Dollar's POV
"Just because your life is a mess doesn't give you the right to mess everybody's lives too."
Hindi pa din ako makahuma sa katotohanan na nasa harap ko si Rion... After seven years...
Paano? At bakit siya nandito? Pero ako na din ang sumagot sa isip ko, isa siya sa may-ari ng isla kaya may posibilidad na pumunta sya dito. Siya siguro ang sakay ng chopper kanina. Pero tiniyak ko na nasa malayong lugar siya bago ako pumunta dito. At isa pang nakakagulat... kinakausap niya 'ko.
Naninigas man ang leeg ko pero pinilit ko pa ding lumingon sa likod ko para tiyakin na ako nga ang kinakausap niya. Wala namang ibang tao, so ako nga.
And what does he mean by what he just said? My life is a mess and I'm messing everybody's lives?
Well, hindi niya alam ang sinasabi niya. He didn't have a single idea how messy my life was because of him. O kung alam man niya, ni hindi siya nagpakita ng pakialam sa huling pitong taon. At ngayon sasabihan niya 'ko na nanggugulo ng buhay ng iba?
Anong ginawa ko sa kanya para sabihan niya 'ko ng ganon? Hindi ba dapat ako ang unang nagpakita ng galit dahil ako ang iniwan niya?
Pinigilan ko ang sarili ko na lumapit sa kanya, pero matinding pagpipigil ang ginagawa ko para lang hindi maging pisikal at suntukin siya. I won't let him make me lose my temper. I've matured. Hindi na ako ang dating Dollar na humahabol sa kanya.
"I'm not messing with anyone, Rion. Pumunta ako dito para suportahan si Moi, dahil wala akong balak kalimutan at iwan ang kaibigan ko kahit alam kong hindi ako welcome dito." I'm so proud of myself that I didn't buckle. Kung ano man ang interpretasyon niya sa mga sinabi ko, bahala na siya.
I am looking straight into his eyes. Parang wala pa ring nagbago sa kanya pero alam kong meron. Mas obvious physically, because this is now a more serious and a lot sexier Rion. No, hindi ko dapat dine-describe ang lalakeng 'to.
"You should've not come here..." he said without breaking eye contact.
Alam ko naman iyon at naisip ko na din. Kung alam ko lang na malaki ang possibility na makikita ko siya dito, ako talaga ang unang iiwas. Pero hindi ko hahayaan ngayon na madurog ang puso ko sa sinabi niya. So that's clear now, ayaw niya 'kong makita. Sinabi niya mismo. Hindi ko na din aalamin kung bakit parang sa mga sinasabi niya at pinapakita ay ako pa ang may malaking kasalanan sa kanya. Siya ang nang-iwan di ba?!
I should've not come here daw, fudge!
Kaya ba siya napapunta dito dahil nabalitaan niyang nandito ako? At gusto niyang personal na siya ang magpaalis sa akin dito?
"Huwag kang mag-alala, hindi din ako natutuwa na nandito ako." I gave him a dagger look and walked past him.
Yes, wala akong balak makipagpalitan sa kanya ng salita, wala akong balak na sumbatan pa siya. Wala akong balak na gawing isang malaking pangyayari ang pagkikita namin ngayon. At aalis na 'ko sa harapan niya para kahit sa paglalakad man lang, masabi ko na ako naman ang nang-iwan.
Hinding-hindi niya malalaman na gandang-ganda ako sa isla na pag-aari niya. Na matagal ko na talagang gustong puntahan ito.
Kung ganito ang gusto niyang simula ng pagkikita namin, eh di sige. Hindi ako magdadalawang isip na iparamdam sa kanya na galit ako. Ah, oo nga pala dapat mas maging literal ako sa nararamdaman ko dahil literal na tao din si Rion.
Pumihit ako paharap ulit sa kanya. Pero nakatalikod na siya. Dinadala ng mabining hangin ang buhok niya at ang suot niyang white na long sleeve polo. Nakapamulsa siya at nakatanaw sa dagat.
BINABASA MO ANG
Burning His Sunset Spell (COMPLETE)
RomanceRion, an assassin has one final mission before he retires: protect the woman he left seven years ago. He thought he was ready to face her and be faithful to his mission when they meet again on his island but he was wrong... This is the sequel of Rio...