindi ako sigurado sa kung ano ang nangyare sa akin. Ang tanging alam ko ay naka-dapa ako sa sahig at naalog ang brain cells ko sa pagkakabagsak. "Ouch." Nako. Masaklap. Sobrang saklap.

Ang tanga ko naman kung basta-basta akong madadapa diba? Well, alam kong hindi ako naka-'focus' sa pagtakbo dahil na camera ang atensyon ko pero pakiramdam ko ay may isa pang dahilan kung bakit ako nadapa.

Tumayo ako at pinagpag ang palda kong may dumi-dumi. "Sabi ko na eh." Itinaas ko ang kanang paa ko. At gaya ng inakala ko, hindi ako tanga! May natapakan ako kaya ako nadulas! Pinulot ko na ito agad. Ano naman 'to?! Memory card?

"HOY, AYA! ANO NAMAN ANG GINAGAWA MO DIYAN?! TARA NA!" Narining kong sumigaw si Lea mula sa kabilang wing ng palapag. Pero, isang bagay ang kumuha ng atensyon ko. At yun ang kagustuhan kong ibalik ang nawawalang memory card na napulot ko. "Kanino kaya ito?" Tanong ko sa sarili ko. Nako. Kawawa naman yung taong nakawala ng memory card na ito. Kung ako ang nakawala ng memory card, magwawala siguro ako.

"Aya! Halika dito dali!" Sigaw ulet ni Rea. Hindi naman siya taong kalye para sumigaw ng sumigaw pero, sorry. Trip niya lang ata talagang sumigaw ngayon.

"Oo wait lang!" Wala akong ibang choice kundi ilagay sa bulsa ang napulot kong memory card. Isusurender ko na lang sa L&F Office mamaya. Dali-dali naman akong tumakbo.

"Dalian mo naman teh!" Sigaw niya ulet. Hay nako. Mabibinge ako sa boses ni Rea! "Wait lang." At sa wakas! Nakarating din ako sa kabilang wing. Hingal na hingal parin ako. Tumambad naman sa harap ko ang naka-pamewang na Rea, "Ano?! Bakit mo naman ako pinatakbo ng ganun ka bilis ha?!"

"Una, para makaganti. Pangalawa," sabay turo sa labas. "Tignan mo si Papa Paul mo oh." Haist! Akala ko naman kung ano na. Tsaka, hello?! Papa Paul?! Ano 'to pope lang ang peg?! Oo sige. Crush ko lang naman si Paul eh. Pero aaminin ko na rin, parang na-aadict ako sa kanya. Yun lang.

"Boset ka Rea! Akala ko naman magugunaw na ang mundo sa pagtawagmo sakin!" Kinuha niya ang camera niya at ipinakita niya sa akin ang litrato kong, "Ano yan! Delete mo yan!" Pilit kong inaagaw ang camera niya. Ang panget ng pagkaka-kuha niya sa akin.

"Gumaganti lang ako Aya. Hahaha!" Sabi niya at hindi ko parin maagaw ang camera niya. Nakaka-shombag na ah!

"Aaahhhh! Si Paul! Dali si Paul!"

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon