3rd shot: Walang kuya kuya

22 0 0
                                    

Yana's POV

Nandito kami ngayon sa court para suportahan si kuya Rio sa basketball. Ahead siya sakin ng 2 yrs, secret crush ko siya pero ako lang ang nakakaalam. Hihi

"Go kuya rio!" Sigaw ko pagkatapos niya mashoot yung 3 pts niya. Tumingin naman siya sakin at nagsalute siya.

Pambihira naman, hanggang ngayon kasi little sister lang ang turing sakin ni kuya Rio since bestfriend sila ng kuya ko.

"Bunso alam mo, kahit di mo sabihin, parang kulang nalang hubaran mo si Rio sa isip mo" napalingon naman ako kay kuya, agad ko naman siyang nabatukan sa sinabi niya.

Hindi naman sa ganun,... pero ano kasi- hindi. Ay- slight lang. Kasi naman, ang gwapo na, ang galing pa mag basketball. San ka pa?

Natapos na ang game nila, as usual siya ang mvp with a score of 40 pts. Bababa na sana ako ng lapitan siya ng isang babae at hinalikan siya nito.

Kahit sa cheeks lang yun, parang may anong kumirot sa puso ko. Sino kaya yun? Bakit parang wala naman atang nakwento si kuya Rio tungkol dun?

Dahil hindi ko nakayanan yung nakita ko, umalis na ko at lumibot muna sa school nila.

"Yana! Yana!" Napalingon ako at nakita ko si kuya Rio na hingal pang tumatakbo palapit sakin.

"O.. kuya Rio.. bakit?" Tanong ko sakanya. Parang any moment bibigay ako.

"Bakit bigla kang nawala? Sayang! Ako pa naman mvp! Halika may papakilala ako sayo" Parang namang may tumutusok saking ewan. Hindi pa nga ako nakakarecover sa nakita ko e, ngayon papakilala mo pa? Manhid mo naman eh!

"Ah.. uhm. Hindi na kuya Rio, next time nalang. Medyo gusto kong maglibot dito eh" sabi ko sakanya.

Napakamot naman siya sa batok niya saka ako sinapo at parang chinecheck na may sakit ako.

"Yana okay ka lang?" Biglang sumeryoso yung mukha niya.

"Sige kuya. Okay lang ako" pagkukumbinsi ko sakanya kahit di naman. Nag-aalangan parin yung mukha niya.

"Sure ka ah? Sige mauna na ako, ingat ka ah!" Tapos umalis na siya.

Nung maging magkakilala sila ni kuya, naging close na rin kami kasi palagi siya nandun sa bahay para makipagbasketball kay kuya. Naging crush ko siya hanggang ngayon actually ewan ko kung crush pa ba yun kasi ang bait niya tsaka tagapagtanggol ko din siya pag wala si kuya. Pero ang saklap lang na parang kapatid lang din ang turing niya sakin.

Kumain muna ako dito sa canteen tapos naglibot uli ako. Maganda tong school nila, ang laki, kung transferee ka siguro, baka maligaw ka pa. Sanay nako pumunta dito kasi nandito kami lagi pag may laban si Kuya Rio tsaka minsan---- pag nang-sstalk.

Napakahopless romantic ko nga eh. Pilit ko siyang ginugusto kahit alam kong wala akong pag-asa lalo na't baka may girlfriend na siya ngayon.

Pumunta nakong music room, library, at nagyon nandito ako sa hallway para maglakad lakad.

Nakita ko naman na may helera ng lalaki dun kaya agad akong napatalikod.

"Miss!" Sigaw nung lalaki kaya naglakad lang ako at parang wala lang akong narinig.

"Ay pare! Suplada pero diba yan yung gusto natin?" Tumawa naman sila. Binilisan ko yung lakad ko pero parang sinusundan nila ako.

"Huli ka!" At biglang may sumulpot sa harap ko. Tatalikod sana ako pero pinalibutan na ako ng mga panget na to.

"Hi miss. Bakit ka ba lumalayo? Ayaw mo ba samin?" Tumawa naman yung nasa harap ko saka lumalapit sakin agad ko naman siyang natulak.

"Aba! Masyado kang maarte ah!" Nahawakan niya ako sa braso at lumalapit ang mukha niya sakin. Napapikit nalang ako at tinago ko ang lips ko baka kasi halikan ako nito.

Hinihintay kong may mangyari. Hindi naman sa ano pero bakit ang tahimik. Naramdaman ko ring biglang lumuwag yung pagkahawak sakin. Agad naman akong napadilat at nakita ko silang tumatakbo.

Ha? Anyare? Siguro narealize nila na hindi ako maganda. Ano ba yan! Buti nga wala na ngang nangyare e---

Nagulat nalang ako ng may tumulak sakin at napasandal ako sa locker.

Tumambad naman sakin ang isang lalaki. Nakayuko lang siya at pawisan kaya di ko masyado marecognize yung mukha niya.

Alam ko na! Siya siguro yung leader ng mga mokong na yun kaya napatakbo.

Dala na rin sa takot ko, napaluha nalang ako ng hindi ko alam kung bakit.

"Sa susunod wag mo akong pinag-aalala, mababaliw ako" Parang naiiyak pa tong lalaking to at halatang nag-aalala talaga siya. Unti-unti naman siyang humarap at nakita ko si.... kuya rio?

Nakahawak siya sa braso ko at yung mukha niya parang may halong galit.

"Kuya.... rio?" Utal ko pang sabi. Anong sabi niya? Mababaliw siya?

"Ayokong hinahawakan ka o kinakausap nang kahit na sinong lalaki maliban at bukod SAKIN" diretso lang ang tingin niya sakin at yung mga mata niya, parang nag-aalala parin.

"Anong sinasabi mo kuya rio?" Taka kong tanong sa kanya. Bakit niya ba ako pinagbabawalan?

"Basta ayoko" bigla naman akong nainis sa kanya. Ang selfish niya, bakit siya ba? Pinapakelaman ko kung may kumausap sa kanya?

"Bakit mo ba ako binabawalan? Ikaw ba pinagbabawalan kita pag may humahalik o kumakausap sayong babae?! Hindi naman diba? Bakit di nalang yang girlfriend mo pagbawalan mo-

Hindi niya ako pinatapos magsalita nang halikan niya ako habang hawak niya ang mga braso ko. Nang kumalas siya, sobrang natulala ako sa ginawa niya at siya, nakatitig lang sakin.

"Bakit mo... ginawa yun-" hindi nanaman niya ako pinatapos magsalita nang yakapin niya ako. Sobrang higpit na yakap.

"Ayokong nagseselos Yana, ayaw na ayaw ko yun. Nababaliw nako kakahanap sayo kanina pa. Wala akong girlfriend at wala akong gusto maging girlfriend maliban sayo" Naramdaman ko na yung luha niya sa balikat ko.

Nakayakap parin siya sakin.

"Si...sino yung kanina?" Utal kong tanong sakanya habang nakayakap sakanya.

"Siya nga dapat yung ipapakilala ko sayo, pinsan ko siya galing U.S kauuwi lang kahapon kaso bigla kang sinumpong kanina. Teka-" bigla naman siyang kumalas sa pagkakayakap sakin.

"Akala mo girlfriend ko siya kasi hinalikan niya ko kanina sa pisngi?" Tanong niya. Agad naman akong namula sa hiya. Hindi ko aakalain na pinsan niya yun at nagwalkout pa ako.

"Eh...uhm" Hindi ko alam isasagot ko. Nagdrama pa ako kanina.

Bigla naman niyang dinikit noo niya sakin at yung dalawang kamay niya nasa pisngi ko. May kung anong kuryente ang naramdaman ko nang magdikit kami.

"Wala nakong pake sa sasabihin mo. Aya..." mahinang tawag niya sakin at tumingin ako sakanya habang nakapikit siya.

"Hmm?" Tanong ko.

"Akin ka na ah?" Magsasalita palang ako nang harangin nang index finger niya ang labi ko.

Napadilat naman siya at tumitig sakin. Nakakailang ng ganito kalapit sakanya.

"No buts" sabi niya habang nakadikit noo namin.

Tumango ako at niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ako makapaniwala. Na yung taong matagal ko na gusto, eh may gusto din pala sakin. Ako na yata ang pinakaswerteng babae!

One shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon