Dahil sa Antok

173 14 8
                                    

"Oo na! Sige na! Ba-bye!" Sabi ko kay Christal. Uuwi na kami. Wow, anshakeet. 14 over 30 ang score ko sa Math Procedure. Ang talino ko talaga. Hindi pa rin nag-sisink akin sa akin na third year highschool na ako. Parang isang year na lang, gragraduate na ako sa junior high.

Sumandal ako sa ako sa upuan at napaisip. Hindi parin kasi ako makapaniwala na sa pangatlong araw ng school year, eh, fail ako agad. Tsaka balita ko, pinalitan na ng DepEd ang scoring system. Hindi na daw 50% ang passing grade. 60% na! Musta naman? Scholar pa naman ako.

"Uy wait lang, Christal!"

"Oh?! Hahhahah! Bakit?"

"Saan ka sasakay? Tabi na tayo?"

"Dun ata ako sa kabila eh."

"Ah ganun?" Saklap na nga ng score ko kanina, hindi ko pa makakatabi si Christal ngayon. Siya na nga lang ang proud listener ng drama ng buhay ko, mawawala pa. Kung kelan libreng-libre na kaming mag-Tagalog, dun pa siya sasakay sa kabila.

"Tabi na lang tayo." Alok sa akin ni JM sabay ngiti. Wow. First time kong marinig ang boses niya. Hahhaha! Napaka-tahimik kasi nitong si JM. Kaya gulat na gulat ako nung marinig ko siyang magsalita! Sa akin pa!

"Hindi ayos lang. Salamat." Hahhaha. Sabi ko. Pero tumabi din naman ako sa kanya. Wala eh, puno na talaga.

12:30 kasi nang mga oras na yun at syempre, ubod ng init. Half day pa kasi kami at halos puro IQ Test ang ginagawa namin buong klase. At kagaya nga ng sinabi ko, bagsak ako sa Math. Huhu. Ang hirap talaga ng buhay kapag walang calculator.

"Usog pa kayo dun! Usog pa!" Sabi ng konduktor.

Nakakainis naman! Walo nga kami sa kanan eh! Usog pa ng usog?! Ilan ba ang gusto niyong pasakayin?! 24?! Twelve sa kanan, twelve sa kilawa?! Sarap namang batukan si kuya. Tagaktak na yung pawis ko eh. Service po ito at hindi jeep! Hays.

Nakakaasar naman kasi talaga. Gusto niyo bang sabihin ko sa inyo ang kadalasang pagkakamili ng Pinoy sa public transportation?

· Side view Perspective · Sila yung mga taong nakatagilid na naka-upo! Ano 'to?! Nagshoshoot ata ng Music Video. Ang saklap kaya nun noh! Ilang tao sana ang pwedeng umupo. Pero dahil side view ang trip niya nababawasan pa! Tapos, kami ang nagsisiksikan habang siya naman ay prenteng-prente ang pagkaka-upo!

· Free Taster · Nakakaasar itong mga babaeng ito! Daig pa ata nila ang mga commercial model! Ang hahaba na nga ng mga buhok, kung makapag pahangin akala mo nasa harap lang ng electric fan! Kaya din siguro laganap ang kuto sa mundo eh!

· Scent Station · Yung mga taong sige parin ng sige sa pagspray ng pabango kahit nalalasahan na ito ng katabi nila. Hays. Kung makapaglagay pa ng pulbo, wagas! Uso na pala ang Powder Shower?!

· Katy Perry · Ito naman ang mga katabing may fireworks sa kilikili. Hay nako. Knock out ka talaga dito! Masaya kung kasama mo ang tunay na Katy sa jeep. Pero hindi eh! Putok lang ang meron.

· Reader · Ito ang mga taong super hilig magbasa. At dahil sa sobrang pagkahumaling nila dito, kadalasan hindi na nila ito ma-control. Eh pati text message ng katabi, binabasa na nila! Chismoso't chismosa.

· Little Einsteins · Ito naman ang mga drivers na feeling 'favorite rocketship' ang pinapalipad. Sa sobrang bilis, parang pupunta na tayo sa Pluto! Pinaglalaban ang pagiging Little Einstein. Ipaglaban mo!

Madami pa yan! Kaso, wala na ako sa mood para magkwento ng iba.

"Hi kuya JM!" Sino naman ito?

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon