THIS IS THE SEQUEL OF RION aka JAGUAR! READ THAT STORY FIRST, 'KAY? THANK YOUUUU!!!
Moi's POV
"Fly it back, Moi."
Narinig kong sabi ni Rion mula sa headset. And I swear that I also heard a catch in his voice.
Hindi ako sumagot at sa halip ay minaniobra ang chopper para sa isang emergency landing. Nasa kapatagan kami kaya hindi ako nahirapang mag-land. Kung di ako nagkakamali ay limampung milya pa lang kami mula sa bayan ng Flaviejo.
Nang humina ang rotor ay bumaba si Rion mula sa chopper.
Hindi ako sumunod. I don't want to see him in his situation right now.
Sigurado naman akong hindi tatalon kanina si Rion kahit hindi ko binaba ang chopper. All he needed is to clear his mind now. Hindi madali ang ginawa niyang pag-iwan kanina kay Dollar.
Pero hindi ko siya papayagang bumalik agad. Damage has been done. At lalo lang ikakasira ni Rion kung hindi niya papanindigan ang desisyon niya.
Bumuntong-hininga ako at nag-alis ng headset at saka bumaba. Nakita ko si Rion na naglalakad papunta sa malapit na kagubatan. He forcefully punched the trunk of the first tree he saw.
At ipupusta ko ang katawan ko na umiiyak siya ngayon. I winced.
Hindi ko gustong isipin kung ako ang nalagay sa sitwasyon niya. I know it will be pure hell. Ang iwanan ang babaeng mahal mo para lang sa paghihiganti na matagal mo ng gustong gawin? Walang sinumang pwedeng magpayo kay Rion na kalimutan na ang nangyari sa pamilya niya at mamuhay nang tahimik kasama si Dollar. No one could give such advice. Not even Dollar... Patunay nga na nagdesisyon siya na iwanan ito.
Pero wala ring makapagsasabi na kahit hindi niya pinili si Dollar dahil mas matimbang ang kagustuhang maghiganti ay hindi na siya masasaktan... Patunay ang oras na 'to na sigurado akong sobra ang pagtitimpi niyang bumalik sa Flaviejo.
Parang napakahabang minuto pa ang lumipas bago ko naramdaman sa likod ko si Rion.
"I'm piloting this." Sabi niya mayamaya at umupo sa kinauupuan ko kanina.
Tumango lang ako at lumigid sa kanina niyang inupuan sa tabi ko.
Kaya siguro niya 'ko kinontak para utusang ilipad siya paalis ng Flaviejo dahil alam niyang hindi niya magagawang umalis ng buo sa loob palayo kay Dollar.
Pero ngayong mismo siya ang magpapalipad ay sigurado akong buo na ang loob sa desisyon niya kung babalik man siya o itutuloy ang paglipad papunta sa Manila para mula doon ay kuhanin ang flight niya palabas ng bansa.
Rion started the engine. At mayamaya ay umangat ang chopper.
I smirked when I learned the direction he's taking. It will be the saddest sunrise for everyone...
BINABASA MO ANG
Burning His Sunset Spell (COMPLETE)
RomanceRion, an assassin has one final mission before he retires: protect the woman he left seven years ago. He thought he was ready to face her and be faithful to his mission when they meet again on his island but he was wrong... This is the sequel of Rio...