Pasalampak akong naupo sa pang isahang sofa nga dorm namin. Sinandal ko ang ulo ko sa back rest at pinikit ang mga mata. We ate our breakfast downstairs, sa isang maliit na canteen nitong dormitory. The food wasn't that great, but enough to satisfy our growling stomach.
Hindi ko alam kung bakit kahit wala pa akong nagagawa masyado ay pagod na kaagad ako. Is it because my power is sealed?
Bago kami bumalik ni Aqua sa mortal realm, may binigay na potion si Esmeralda sa amin. It is use to seal our abilities and powers, incase we were tempted to use it. It's for safety precautions, she says.
And I don't know if getting easily tired is one of its side effects, pero tangina naman kung ganoon. If I have no access to my powers, this potion should atleast strengthen my mortal human stamina, right?
"Ang pangit ng dorm nila. Mas maganda pa yung selda sa underworld."
Panglalait ni Aqua.Dinilat ko ang isang mata at tiningnan sya.
"You've been there?"
I asked curiously.Hindi madaling pasukin ang underworld, kahit pa may dugong itim ka. Kung makakapasok ka naman, limitado pa rin ang oras mo. Underwolrd ang pinaka delikadong lugar ng Encantaria at Penumbra. Nadoon ang mga selda ng mga taong maka ilang beses ng lumabag sa batas ng Encantaria at Penumbra. Naroon ang kanilang mga selda.
To be honest, I was quite curious kung sino sino ang mga nakakulong doon, at kung ano ano ang mga kasalanan nila but I never wished to go there and feed my curiousity.
Oras na tumapak ka sa Underwold, unti unti kang manghihina at mawawalan ng kapangyarihan. And take note, hindi pansamantalang mawawala ang kapangyarihan mo. Hihigopin iyon ng lugar, at yun rin ang mas magpapalakas sa barrier para hindi ito mapasok ng kung sino man.
Isa pa, it was heavily guarded by centaurs. They're somewhat ruthless creatures, you would never want to mess with them.
Gaya ko, pasalampak ring naupo si Aqua sa isa pang pang isahang sofa na katapat ko. Speaking of panlalait, napangiwi ako sa hitsura ng lugar namin.
The walls are plain, literally. No paintings are hanged. Puting pintura lang. On the wall, there was a big screen which I believe they call 'television'. May dalawang maliit na sofa, at hindi kalayuan sa sala ay ang maliit na hapag kainan. Katabi nun ay ang lababo at isang cabinet na may kakaunting laman na pinggan. May storage cabinet rin sa taas and I suddenly wonder kung may chips ba roon.
Wala na akong ibang nakikitang palamuti dahil sa gilid ng kusina ay ang dalawang kwarto na para sa aming dalawa. We don't know the insides yet but I hope the bed's comfortable enough for me.
"Naging panandaliang tambayan kaya namin ang Underworld."
Sagot ni Aqua. Kumunot ang noo ko dahil kakasabi ko lang kanina na limitado lang ang oras mo roon, at napaka delikado rin. Then how come they were able to stand by?"Bakit?" lito kong tanong. Malalim syang napabuntong hininga at mukhang nagdadalawang isip sabihin kung bakit.
"Palaging pinapadala ni Culies si Vlad sa underwolrd. Kung hindi mo alam, napaka tigas ng ulo ni Vladimir at palaging sumusuway sa utos kaya sa Underworld sya pinapa parusahan ng mga dyos at dyosa."
Kwento nya.Mas lalong kumunot ang noo ko at napa ahon mula sa pagkakasalampak sa sofa. I suddenly felt the worry for Vlad. If he's been punished regularly, how the fuck did he survived?
"Lalo noong namatay si August, halos isang dekada sya sa lugar na yun, at paminsan minsang lang namin sya binibisita. Pero hindi si Culies ang nagpadala sa kanya nun. Sya mismo ang nagpasok sa sarili nya doon, at naiintindihan namin kung bakit."
Pagpapatuloy nya. Natahimik ako ng sandali pagkarinig ko sa pangalan ng namayapang dyosa.
BINABASA MO ANG
Andora Academy 2: The Fire Guardian's Behalf
FantasiaHave you tried admiring the moon your whole life? Have you been feeling unamed emotions towards someone? Have you experience being rejected by actions? Because, I do. If everything is possible in magic world, then why is it impossible to reach the...