2nd shot: Kulit

30 2 0
                                    

Isa's POV

Hay ewan ko dito kay Alex, ang manhid manhid niya!!!!! Araw araw na akong nagpapacute sa kanya sa school, hanggang pag-uwi niya kinukulit ko siya, simula kasi ng lumipat sila sa subdivision, lumipat na rin ako. Sinabi ko lang kay mama na gusto kong maging independent kahit na ang totoo e, gusto ko lang araw araw makita si Alex.

"Hindi ka ba nagsasawa? Sinasaktan mo lang yung sarili mo girl!" Sabi sakin ni Haley. Nandito kami ngayon sa canteen.

"Oh, ayan na siya!" Sabi naman ni Iya habang tinuturo si Alex papunta dun sa pila para mag-order.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko kasi nakita ko siya. Agad naman akong pumunta kung nasaan siya.

Nang nasa harap ko na siya, ewan ko pero hindi ko naman alam ang gagawin ko. Natameme nalang ako sa kagwapuhan niya.

"Ano? Kukulitin mo nanaman ba ko?" Sabi niya sakin sa malalim niyang boses. Ano bayan, nakakaturn on ka talaga.

"Ah...ano kasi.. uhm" at yan, nautal nako ng tuluyan.

"Ano? Bahala ka nga diyan, bibili na ako, umalis ka na nga" pagtaboy niya sakin.

Umalis na ako kaagad dun at pumunta nako sa mga kaibigan ko. Nilecturan nanaman nila ako, sinesermonan nila ako na parang sila ang mga nanay ko.

Pagkadismiss, agad nakong umuwi. Nasa balcony lang ako nang nakita ko si Alex sa tapat ng bahay nila na nakatayo at parang ang lalim ng iniisip.

Agad naman akong bumaba at pumunta kay Alex.

"Alex" mahina kong tawag sa kanya. Napalingon naman siya.

"Ano nanaman ba?! Talaga bang hindi mo ako lulubayan ha?! Talaga bang patay na patay ka sakin?! Kita mo na ngang may iniisip ako! Ginugulo mo nanaman ako!!!!" Sigaw niya sakin.

Bigla naman akong napahiya sa sinabi niya at tumakbo nalang ako bigla, paikot ikot lang ako sa village. Ayoko muna sa bahay, makikita ko siya dun. Ang sakit, gusto ko lang naman makatulong kung may problema siya eh.

Huminto naman ako saglit tsaka ako humagulgol.

"Ang manhid mo Alex! Bakit ba ang manhid mo?! Sa pangungulit ko sayo, ni minsan hindi mo lang ba naisip na may gusto ako sayo" sigaw ko. Alamm kong hindi naman niya maririnig kasi malayo naman nako dun sa bahay nila.

Maya maya pa saglit habang umiiyak ako naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin sa bewang at yung ulo niya nakasandal sa balikat ko.

Pinipilit kong kumalas sa kanya pero di ko kaya kasi ang lakas niya. Pinipilit ko ng pinipilit kaso malakas talaga siya. Sino ba to?! Kitang nagdadrama ako dito, saka eepal.

" I'm sorry. I'm just overthinking"

Natauhan naman ako sa boses niya

"Alex?" Sagot ko sakanya habang nakayakap siya.

He shook his head kaya naman nagtaka nako kung sino to.

Nang pinilit ko na talagang humarap bigla niya akong hinalikan ni

Alex.

Natameme ako at nakatulala kasi di parin ako makarecover sa ginawa niyang pagsmack sakin.

"Alex?"

"Just. Kiss. Me."

Hinila niya ako gamit ang braso at saka niya uli ako hinalikan, a very passionate kiss.

One shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon