Chapter 16

9 1 1
                                    

The next two days were plainly normal. Kating kati na yung kamay kong hawakan ang door knob ng pintong yun pero palagi akong pinipigilan ni Aqua.

I am beyond frustrated dahil sayang ang dalawang araw! Who knows if I started the very first day, edi sana may naani na ako ngayon.

I sighed as boredom took over me as we were listening to the discussion. Hindi naman pala ganoon kahirap ang pinag aaralan nila dito maliban nalang doon sa parte ng chemicals.

Magkakasama parin kami nina Amythyst at hindi na kami nagpapansinan nung Farah. Kung minsan nakikita ko syang palihim na umiirap pero hindi ko na pinapatulan.

So far, their group is quite fun to be with. Medyo nagkakausap na kami ng ilan nyang mga kaibigan gaya ni Onyx. Hindi naman pala sya ganoon ka mahiyain at aniya medyo na intimidate lang sa sa expression ko noong first day.

Intimidating parin pala kahit halos buong araw ko silang nginingitian?

Seryosong nakikinig si Aqua sa discussion at paminsan minsang ring sumusulat. Sa pagkaka alam ko hindi nag-aaral ang mga guardians so this is definitely his first time that's why he's taking it seriously?

Somehow medyo naaawa ako sa kanila. Yes they were given an eternal life pero hindi naman nila magawa ang mga gusto nilang gawin, tahakin ang daan na gusto nilang tahakin, dahil sa mga nakaatang na responsibilidad sa kanila.

I wonder...may paraan ba para wakasan ang pagiging guardian nila?

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko bigla akong naihi kaya nag excuse muna ako saglit. Nasa huling bahagi ng building pa ang c.r so I still need to do some walk.

However, in my unfortunate moment,  under maintenance pala ang c.r kaya no choice ako kundi pumunta sa first floor. Huminga ako ng malalim at muling tinahak ang daan. The hallway is silent due to the ongoing classes. Hindi rin maganda ang lagay ng panahon kaya makulimlim ang paligid.

The cold breeze blew and I started feeling heavy. Kunot noo akong nagpatuloy sa pagbaba until I reached the right floor.

Sa dulong bahagi ulit ang c.r pero bago makarating doon, may madadaanan akong itim na pinto. Bumagal ang lakad ko at tinitigan ang pinto.

I can feel my anticipation again, and the temptation to stick my nose on the  door is driving me nuts.

Luminga linga ako.  Walang tao. Tahimik. I scanned the ceiling and there is no monitoring camera. Oh well...

Nagsimula akong lumapit. I bit my lower lip and touched the door knob. Napihit ko na ng biglang...

"Anong ginagawa mo dyan?"
Bayolenteng tanong ng isang lalaking may hawak na mop. He's sweaty all over and his eyes are a bit red. Napabitaw ako sa door knob at hilaw na ngumiti.

"Bawal ka dyan, hindi mo ba alam?!"
Pasigaw nyang sabi. I raise both of my hands and smiled.

"Pasensya na, akala ko po kasi pinto mg c.r. transferee po kasi ako, kaya hindi ko kabisado ang building." malambot kong tugon kahit nag aalburuto na ako sa loob. That was close!

Mapanghusga nya akong tiningnan mula ulo hanggang paa.
"May nakalagay sa taas oh, 'teaching personel only' kaya papaanong pinto ng c.r? Nasa dulo pa ang hinahanap mo kaya umalis ka dyan!" pagtataboy nya.

The fuck? Why do you have to shout?

"Ah, may problema ba?"
Napalingon kami sa nagsalita. It was our adviser, Mrs. Villaflor. Taka nya kaming tiningnang dalawa ng janitor.

"Uh, napagkamalan ko lang hong pinto ng c.r itong...itim na pinto." ulit ko.

Matalim parin ang tingin sakin ng Janitor, as if naman may nagawa akong mabigat na kasalanan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Andora Academy 2: The Fire Guardian's BehalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon