Tweets ni Love (Part One)

129 12 7
                                    

~*~ His Story ~*~

*scroll scroll scroll*

Kagaya ng nakasanayan ko, ito ulet ako. Scroll lang ng scroll sa mga tweets ng crush kong si Pearl, ang nagiisa kong love. Stalker mode ako ngayon eh. Ang sarap kasing basahin ang mga tweets niya. Puro love quotes. Nakaka-turn on talaga siya.

Pakiramdam ko tuloy, mas matured pa si Pearl kaysa sakin pagdating sa love.

@SiAteMissSecretNoClue ang user name niya. Sos! Kahit na user name niya yun alam ko namang siya yun. Sabi sa akin ng bestfriend kong si Paolo, nakapatid ni Pearl. HS 3 si Pearl samantalang ako, Fourth year na. Graduating na kami ni Paolo at aalis na kami sa school na ito. Ganito parin, torpe ako.

"Yieee! Si kuya! Tinititigan na naman ang picture ni Pearl!" Pangaasar sakin ni Coleen, kapatid ko. "Gusto mo bang sabihin ko na sa kanya kuya?! Ang torpe mo kasi."

"Huwag!" Hays. Porket classmates sila ng Pearl ko, nagagawa niya na akong ma-blackmail! Tangina! Minsan gusto ko nang kalbuhin si Coleen dahil sa sobrang inis pero ano ang magagawa ko?! Siya lang ang tangi kong "bridge" (na matatawag) kay Pearl. "Please Coleen, huwag ngayon."

"Tsss. Katorpehan, nakakatanga." Sabi niya at inirapan ako. "Alam mo kuya, wala kang mapapala sa pagiging torpe. Sige ka. Baka maunahan ka dyan! Sa huli, sino ang nawalan kapag nangyare yun?!"

"Edi siya! Sa pogi kong 'to?! Papalagpasin niya?!"

"Ayun naman pala eh! Pogi ka! Bakit ka pa nahihiya?" Pangaasar sa akin ni Coleen. "Kuya ano ba ang ikinakatakot mo dyan?!"

"Syempre," natatakot ako na tangihan niya ako. Natatakot ako at baka layuan niya ako sa hiya at pagka-ilang. Natatakot ako at baka iwanan niya ako. Natatakot ako at baka hindi niya ako magustuhan. "Wala! Wala naman akong kinakakatakutan eh!"

"Kuya, kung hindi ka gagawa ng paraan iba ang gagawa. Kung hindi ngayon, kelan? Kung hindi ikaw, sino? Kung mahal mo talaga bestfriend ko, gumawa ka ng paraan!" Kung makapagsalita ang 13 years old na ito, parang mas matured pa sakin pagdating sa love. "Umamin ka na kuya! Para maging sisters-in-law na kami ng bestie ko!"

"Boset! Lumabas ka na nga sa kwarto ko!"

"Ano?! Excuse me! Kwarto ko kaya ito! Tsaka, nakakalimutan mo ba na nakiki-connect ka lang sa wifi ko?!" Oo nga pala. Ako lang pala yung nakiki-konek sa pocket wifi ng may pocket wifi. Nasira kasi yung akin. Anong magagawa ko? Kailangan ak ng COC ko?

Humiga naman ako sa couch ni Coleen at pinindot ang COC icon button. Habang prenteng-prente ako sa pagkakaupo, nakataas ang dalawang paa sa kabilang dulo ng couch, biglang tumunog ang phone ko.

*ting*

Pag-alarm ng notif ko at may halong pagvibrate. Nagulat tuloy ako ng bahagya. Tumingin ako sa phone ko. Bagong tweet? Aldub kaya? Ay parang hindi. 11:53 PM na at nagagawa parin ni Pearl ang magpuyat?! Sa pagkaka-alam ko, pagad ang buong second year dahil sa isang matinding written work. Kailangan nang mag-pahinga ng Pearl ko.

Agad ko namang binasa yung tweet niya,

Magandang gabi sa lahat ng Tweety Birds,

Ito po ulet ako, @SiAteMissSecretNoClue. Ang inyong hopeless romantic love bird. Salamat po sa lahat ng followers ko.
Salamat po sa lahat ng nag-retweet at nag-favorite sa mga quotes kong corny.

May announcement po ako, hindi na po ako mag-susulat ng quotes.
Titigil na po ako. Hindi ko na po sasabihin kung ano ng dahilan.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon