Tweets ni Love (Part Two)

63 9 3
                                    

~*~ Her Story ~*~

"Ha?!" Sigaw ko kay Coleen nung malaman ko na absent ang kuya niyang si Kenneth. Napaisip tuloy ako, ano kaya ang nangyare dun? Nako huwag naman sana pero, dinengue ba siya? Haist! Uso kasi ang dengue ngayon, "Bakit?! Anyare sa kuya mo?! Bakit daw siya absent?!" tanong ko ulet.

"Ewan ko dun! Mas maarte pa yun sakin sa totoo lang. Mas pabebe pa sakin." sabi ni Coleen na asar na asar dahil sa walang tigil kong pagtatanong.

"Anyare sa kuya mo? Kamusta na daw siya? Okay lang ba? May sakit ba siya? Ano ba talaga ang nangyare dun?"

"Hoy! Ano ka ba?! Girlfriend ng kuya ko?!" Iritang sagot sa akin ni Coleen. Hindi ko siya masisisi, meron kasi siya today. "Alam mo, hindi naman pogi si kuya Kenneth. Kaya hindi lubos maisip kung bakit ka nagkagusto dun!" Nung sinabi ni Coleen yun, agad akong tumingin sa paligid para i-check kung may nakarinig.

"Ano ka ba Coleen! Ang ingay mo!"

Kumalas naman siya sa pagkakahawak ko sa bibig niya, "Wala namang tao! Tsaka, ano naman ang problema kung malaman ng iba na may gusto ka sa kuya Kenneth ko?!"

"Ha?!"

"Bakit? Nahihiya ka na malaman ng iba?" Ngumiti siya bigla at tumawa ng bahagya, "Tss. Hindi kita masisi, weirdo naman talaga si kuya at hindi kagwapuhan. Hahahha! Baka sabihin ng iba ang alien ang taste mo sa lalake."

"Huy! Ano ka ba Coleen! Kuya mo yun!" Pagawat ko sa walang preno niyang bibig, "Tsaka, grabe ka. Pogi kuya mo no."

"Girl," hinawakan niya ako sa balikat, "Since bestfriend mo ako, sasabihin ko ito sayo para magbago ka. Kaya huwag kang ma-offend. GIRL, YOU NEED GLASSES!"

Natawa naman ako sa sinabi niya.

Pero seriously, pogi naman talaga ang kuya niya eh. "Hoy Coleen! Oo crush ko kuya mo. Pero dati yun! Dati!" Paglilinaw ko. Aaminin ko naman talaga eh. Naging crush ko si kuya Kenneth. Pero nawala din yun agad kasi kahit isang beses, hindi kami nagusap. Ever!

"Okay. Edi wow. Di na ako papalag!" Pagaawat niya sakin. "Teka nga. Nagtext ka sakin kagabi." Binatukan niya ako bigla, "Sobrang gabi na yun Pearl! Gising ka pa nang mga oras na yun?!"

~*~ FLASHBACK ~*~

"Ayyywughhhph!" Sigaw ko pagtapos kong replyan ang tweet niya habang may naka-subong kumot sa bibig ko.

Kinikilig ako shet! Sino kaya ako lalakeng ito?! Tinawag akong princess?! Nakakakilig talaga! Feeling ko tuloy, Wattpad story ang pinasok ko at ako ang bida! Heart-heart ika nga ng iba.

Shemmay!

Feeling ko, destiny ko ang nakilala ko today. Grabe, dahil sa sobrang excitement, tinext ko si Coleen, "Bes! May nakilala akong pogi ngayon! Sobra! Crush ko na!" [Sent 12:04 AM]

Naghintay ako ng mga ilang minuto para hintayin ang reply niya. Pero walang vibration na naganap. Huhu. Logtu na ata ang bestfriend ko. Hindi ko siya masisisi kase normal yan. Kailangan ng tulog, hindi katulad kong paniki (nocturnal).

Pero hindi ako nagpapigil,

To: ❤ Coleen Bæ ❤

"Kita-kits! :** ingats."
[Sent Yesterday 1:47 PM]

"Bes, ampogi!"
[Sent 12:07 AM]
"Bes, gusto ko siyang makita!"
[Sent 12:14 AM]
"As in, now na!"
[Sent 12:14 AM]
"Bes, miss ko na siya!"
[Sent 12:21 AM]
"Bes, first time to!"
[Sent 12:24 AM]
"Ang lakas ng kabog ng dibdib ko bhe!
[Sent 12:24 AM]
"Inlove na ata ako!!"
[Sent 12:31 AM]

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon