Pia's POV
"Best baka naman niloloko ka na niyan ah! Naku, wag siyang magkamali, siguradong ubos ang lahi niyan" sabi sakin ni Geoff dito sa carinderia habang nilelecturan ako.
"Best ano ka ba! Hindi naman siguro. Busy lang yun. Alam mo na, baka maraming ginagawa" sabi ko sakanya.
Yan si Geoff, bestfriend ko yan, lahat ng manliligaw ko dumadaan muna sakanya. Kesyo ayaw naman daw niya akong nakikitang masaktan. E, one time, crush na crush ko tong si Louis, kaya nung nanligaw sakin di na siya nagsalita. Parang magkapatid na nga ang turingan namin eh, hindi kami nagkakailangan.
Nandito kami sa isang carinderia at naglunch kami Geoff, pareho lang naman kami ng pinagtatrabahuhan eh.
Kasabay kasi dapat namin si Louis ngayon, eh marami daw siyang ginagawa kaya ayun, hinayaan ko na lang.
"Basta pag niloko ka nung gunggong na yun yari sakin yun" yan nanaman ang basagulero kong bestfriend.
"Isusurprise ko na lang siya, tara best samahan mo ako" yaya ko sakanya.
Yung mukha niya parang ayaw pa niyang sumama. Pacute lang ang katapat nito e.
"Pleeeeeash" nagbeautiful eyes nako at nagpout pako.
"Papacute nanaman eh..." kinamot niya yung batok niya "-..... oo na!" At yes nakumbinsi ko din siya.
Pagkatapos namin kumain, bumalik muna kami sa office. Nagleave na rin kami kasi wala naman daw na masyadong gagawin.
Sumakay na kami sa kotse niya. Siya lang naman may kotse eh. Kaya ang swerte ko sa bestfriend ko na 'to e. Hatid sundo ako, parehas lang kasi kami ng tinitirhang apartment. Walang masama dun, alam ng magulang namin, magkaibigan din kasi sila. Simula elem, hanggang college at pag-apply sa trabaho, magkasama na kami ng kumag na to.
"Kelan ba kayo huling lumabas?" Tanong niya habang nagdadrive.
Kelan nga ba? Uhm. Wait. Di ko alam eh. Nung monthsarry nga namin hindi niya naalala eh. Siguro nung, uhm kelan nga ba.
"Hindi ko alam eh, bihira na kaming lumabas" nakayuko kong sabi sakanya at nilalaro ko yung kuko ko.
"Sinasa-" bago pa siya magsalita, pinigilan ko na siya, alam ko na kung saan pupunta to.
"Sssh! Busy nga best. Kalma ka lang, magdrive ka nalang diyan" saway ko sakanya.
"Oh, nandyan na pala tayo" sabay turo ko dun sa hotel. Manager kasi siya, oha? Kaya lagi siguro siyang busy kasi ang dami niyang hinahawakan na tauhan. Stress kaya yun.
Bumaba na kami ng kotse, nang pumasok na kami sa hotel parang nakakita ng multo yung babaeng tauhan niya.
Pumunta naman kami agad ni Geoff dun.
"Miss, si Louis?" Tanong ko. Hindi sumasagot yung babae. Nakatulala lang siya sakin. Anong problema nito?
"Miss alam kong gwapo ako, wag kang mamutla diyan" agad ko namang nabatukan si Geoff. Gwapo daw, eh sakin nga nakatingin eh.
"Ano miss? Nasaan siya?" Irita kong tanong sakanya. Bakit ba hindi siya nagsasalita.
"Oh, sinong customer-" agad naman akong napalingon kay.... Louis, may bitbit na bata.
"Hon" at may kumapit sakanyang babae, tauhan din niya ata to, nakauniform siya katulad nang sa babae eh.
Anong ibig sabihin nito?
"Diba sabi ko sayo, wag niyo siyang papapasukin?" Sabi ni Louis sa babae.
This time ako naman yung nakatulala sa kanya. Anong ibig sabihin nito?
BINABASA MO ANG
One shot stories
Teen FictionStories na kung saan may iba ibang kwento ng pag-ebeg. Pero wala paring foreber.