5th Shot : Childhood friend

16 1 0
                                    

Shanti's POV

"Barang! Tara oh, hati tayo dito sa flat tops" tawag sakin ni Tintoy

"Sige na nga!" Kukunin ko palang yung flat tops nang bigla niyang sinubo lahat.

Dahil dun sa ginawa niya, naghanap ako ng bote at nakita ko ang bote ng softdrinks sa tabi ko at pinalo ko yun sa ulo niya.

"Barang naman eh! Joke lang! Oh eto, sayo na to" may kinuha siya sa bulsa niya at binigay niya sakin yung extra flat tops niya

"Joke lang naman yun e" at ginulo niya ang buhok ko na parang askal.

--

"Hoy shanti! Ano? Naalala mo nanaman ba si tintoy?" Napalingon ako kay Jeanne.

Nakatalumbaba ako sa bintana. Magkababata kami ni Tintoy. Bestfriends kaming tatlo nila Jeanne. Pero mas close kami ni Tintoy. 10 yrs na yun. Actually siya first love ko yun kasi lagi niya kong pinagtatanggol. Nalungkot talaga ako nang malaman kong bumalik na sila sa Washington. Buti nalang may remembrance ako sakanya.

Kinuha ko sa bulsa ko yung picture namin ni Tintoy sa photo booth. Natawa naman ako bigla.

"Hay. Ewan ko sayo, dalian mo na dyan magdaydream at may pasok ka pa" Tinignan ko yung relo ko at napatakbo agad ako sa kwarto ko nang makita ko kung anong oras na. 30 mns. na lang magtatime na.

Naligo na ako at nag-ayos kaagad para hindi ako malate. Dali dali akong pumunta sa kusina habang tinatwalya pa yung buhok ko.

"Ano ba yan anak, natataranta ka nanaman, kasi sabi ko sayo mag-ayos ka ng maaga eh" saway ni mama sakin habang kumakain sila.

Kumuha naman agad ako ng tinapay at kinain ko yun ng mabilis. Nagulat naman sila sa inasal ko. Uminom nako ng tubig at bumalik uli ako sa kwarto ko para mag-ayos.

Nagpatuyo nako ng buhok at nagsuklay nako. Tumingin ulit ako sa relo ko at 10 mins. na lang malelate nako.

"Bye!" Sigaw ko pagdaan ko sa kusina at lumabas nako.

Nagtricycle nako papuntang school. Bumaba nako agad nang nakita ko yung guard na isasara na yung gate. Naku! Patay na.

"Miss bayad mo!" Sigaw sakin ng driver. Binalikan ko siya para magbayad.

Ayan na! Isasara na!

"Manong wait!" Sigaw ko sa guard at siniksik ko pa yung buong katawan ko sa gate kahit halos nakasara na yun.

Yes nakapasok ako! Tatakbo nako sa room namin ng mabangga ako.

Lahat ng gamit ko sa bag lumabas.

"Ano ba yan miss!" Sigaw sakin ng lalaking nakabunggo sakin.

"Manahimik ka nga! Nagmamadali ako oh! Imbes na tumutulong ka eh!" Sigaw ko sakanya pero nilagpasan niya lang ako.

Aba siga yun ah! Ang kapal lang ng panga niyang bastusin ako pagkatapos niya akong bungguin!

Inayos ko na yung gamit ko at pinasok ko na sa bag lahat yun.

Pumasok na ko sa room at nadatnan ko na ang teacher namin na nagtuturo.

Pakshet. Late nanaman ako.

Kumatok muna ako para makapasok. Anakng nakakahiya naman to. Ngayon ang mga mata nila na sakin na.

"Ma'am goodmorning. I'm sorry if I'm late. Promise this would be the last!" At tinaas ko pa yung right hand ko.

Tinaas niya lang yung kilay niya sakin. Hala, mukhang di ko siya makoconvince.

One shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon