1st shot: Love has no gender

25 2 0
                                    

Emma's POV


Nandito ako ngayon sa bahay kasama ang mga tropa kong sina Jiney, Klyde, at Kris- ang nag-iisang bakla sa grupo namin.

Magkababata kaming lahat at sabay sabay kaming lumaki. Naging lalaki na nga rin porma ko dahil araw araw ba naman sila kasama ko eh, maliban nalang siguro kay Kris.

"Dude! Isang shot pa!" Yaya ni Jiney.

"Girlaloo, wag mo ng isipin yang chickababe mo, dali!" Yaya naman nitong si Kris na ngayo'y Krissy na daw.

Uminom ako kasi at pinagbigyan ko na tong mga to. Chickababe daw? Kahit kelan talaga tong bakla na to, ginawa akong tibo?!

Maya maya pa, nakatulog na yung dalawa, sina Jiney at Klyde. Kami nalang natira ni Kris dito, di naman kasi kami agad nalalasing.

"Emma?" Nagulat nalang ako ng magsalita si Kris sa malalim na boses.

"Ano yun bakla?" At nagbakla baklaan ako kunyari.

"Pwede ba tayong mag-usap? Saglit lang naman iketch" at bumalik na yung boses niya sa dati.

Lumabas muna kami at sinusundan ko lang siyang maglakad.

Huminto siya saglit at humarap sakin bigla naman niya akong niyakap.

"Kris? Okay ka lang ba?" At lalong humigpit ang yakap niya sakin.

"Ano bakit?! May hindi ka nanaman napikot na lalaki no?" Naramdaman ko nalang yung luha niya sa balikat ko.

"Huy!" Pero hindi parin siya nagsasalita. Maya maya kumalas siya sakin at humarap siya sakin habang nagpupunas siya ng luha.

"Ah wala... may naalala lang ako" at bumalik nanaman siya sa malalim niyang boses.

"Ano yun? Kwento ka naman ah!" Sabi ko sakanya.

"Ang hirap pala sa ganitong sitwasyon pag nagmamahal ka" kwento niya at nakatingin lang siya sakin. Nakakapanibago yung lamig ng boses niya, parang hindi siya.

"Alam mo, kahit sino, may karapatang magmahal, tao parin tayo no!" Nakapamewang kong sabi sa kanya.

"Bakit sino ba yang lalaking yang nagpaiyak sayo ha? Babalatan ko ng buhay!" Tuloy ko at tumawa naman siya.

"Shonga!" At napatawa naman ako dahil normal na ulit siya.

"Kasi parang napakakomplikado ng lahat pag eto, ganito ako. Nalilito ako" sabi niya.

"Sino ba kasi yan ha? Nang mabanatan ko na!" At inambahan ko siya.

"Mahal ko kasi siya, matagal na, pero natatakot akong malaman niya yung totoo na ako" kwento niya.

"Alam mo, normal lang yan. Sabihin mo sa kanya kung ano yung totoo alam kong maiintindihan ka niyang boylet mo" ngumiti ako para naman makampante siya.

Hindi ako sanay na ang lalim ng boses niya. Siguro lasing na talaga to. Halata sa boses niya na ang bigat ng dinadala niya.

"Paano kung hindi niya matatanggap?" Tanong niya

"Magtiwala ka nga! Nega mo" pagreklamo ko sa kanya

"Sana nga hindi siya magalit sakin Emma" pagkatapos niyakap niya ko.

"Emma salamat" Sabi niya habang nakayakap sakin.

Yung yakap niya, halata mo sa kanya na nahihirapan talaga siya. Yung yakap niyang akala mo hindi siya.

Niyakap ko din siya para icomfort siya. Alam kong mahirap din talaga pag ganun yung sitwasyon. Naaawa ako para sa kaibigan ko.

"Nalilito ako. Bakla ako pero bakit ikaw?" kumalas ako sa kanya dahil nagulat ako sa sinabi niya. Di ko siya magets.

Magsasalita palang ako nang halikan niya ako habang bumubuhos ang ulan

One shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon