The Stubborn Damsel in Distress

2.6K 120 35
                                    


Dollar's POV

Tatlong oras na 'kong nandito.

Ayoko munang intindihin ang sakit sa siko ko dahil mas nangingibabaw sakin ang gutom. Hindi ako nag-almusal pagkatapos maligo kanina at umalis na agad ako.

Ilang beses kong sinubukang gumapang paakyat pero wala akong makapitan. Medyo malambot ang lupa at bumabagsak lang ulit ako. Kaya nang matanggap ko na ang kapalaran ko one hour ago ay nag-decide na 'ko na humingi ng tulong. Buti na lang talaga at dala ko ang phone ko at na-text ko si Lolo.

That was ten minutes ago. Wish ko lang ay nabasa agad ni Lolo ang text at makapagpadala agad ng search and rescue team.

Mayamaya pa ay nakarinig ako ng mga kaluskos sa ibabaw kaya napatayo ako.

Ang tulong ni Lolo!

"Hey! Help me! Dito!" Sigaw ko at tinaas ang mga kamay ko na parang makikita ng mga taong dumating.

Nakita ko sa ibabaw ang anino ng taong sumungaw at sumilip sa balon. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa araw pero nakita ko ang hagdan na unti-unti niyang binababa.

Habang palapit ng palapit ang paglapat ng steel ladder sa lupa ay lalo akong na-e-excite na makaalis. I'm gaping at the ladder like it was the most important thing in my life.

Pero bago ako makalapit sa hagdan ay bumaba mula doon ang savior ko at tinapat ang flashlight na hawak sa pagitan namin.

Hindi agad nakapag-adjust ang mga mata ko sa liwanag kaya napapikit ako.

"Are you alright?"

Bigla akong napamulat!

No, I'm not...

Not when I know that voice!

****************

Gustong mag-unahan ng isip ko na paanong nangyari at kasama ko dito sa balon si Rion. Si Lolo ang t-in-ext ko di ba? Alam kong hindi ko dapat asahan na si Lolo mismo ang makikita ko dahil sa katandaan ni Lolo ay hindi niya na kayang bumiyahe pa at mag-uutos na lang siya. Pero bakit naman kasi nasa Flaviejo si Rion sa araw na 'to at nalaman pa ang sitwasyon ko?

Asar!

Kinapa ng paa ko ang chest na nasa likod ko. Wish ko lang na hindi mapansin iyon ni Rion at itanong kung ano iyon. Hindi dahil gusto kong ipagsinungaling na mga gamit namin iyon. No. Pero ayoko lang na may mamagitang usapan samin. Hindi dito sa balon at hindi sa kahit saang lugar sa anumang pagkakataon.

"Oo naman." Nilagpasan ko siya at umakyat sa hagdan. Nakasampa na ang dalawang paa ko nang biglang gumewang iyon!

"Easy." Si Rion na naramdaman ko sa tabi ko at nakahawak na sa gilid ng hagdan.

Hindi ko siya nilingon at tinuloy ang pag-akyat kahit pa kumikirot ang tuhod at siko ko. Ilang segundo pa ang inabot bago ako makaakyat sa ibabaw.

Thank you, Lord!

Nilingon ko ang balon at sumungaw mula doon si Rion na nakaakyat na din.

Magpapasalamat ba 'ko sa kanya? Pero paano ko magagawa 'yon nang hindi rumerehistro sa mukha ko na ayaw ko siyang makita ngayon? Hindi dahil sa galit ako kundi dahil abala at seryoso ako sa misyon. Ngayon kung kelan hindi ko pa nakukumpleto ang misyon ko.

Pagkatapos makaakyat ay hinila niya ang steel ladder at tiniklop. Lumingon sakin at napakunot-noo.

"You're not okay."

Maski ako napakunot-noo sa sinabi niya. Kahit dati pa ay alam na niya agad na hindi ako okay. Pero hindi ko aaminin sa kanya na tama siya. "Of course, I am. I'm going. S-salamat." Mabilis akong nag-iwas ng paningin at naghandang umalis sa lugar na iyon.

Burning His Sunset Spell (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon