A Magnum Love Story

267 19 3
                                    

Parang ang sarap mag-icecream ngayon. Ano naman kasi ang mgagawa ko kung cinicrave ng tiyan ko diba? Ang init pa naman ngayon. Wow. Ang sarap talaga ng icecream. Sa tuwing iniisip ko ang masarap na Cornetto o Magnum, na malamig kinikilig na talaga ako. Ang sarap, sarap!

"Hoy Mama G! Anyare sayo?! Lutang?!" Aba, walastek! Kung kelan nage-enjoy akong magmoony-moony tungkol sa asawa kong icecream, dun pa ako nakita ni Josephine! 1st honor din sa paninira ng moment 'to!

"Jose naman eh!"

"Mama G, break time na! Oy!" Wait lang, para mas malinaw ang lahat, I will explain everything. 'Mama G' ang tawag sa akin ng buong bayan kasi parang 'mama' daw ako. Ewan ko lang ha. 'G' naman ang letter 'cause it stands for 'gangster'!

'Mama' dahil lagi akong nanlilibre! Kahit kelan hindi ko parin nararanasan malibre ng iba. Dahil siguro alam ng lahat na rich kid ako.

"Mama, palibre!" Psh! Sinasabi ko na nga ba eh. Papunta dun ang usapan eh.

"Oshige na nga. Ano gusto mo?" Ang bait ko noh?

"Yehey! I love you talaga Mader!" Sabay yakap at kiss sakin. Kumaripas na siya ng takbo sa counter ng canteen. Hindi ko tinignan yung mga kinuha niya, este hinakot niya. Kung alam niyo lang kung ilang Piatos ang nakakain nan!

"Mama G!" Tumalikod ako para tignan kung sino ang tumawag sa pangalan ko.

And yes, tama ang hula ko, "Oh, Jiddang?" Meet Jeddah! Ang ganda ng name niya noh? She's got a pretty name and a pretty face. Model ata siya noh?! Lakad pa lang nganga na talaga ang mga lalake sa campus. Bad news, taken na siya. Huwag kayong magkakamaling agawin siya kay Luc!

"Mama! Palibre!"

"Samahan mo si Jose dun."

"Thanks Mader!" And I received another kiss and hug.

"Sige aalis muna ako Nigga! May hahanapin lang ako. May naiwan ata ako sa classroom. Physics na mamaya diba?" Halata bang palusot lang ang sinabi ko? Ang totoo, tumatakas na ako bago dumating ang mga Tropang Nigga.

"Okay Mader, thanks ulet." Sabi ni Jose.

"Mader, palista ko na lang!" Sabi naman ni Jiddang.

"Okay. Bahala kayo dyan. Sige sige. Alis na ako."

"Bye Mader! Labyu!" Aba, sabay pa sila. No wonder, duo talaga silang dalawa. Ahahahha! Cute-cute!

Balik sa senario, mabilis na akong umakyat. Ayokong maabutan ng mga kolokoy na yun. Waley na ako money. Wahahaha.

"Mama G!" Yan na nga ba ang sinasbi ko eh. Patay na ako.

"Hi Xander! Hi, Luc! Hi, Jowan!"

Alexander Fernandez. Luc Muños. Jowan Charles Young. Isang malaking face palm. Naabutan nila ako. Please give me another epic fail please.

"Mama! Palibre!" Sabi ng lalaking naka-salamin at may itim na braces, si Jowan.

"Wala na akong pera!"

"Ang damot naman!" Sabi naman ni Luc!

Ibang klase, kakagaling lang nila sa court tapos kakain sila sa canteen. Pakshet lang talaga, naabutan nila ako. Ano naman ang magagawa ko? Tropang Nigga din ako. Sige na nga.

"Oh ayan!" Inabot ko na lang sa kanila yung wallet ko. Hinablot naman ito agad ni Jowan. What do you expect?! Eh may bituka ng dragon ang taong yan eh! Kulang na lang eh, kainin niya na ako ng buhay!

"Nice one! Nice one!" Sabi naman ni Xander habang nakalabas ang dila. Hayyyss. Mga nigga talaga kahit kelan!

Like the old days, tumabay ako sa paborito kong pwesto. Ang stairs. Ayokong tumambay sa canteen at baka makita ako nina Bogs at Yuki. Hindi naman sa nagdadamot ako. Pero, mas malaki ang mga bituka nun sa school na ito! Hahaha. Dejowk lang.

"Hi Mommie!"

"Hi Nak!" Ito pala si Jasmine. Anak ko, este junakis ko. Isa sa mga ampon ko.

"Mommie, gusto niyo icecream? Libre po kita. Dalawang Magnum."

OMG! Tama ba ang narinig ko?! Ililibre ako?! Wow! Ang swerte ko naman ata today. Kung kanina, iniisip ko lang, ngayon abot kamay ko na ang pinaka-inaasam kong Magnum! Choosss!

Ang pinagtataka ko, hindi pa ako nakakapag-'oo' bilang lumitaw ang iba ko pang mga ampon. Si Tricia at Janella. Mga unang anak ko dahil sa larong VolleyBall sa school. Team Captain kasi ako.

"Tara na po!" Sabi ni Junakis.

May pinaplano ang mga batang ito. I can feel it. Bigla kasing tumabi si Tricia at Janella sakin. Si Tricia yung nasa kanan ko at si Janella naman sa kaliwa. Hindi pa dun natatapos, iginapos nila ako gamit ang mga braso nila. Nagmumukha tuloy akong preso sa lagay na ito. Ano ang nagawa kong kasalanan, help! Choos!

Pero kahit wala akong naiintindihan sa mga nangyayre, hindi ko naman maiwasang ngumiti dahil napaka-sweet at thoughtful ng mga batang 'to. Kahit na sabihin mong Grade 8 lang sila, magaling silang makisama.

"Saan ba talaga tayo pupunta ha?"

"Hay nako, Mader. Basta." Sabi ni Tricia.

"Mommie, relax lang po kayo. Icecream po ang ibibili ko."

"Sige, pero nak. Mabilis lang tayo ha." Natanggal naman din pansamantala ang pagdududa ko dahil sa mga matatamis na ngiti ng batang 'to.

Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong napasama. Hahahha. Dahil na rin siguro sa pagnanasa kong makakain ng Magnum. Grabe na kasi ang init dito sa Pilipinas.

At ayun, ibinalik na nga nila ako sa canteen. Pero, bakit parang lahat ng tao nakatingin sa akin? Hayyysss. Sina Bogs lang naman pala. Magpapalibre na naman siguro ang mga 'to!

"Baboy!" Hinanap ko ang pamilyar na boses na yun. Kilala ko ang boses na yun. Hagang sa nakita ko siyang tumayo sa isang lamesa sa canteen para lang makita ko siya.

Si Lance ba yun? OMG! Siya nga! Ang pinakamamahal kong lalake sa balat ng lupa! At may hawak pang roses at chocolates! Yung crush ko, tinatawag ang pangalan ko! OMG!

"Deanna Marie, can you please go out with me in a date!"

Hwat?! Tama ba ang naririnig ko?! Date daw?! OMG! Hindi ko ito kinakaya! Naninigas na ako sa kinakakatayuan ko!

"Mommie, don't keep Daddie hangging. Look at him. He's sweating like a wet lizard."

Napalunok na lang ako ng laway. Hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin. Natatameme ako. Gusto kong mag-'yes' pero walang lumalabas sa bibig ko.

"Please Deanna!"

"Sige." Yun lang yung nasabi ko eh.

Si Lance naman, biglang tumalon mula sa lamesa at nagpaka-stunt mam sa harap ko. Inabot niya sa akin yung flowers at chocolates sabay hawi sa buhok ko, "Ibibili kita ng Magnum sa date natin."

"Ikaw bahala."

Hinawakan niya ang kamay ko at bumulong, "Huwag kang mahiya. Huwag kang matakot." Mas lumapit pa siya sa akin. Sa sobrang lapit, naririnig ko na ang paghinga niya. "I love you, Deanna."

"I love you t~~~"

Mygash! Napapikit na lang ako sa ginawa niya. Alam niyo naman siguro kung ano ang ginawa niya diba? Isang bagay natuklasan ko malambot ang mga labi niya.

Pero sino ang magaakala diba? Dahil sa Magnum, may love story na ako. Hindi talaga ako binigo ng icecream.

AN: Icecream saves the day! Sana napangiti po kita. Oh diba, may first kiss na kayo. Psh. Psh. Kiligin po sana kayo. I love you po! Salamat po sa lahat ha. Sa lahat po ng naikwento niyo po sa akin.

Tandaan niyo po ito, I will love you forever! Salamat po sa pagampon sakin! Hope to see you soon!

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon