Mia's POV
Kahit kelan talaga. Ang gwapo gwapo niya! Yie kinikilig ako nung kumanta siya sa nung sportsfest namin. Siya kaya nanalo ng Mr. Sportsfest namin. Aba! Ang gwapo ba naman eh at talented pa.
Loner ako sa school. Nerd at walang friends. Ewan ko ba sakanila. Maganda naman ako, (sabi ko) yun nga lang e, wala lang akong hobby sa pagsusuklay.
Mangarap lang talaga ang ginagawa kong hobby.
Pangarap lang naman eh. Pumikit ako saka nagsalita.
Pangarap... na sana mapansin nako ng ultimate crush ko. Yiehihi.
"Ay oh, si Mia nangangarap nanaman. Gising na, magsuklay ka muna" rinig kong sabi ng lalaking panget na to sa kabilang table. Nagsitawanan naman silang lahat.
Tumayo nako at kinuha ko na yung bag ko para umalis na sa canteen nang..........
"Aray" at ayan, nadapa ako. Mas lalo namang tumawa yung mga tao sa canteen.
"Yang pag-iinarte kasi may binabagayang mukha yan" rinig kong sabi ng babae.
"Tumayo ka diyan" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si........... shet. Si Ethan, habang may lollipop siya sa bibig at nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa niya
"Bago kayo manlait, tumingin muna kayo sa salamin, mga panget" tumahimik naman silang lahat.
Ang kalmado ng pagkakasabi niya pero ang pogi niya parin.
"Hindi ka ba tatabi diyan sa daanan?" Rinig kong sabi niya. Iniabot ko yung kamay ko sakanya para tulungan akong tumayo pero nilagpasan niya lang ako.
Bago ko pa marinig ang kahihiyan ko sa mga unggoy dito, tumayo nako saka nako umalis.
Grabe. Pinagtanggol niya ba ako? Ay baka hindi. Kasi nga naman, nakaharang ako sa daan. Pero grabe kahit pinahiya niya ko, feel ko nanalo nako sa lotto. Atlis sa ganoong paraan nakausap niya ko! Yihi!
Lunch ngayon at umupo muna ako sa mga upuan dito. Half day lang kami kasi namayang hapon, may event at dancing contest.
Kumuha naman ako agad ng papel at ballpen sa bag ko.
Gagawa nalang ako ng letter kay Ethan. Matagal ko na tong ginagawa sakanya, pero di niya alam na ako yung nagbibigay. Oh diba, effort ko lang? Pasimple ko yun nilalagay sa libro o bag niya.
Dear Ethan,
Ang saya ko ngayon bakit? Kasi pinansin mo ako kanina kahit sa nakakahiyang paraan. Pero okay lang! Kinausap mo naman ako eh. Salamat nga pala sa pagtatanggol mo sakin kanina ha. Goodluck namaya sa contest ah! Galingan mo
-Anonymous
At finold ko na yung papel. Hinalikan ko muna to bago ibulsa. Ibibigay ko to mamaya, chechempuhan ko. Kasali nga siya sa contest mamaya eh, sila ng grupo niyang Black widows.
--
Nandito nako agad sa quadrangle namin para di ako maubusan ng upuan, mahirap na. Baka di ko sila makita, grupo kasi sila, Black widows, pinakasikat na grupo sa school namin. Bukod kasi sa magaling na kumanta at sumayaw, aba eh, gwapo at famous pa.
Nang mag-umpisa na, sinabi muna yung mga criteria for judging, mga judges tsaka yung mga rules.
Nauna ng nagperform yung Blue rays. Grupo din sila, okay naman sila pero walang wala sila sa black widows.
Sumunod na yung iba. Naku black widows nalang di nagpeperform. Ay! Yung letter! Ibibigay ko nga pala to kay Ethan.
Umakyat ako ng stage para pumunta sakanila, kailangan mo pa muna kasing makadaan sa stage bago sa backstage.Madilim pa naman dito at wala pang spotlight kasi hinihintay pa sila siguro nag-aayos na.
BINABASA MO ANG
One shot stories
Novela JuvenilStories na kung saan may iba ibang kwento ng pag-ebeg. Pero wala paring foreber.