Bakit nga Ba?

106 11 16
                                    

Dedicated sa Ex ko,
Mahal ko (na nakilala ko sa Batong Malake)
Ang lalakeng tinatawag kong 'first love'

WARNING:
Maging open minded and remember that this is reality people.

Hi baby,

Oo, tama ang nabasa mo, para sa iyo talaga ang sulat na ito. Magiisang taon na sana tayo sa 26. Pero wala. Siguro ganun talaga ang buhay. Oo nagkamali ako, dahil nagmadali ako. Kaya sorry na sa bagay na yun. Pero isang tanong ang bumubulabog sa isipan ko ngayon. Bakit nga ba tayo naghiwalay? Bakit nga ba?

Naalala ko tuloy yung unang araw na nakita kita. Hindi kita masyadong napansin kasi hindi ka naman gwapo. Alalang-alala ko pa ang mala-Totoy Brown mong appeal. Cute ka. Cute ka lang.

Alala ko ang date na Dec 26 '15. Yun yung gabing nagkachat tayo. Alalang alala ko yung kilig na naramdaman ko at paano nagpawis ang mga kamay habang ka-chat kita. Halos maglupasay ako sa kama sa sobrang tuwa. Uso pa ang kantang Thingking Out Loud ni Ed Sheran nun. At napagdesisyon pa natin na yun ang theme song natin. Pero, biglang nag-iba ang lahat ngayon. Oo, sobrang iba.

Bigla ko kasing nakita ang IG post mo. Isang video na Flipagram. Puro picture ng babae. Hindi naman ako nasaktan ng todo nun dahil alam kong madami kang katropang babae. Ayaw ko namang mainggit agad kasi hindi naman tayo legal at opisyal. Pero, nung binuksan ko ang audio, theme song natin ang narinig ko. Masakit, pero kinaya ko.

Inisip ko na lang friendly ka talaga. Pero hindi. Kahit anong pilit ko sa sarili ko na 'friendly ka lang', lagi namang nagiging, 'friendly ka lang ba talaga?' Nung susunod na araw, nakita kita, kasama ang sanasabi mong, 'bestfriend'. Okay. Okay lang. Bestfriend lang naman eh. Pero.

Nakita kita, kayakap siya.

Bestfriend. Bestfriend? Bestfriend pa ba iyon? Yung hinalikan mo pa? Okay. Okay, bestfriend mo siya. Isa siguro yun. Isa sa mga dahilan kung bakit tayo naghiwalay. Madami kang bestfriends, na hinalikan.

Hindi ba kasi pwede na maging loyal ka na lang? Alam ko. Ayoko namang maging selfish, dahil hindi naman talaga ako ganun. Hindi lang ako ang babae sa buhay mo. Alam ko, alam ko yun. Ayokong maging controling. Ayoko namang masakal ka, at maramdaman mo na wala kang freedom. I want to meet your girl friends, coz' it's an honor.

Pero, pwede bang, ang atin ay atin? Gusto ko kasi na ang mga shinishare natin ay atin. Simple lang naman diba? Theme song natin yun, tapos, BG music sa photos ng ibang babae? Masakit. Pero, okay lang ako.

Well, nakamove on naman ako dun. Kahit may konting, I mean, malaking kurot yun sa puso ko. Okay lang. Okay lang talaga. Pinilit ko namang hanapin ang mga good sides mo. Yung mga dahilan kung bakit kita minahal. Hahaha. Ngiti, yung ngiti mo.

Hindi ko maikakaila na nakakatunaw talaga ang mga ngiti mo. Honestly, titig mo lang sakin, nakakakilig na talaga. Minsan sinasabi ko sa sarili ko na 'pwede na akong kunin ni Lord'. Pero mas nakakainlove ang mga tawa at halakhak mo.

Naalala ko yung mga araw na pinagmamasdan kita mula sa malayo kasama ang barkada mo. Nakakatuwa kayong tignan. Sobra. Hindi ko lang alam kung bakit ganun na lang kalakas ang mga tawa niyo. Comedy siguro ang pinapanuod niyo.

Pero,

Hindi.

Ikinagulat ko na may larawan ng hubad na babae sa phone mo. Ipinagyayabang mo pa ito sa mga katropa mo. Iba pala ang pinapanood mo. Yes, you watch porn. Isang rason kung bakit tayo naghiwalay. Hindi ko talaga maintindihan. Bakit niyo pa kasi kailangan manood ng mga ganyang bagay? Wala ba kayong respeto sa mga ina niyo kaya may lakas kayo ng loob na gawin ang bagay na yan? Ano ba ang mapapala niyo diyan?

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon