Kathy's POV
"Go my man of my dreams!"
"Aylabyu Yohan!"
"Pleeeeeaaaaase anakan mo na ako parang awa mo na!"
"Naaalala ko na ang lahat! Ikaw ang asawa ko!"
"Babe di na ako galit! Uwi ka na!!!!!!"
Sportsfest lang naman ngayon at shet lang nakakarindi. Puro yan lang kasi ang naririnig ko. Sino bang sinisigawan nila?
Si Yohan.
Gwapo, matangkad, famous, team captain ng basketball, UFC champion, inaangkin ng lahat, maangas pumorma, may 6 pack abs--
Teka. Hindi kasama yun ha? Pero meron siya nun.
Actually crush ko rin siya pero hindi naman ako ganyan kadesperada na gawin pa yang mga bagay na rated SPG. Tsaka ako lang nakakaalam niyan. Eh, siyempre wala akong masasabihan. Loner ako eh! Hahahaha.
*End of 4th quarter*
96- Cullen Knights
81- Mighty WarriorsAyan tapos na. Nagtataka pa ba kayo kung sino panalo? Siyempre school namin. At siya lang naman ang MVP with 31 points 25 rebounds 16 assists at 10/11 ang FG.
Pagkatapos inaannounce ang mga kemeng yun, naglibot libot muna ako sa school hanggang sa magdismiss na at wala nang tao dito kundi ako at ang maintenance.
"Oh, Kath iha, gabi na ah? May hinihintay ka ba?" Tanong sakin ni ateng janitress habang nagwawalis.
"Wala po. Naglilibot libot lang naman po ako. Sige po!" Sabi ko at umalis na ako.
Naiihi ako kaya naman dumiretso akong c.r. Wala namang tao kaya okay lang kung anong gawin ko dito. As if naman na may gagawin ako?
Wait. Teka lang. Bakit ganito? Bakit parang nag-iba yung c.r? Kinamot ko yung mata ko kasi feel ko napapraning ako.
"Hindi naman ako naaaning. Bakit walang toilet? Bakit ganito?" Bulong ko sa sarili ko.
Nang medyo nalinawan ako, agad kong tinignan yung sign sa taas ng pinto at nakalagay "Male." Lalabas na sana ako kaso naisip ko na ako nalang naman na yung nandito sa school at walang makakakita sakin.
Buti may isang toilet. Umihi na ako kasi anytime baka sumabog tong pantog ko. Pagkatapos ko umihi, nagsalamin muna ako.
Tinanggal ko muna yung salamin ko at nagpulbo muna ako.Yohan's POV
So many stupid girls everywhere. They're so desperate to have me. Ang daming malalandi at ang daming pababy. Like shit it irritates me so fucking well!
Pagkatapos ng game kanina, umalis na agad ako kasi panigurado marami nanaman ang lalapit sa akin. Sa pagtatago ko, inabot na ako ng 5:30 dito. Basta all I know is ako nalang ang nandito and the maintenance.
Then I went to comfort room para mahimasmasan. Pumasok muna ako sa isang cubicle and I took my phone to check it and gladly walang stupid messages from stupid people. Kanina pa ako nandito sa c.r. Mahirap na. It's so difficult to be handsome.
I was about to go out in the cubicle when I heard someone's voice.
"Hindi naman ako naaaning. Bakit walang toilet? Bakit ganito?"
What the hell?! Babae?! Hanggang dito ba naman, hindi nila ako lulubayan? But. Wait. Her voice, ang lambing ng boses niya.
Nang wala na masyado akong naririnig, Lumabas ako ng dahan-dahan. Mahirap na, baka mamaya fan ko lang din yan at rapin ako dito.
BINABASA MO ANG
One shot stories
Teen FictionStories na kung saan may iba ibang kwento ng pag-ebeg. Pero wala paring foreber.