Olivia's POV
Nandito ako ngayon sa flower shop namin para bumili ng bulaklak. Dadalaw kasi ako sa puntod ni Sky, ex ko siya, naaksidente kami sa kotse, anniversary namin noon.
Nawalan ako ng malay. Sinundo ako nila mama sa ospital, hinanap ko si Sky. Sabi nila..... wala na daw siya. Galit na galit sakin sila tita kasi ako daw ang dahilan kung bakit siya naaksidente. Then, pinakita nalang nila sakin yung puntod niya.
Ni hindi ko man lang siya nakita sa ospital o sa morgue. Sinabi nalang nila sakin na patay na siya. Nung araw na iyon, sinisisi ko ang sarili ko kung bakit siya nawala. 3 taon na yun pero bakit hindi siya mawala sa isip ko? May boyfriend ako ngayon, si Nate. Bestfriend siya ni Sky. Actually, hindi naman sa ano- pero parang napilitan lang akong sagutin siya kasi niligawan niya ko sa harap ng magulang ko at magulang niya. Ayoko naman siyang mapahiya.
Hanggang ngayon talaga, si Sky parin talaga ang mahal ko. Hindi magbabago yun, siya ang lalaking nagparamdam sakin na babae ako. Nang mawala siya, nagkulong lang ako sa kwarto, hindi lumalabas at hindi nako kumakain. May time pa nga na gusto ko ng magpakamatay dahil hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko sa nangyari.
Sila tita, hanggang ngayon galit parin sakin. Pinagbawalan na nga nila akong pumunta sa puntod ni Sky pero pumupunta parin ako.
"Ma'am okay lang kayo?" Napalingon naman ako sa tauhan namin na si Beth.
Umiyak na pala ako. Agad ko namang pinunasan yung luha ko at ngumiti ako sakanya.
"Ah. Okay lang ako Beth. Nasaan na pala yung order ko?" Tumalikod siya para kunin yung order ko.
Ngumiti nalang ako kay Beth nang binigay niya na sakin yung bulaklak. Nasa labas nako ng flower shop ng may tumawag sakin.
Si Nate.
[Babe? Sorry ha? Hindi kita masasamahan pag lunch, marami pa kasi akong kailangang tapusin dito sa office. Don't worry babawi ako next time]
Hindi muna ako sumagot. Lagi naman siyang ganyan eh, may excuses, kahit nga monthsarries namin bihira na siyang mageffort para sakin. Although naiintindihan ko naman yun kasi para rin naman yun samin pero sana may oras parin siya sakin.
[Babe?] Hindi pa pala ako sumasagot sa kanya. Kahit naman hindi siya tumawag, sanay na ako e.
"Don't worry I'm fine" sinabi ko sakanya at nagbuntung hininga ako.
[Thankyou babe, ang bait talaga ng girlfriend ko]
[-Baby sino bang kinakausap mo?] Rinig kong boses ng babae sa kabilang linya
[Sige babe have to go. Bye] at binaba niya na yung telepono niya.
Alam kong niloloko niya ako. Magwa1 yr na kami pero parang hindi na nagwowork yung relationship namin. Pag nagkakasama naman kami kung sino sinong tinetext niya. Minsan naman may makikita nalang akong gamit ng babae sa kotse niya. Ang lagi nalang niyang excuse, sa kapatid daw niya yun.
Gusto ko na nga siyang hiwalayan eh, kaso nga lang hindi na nga kami masyado nagkikita eh, ayoko naman sa tawag lang gusto ko personal. Tsaka nag-aalangan ako kasi magkumare ang mga nanay namin.
Sumakay nako sa kotse ko bitbit ang bulaklak para pumunta na sa sementeryo.
Nang makarating ako dito, pumunta agad ako sa puntod niya at nilapag ko na ang bulaklak at umupo ako.
Sky Gonzales
Born: Aug. 18, 1991
Died: May 4, 2012Hinawakan ko ang lapida ni sky.
"Alam mo Sky hanggang ngayon, di parin ako makarecover sa pagkawala mo. Ang sakit parin kasi eh" napaluha naman ako at agad ko yung napunasan.
"Siguro kung buhay ka pa ngayon, baka nabugbog mo na si Nate sa pambababae niya sakin" at napatawa ako sa kung ano sakali ang maging reaksyon niya.
"Hinding hindi kita makakalimutan Sky. Alam kong alam mong ikaw parin ang mahal ko. Hindi ko maiwasang sisihin parin ang sarili ko sa nangyari sayo. Dapat ako ang nandyan eh! Nakakainis ka! Iniwan mo ako dito! Sana sinama mo nalang ako diyan! Ni hindi kita nakita sa ospital o sa morgue! Sa kotse lang kita huling nakita! Sana talaga namatay nalang ako e!" At hindi ko na napigilang umiyak.
Kinalma ko muna yung sarili ko bago uli magsalita.
"Pero kahit na anong mangyari, hadlangan man ako ng mga magulang mo sa pagbisita sayo, hindi ako papatinag. Bibisitahin parin kita. Mahal na mahal kita Sky"
Bigla namang kumulog kaya nagpaalam nako kay Sky.
"Sge sky mukhang uulan na, bibisitahin nalang kita uli. Wag mo ako pagpapalit sa mga anghel diyan sa langit ah!" At tumayo nako.
Papunta nako sa kotse ko ng may nakabangga ako. Napaupo agad ako.
"Miss sorry, nasaktan ka ba?" Inabot niya ang kamay niya, tumayo nako at pinagpagan ko yung damit ko.
Bigla namang bumilis yung tibok ng puso ko nang nakita ko kung sino yung tumulong sakin.
"Miss. Are you alright?" Hanggang ngayon nakatitig lang ako sakanya.
"Sky?"
BINABASA MO ANG
One shot stories
Teen FictionStories na kung saan may iba ibang kwento ng pag-ebeg. Pero wala paring foreber.