Mr. Malandi (Part One)

143 8 7
                                    

~*~ Her Story ~*~

Ito ako, nagaaral ng mga vocabulary words sa English. Maayos pa kanina ang mood ko. Pero biglang nasira ang mood ko dahil sa isang salita. 'Flirt'

flirt \'flərt\

1 : to move erratically : flirt
2 a : to behave amorously without serious intent
b : to show superficial or casual interest or liking <flirted with the idea>; also : experiment <a novelist flirting with poetry>
3 : to come close to reaching or experiencing something - used with with <flirting with disaster>

Buti pa si Merriam Webster alam ang deffinition ng salitang 'flirt'. Sa tagalog PAGLALANDI (caps na para matindi ang dating). Dapat tinutularan si Merriam dahil alam niya ang salitang ito at pinapaalala niya ito sa ating lahat.

"Hindi lahat ng babae malandi.
Hindi lahat ng malandi, babae."

Yan ang kasabihan na gusto kong mapatunayan sa inyo. Alam kong sanay na kayo sa mga kasabihang, "Ang paglalandi ay parang pagkain. Kapag na sobrahan, lalaki ang TIYAN!" o yung mga binansag na, 'babaeng malanding haliparot na higad.' Grabe.

Ang akala niyo kasi, babae lang ang lumalandi. Pero, uy! Hindi lang kaming mga babae. Innocente kami. Minsan este kadalasan nga eh, lalake ang unang lumalandi.

Yung tipo ng lalake na tatawagin kang bae kahit hindi mo naman siya close o mas worse, hindi mo siya kilala! Diba?! Nakakinis kaya yun! Yung time na naglalakad ka sa hallway tapos biglang may umakbay sayo. Babatiin kang "Hi Miss Beautiful, CR tayo."

Sigurado akong may kilala kayo. Oo aminin niyo! Once in your life, may na meet na kayong ganyan type of guy! Kasi ako, meron. Siya ay si Sean. Sean Martinez. Nakakainlove ba ang pangalan? Please kontrolin niyo ang mga puso niyo.

Pagpasok ko palang sa classroom agad kong narinig ang boses ng malanding yan, "Hi Rea." Bati niya sa seatmate niya, "Nag-lipbalm ka ba?" Tanong nito.

Agad namang nagtaka si Rea na matiyagang nagrereview, "Ha? Bakit?"

"Dry lips mo." Napahawak naman sa lips si Rea at nahiya. "Okay lang." Sabi ni Sean, "Basain na lang natin." Banat niya. Kinilig naman si Rea sa sinabi ni Sean. Humahawi-hawi pa siya ng buhok. Hindi ba siya nandiri sa sinabi ni Sean?! Nakakaloka.

Wala na akong nagawa kundi ang umirap. Umupo ako at nilapitan ako ni Sean, "Hi Vanessa." Pasimple sa akin ni Sean.

"Huwag ako ang landiin mo, Sean." Tinignan ko si Sean, "Huwag ako. PLEASE LANG." Umalis ako bigla. Ayokong lumandi. Lalo na ayokong magpalandi! Napaka-walang modo. Ang bata ko pa.

"Grabe ka talaga Vanessa. Bakit ka ba ganyan?" Tanong ni Sean at umupo sa tabi ko. "-sakin?" Pahabol niya sa tanong niya. Hindi pa siya nakontento sa upuang kinauupuan niya. Dahil dun talaga siya umupo sa tabi ko! Sa upuan ko!

"Ano ka ba?! Ang daming upuan oh! Lumayo ka nga sakin!" Pagtataboy ko sa kanya.

~*~ His Story ~*~

Takte naman. Nakakabeast mode. Bakit ba parang ayaw na ayaw sa akin ni Vanessa? Pogi naman ako ah? Matalino din naman ako ah? Tsaka, sikat na basketball player pa? Ano ba ang gusto ng babaeng ito?! Ako na nga itong nag-aaproach sa kanya, siya pa itong choosy. Kilala niya ba kung sino ang inaayawan niya?! Si Sean Martinez!

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon