Isabelle's POV
Nandito kami ngayon ni Aiden sa sala namin at nagmomovie marathon kami. 6th anniversary kasi namin ngayon. Dito nalang sa bahay ko kami nagcelebrate. Bumili ako ng cake, tapos snacks tapos nagprepare ako sa lamesa ng mga kandila, table napkins. Alam ko yang mga yan kasi nag-aaral ako ng home and restaurant management. Pagkatapos namin manood ng Titanic, didiretso na kami dun sa prinepare ko. Ohano? Effort ko diba.
"Wala ka talagang balak lumabas babe?" Tanong sakin ni Aiden habang nakaakbay sakin habang magkadikit yung ulo namin.
"Dito nalang. May prinepare pa ako eh" Sabi ko.
"Ang dami mo namang surprise. Ako kasi eh, wala nakong masyadong time kasi ang daming pinapagawa ng boss ko" sabi niya.
Humarap ako sakanya tapos pinalo ko siya
"Ano ka ba, okay lang. Dati, ikaw naman lagi nagsusurprise eh" Hinalikan naman niya noo ko at bumalik sa dati yung posisyon namin.
*Beep beep*
Biglang tumunog yung phone niya. Tinignan naman niya yung phone niya. Tinaas niya ng konti para di ko makita pero iniangat ko yung mata ko para di niya mahalata. Haha magaling ata ako.
"Oh, ano anong oras ba kasi?" Nakita kong text sakanya. Galing kay Jane yung text. Sino si Jane?
Bigla naman siya nag-isip nang sandali at nagtype.
"Maya maya :)" at may smiley pa.
Ayoko naman mag-isip ng kung ano. Kasi sa loob ng 6 na taon di siya nagbigay ng motibo na ikasasama ng loob ko. Hinihintay ko na nga lang na magpropose siya eh.
Kaso pagdating talaga sa ibang babae, nagseselos ako. Alam kong humble talaga tong Aiden ko pero siyempre babae parin yun. Hay
Tinago naman ni Aiden yung cellphone sa bulsa niya at inakbayan niya ako ng mahigpit. Napatingin naman ako sakanya at nakangiti siya, yung ngiting tagumpay.
"Oh, bakit ka nakangiti?" Tanong ko sakanya.
"Ako? Wala. Ano kasi eh... siyempre! Anniversary natin" sabi niya habang nakangiti parin.
Ano kayang pinag-usapan nila ng Jane na yun? Hay umaatake nanaman pagkaselosa ko.
Pagkatapos ng movie, niyaya ko siya sa kusina, all set na yun parang nagdinner na rin kami sa labas.
"Let's sit" lumapit naman siya sakin para alalayan ako umupo tapos bumalik siya sa upuan niya.
"Babe, ikaw nag-ayos nito?" Takang tanong niya.
Ngumiti ako sakanya tsaka tumango ako.
Kumakain kami ng cake nang tumunog uli yung cellphone niya. Habang nagtatype, nakangiti siya.
"Who's that?" Tanong ko sakanya habang nakangiti.
Hindi niya ata ako narinig kasi bigla siyang umalis sa upuan niya. Sinundan ko naman siya.
"Oo. Sige ngayon na. Salamat talaga ha, utang na loob ko to sainyo lalong lalo na sayo Jane" Bigla namang nag-init yung ulo ko. Si Jane nanaman kausap niya?! Sino ba yun?! At anong ngayon na?! Ngayon na sila magkikita?!
Humarap siya at gulat na gulat yung mukha niya nang makita niya ako.
"Be..babe kanina ka pa diyan?" Utal niyang tanong.
"Sino ba yang kausap mo?" Tanong ko sakanya habang nakapamewang.
"Wala. Mga tropa ko" iniwas niya tingin niya sakin.

BINABASA MO ANG
One shot stories
Teen FictionStories na kung saan may iba ibang kwento ng pag-ebeg. Pero wala paring foreber.