Coffee Shop

217 16 13
                                    

~*~ Saturday 4:38 PM ~*~

"Psst!" Pabulong na tawag sa akin ni Kyle mula sa counter habang isa isang tinutusok ang straws. Hindi maganda ang itsura ng baklitang 'to. Parang may gusto siyang sabihin sakin. Na -hindi maganda.

Ano? Bakit?  Yan ang mga salitang 'ni-lipsync' ko sa hangin. Hindi ko naman siya magawang lapitan dahil may inaasikaso akong costumer sa table number four.

Habang binibilang ng costumer ang ipangbabayad niya, nakatingin parin ako kay Kyle. Pilit kong iniintindi ang mga sign language niya na bakla version. Hays. Ano ba ang gusto niyang sabihin. Hindi ako magaling sa charades!

"Miss. Ito na bayad ko. Keep the change na lang." Sabi sakin ni miss costumer. Nawala tuloy yung atensyon ko kay Kyle pansamantala. Buti naman at naisipan ng magbayad ni ate! Kanina pa siya nandito! Small brewed coffee lang pala ang bibilhin.

"Salamat po. Come again." Sabi ko na may halong plastikan at may pa-bowbow pang nalalaman. Isang bagay na mahirap para sa aming mga waitress, ang makipag-plastikan sa mga costumer na malandi.

Umalis naman si ate ng pakendeng-kendeng habang nagpapaka-sexy sa skater skirt na suot niya. Sana nag-panty na lang si ate sa suot niya.

Palapit na ako kay Kyle para alamin ang chika niya sa akin pero bigla namang, "Miss!" Tawag sa akin ng isa pang costumer. Loka. Tinignan ko si Kyle at sinenyasan ko siya ng, Wait lang bhe. May costumer pa akong aasikasuhin. Hintayin mo ako.

Tumaas ang dalawang kilay ni Kyle. Alam ko naman kung ano ang ibig sabihin niya dun. Pumapayag siya. Napipikon na rin ako sa mga costumer na maarte! Pwede bang pumili na lang sila ng kape dyan sa menu?! Lahat naman parepareho! Lahat naman kape!

With a plastik smile, inaproach ko yung  costumer. "Miss, ano ang pinakamasarap na kape dito?" Tanong nito sa akin.

"Nako mam, lahat po yan masarap!" Bola kong sabi.

Habang patuloy na pumili si mam ng kape mula sa menu, na parabang sumasagot ng exam, tinignan ko ulet si Kyle sa counter. Patuloy parin siya sa pag tutusok ng straws at sinesenyasan ako. Hindi ko parin siya maintindihan hanggang sa kumuha siya ng isang pulang straw at gumuhit ng horizontal line sa leeg with matching bigti face.

Ha?! Anong patay?! Ako?! Senyas ko sa kanya habang tinuturo ko ang aking sarili. Gamit parin yung straw, tinuro ni Kyle yung pinto na may nakasabit na, 'Manger'.

Patay.

Mga two minutes ang dumaan natapos na rin siya sa kakatanong kung saan gawa ang kape. Kulang na lang eh, ipakita ko sa kanya ang recipe ng kapeng tinatanong niya! Haist.

Agad-agad akong naglakad ng pasimple kay Kyle, "Anong sinasabi mong bakla ka ha?!" Sabi ko habang kinakamot ang ulo ko.

"Tanga! Si Mr. B! Tawag ka! Hihintayin ka sa office niya." Sabi niya sa akin habang iniiripan ako. Syempre. Maiinggit sakin 'to. Lagi kasi kaming magkasama ni Sir sa office niya. Eh pano, lagi akong pinapagalitan. Palpak kasi ako lagi. Kung bakit naiinggit si Kyle? Pogi si sir. Kaso ang bitter! Mas bitter pa sa 'barako coffee' na tinitinda namin.

Nakakatakot na talaga. Nung isang araw, nadulas ako dahil sa nahulong na straw habang sineserve ko ang kape. Biglang dumating si Sir para saluhin ako. Nagawa niya akong saluhin pero natapon naman ang buong kape sa kanya.

Tapos, kinabukasan, naiba yung halo ko sa kape at nagreklamo ang costumers. Walang tigil na 'refund protesta' ang naging resulta.

Ano na naman kaya ang ginawa ko? Mapapagalitan ulet ako. Kung kelan pauwi na, dun pa ako pinatawag ni Mr. B sa office niya. "Good luck to me."

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon