A Little Tour

821 40 13
                                    

Dollar's POV

Pagkatapos ng halos isang oras na pagtatanung-tanong sa mga taong nadaanan ko kanina sa bayan ay nakita ko na din ang makitid na palikong daan papunta sa dating resort na sinabi ni Tito Daniel.

Sa sobrang tagal nang hindi operational ang resort ay maski ang mga matandang napagtanungan ko ay nahirapan nang alalahanin kung ano ang resort na tinutukoy ko at lokasyon niyon bukod pa sa hindi naman iyon ganoong kasikat noong araw.

Narating ko na ang boundary ng dulo ng barangay ng dulo ng bayan na katabi ng Flaviejo at halos wala akong makitang bahay sa gilid ng kalsada. Puro niyog at iba't ibang puno at sa pagitan nila ay nasisilip ko ang kislap ng tubig sa medyo malapit na dagat. Hindi peak season kaya wala akong makitang tao sa dalampasigan.

Niliko ko ang kotse ko sa palatandaang sinabi ng napagtanungan ko, matandang puno ng narra. Dalawang liko ang ginawa ko sa pagbabaybay sa daan. Ilang metro mula sa kalsada pagkatapos ng makitid at madamong daan ay humantong ako sa clearing na kasyang pumarada ang sampung sasakyan. Natanaw ko ang mataas na gate na gawa sa barbed wire. 

Pumarada ako at saka lumabas ng sasakyan. Tinanaw ang paligid. Walang tao. Binalik ko ang tingin sa mataas na gate. Walang nakalagay na 'Private property, do not enter' wala ring gwardyang nagbabantay.

Mas mababa na ang damo, mas iilan na ang puno ng niyog at mas malawak na ang daan sa kabila ng gate. Palatandaan na may nagmimintina sa loob ng nahaharangan ng gate. Pero mukhang mas malayo kesa sa dinaanan ko ang lalakarin papunta sa beach.

Mas lumapit ako sa gate at nakita kong hindi nakabaon ang padlock, nakasabit lang. Inalis ko iyon sa pagkakasabit at dahan-dahang iniawang ang gate at saka pumasok, naghihintay ng sisita sa akin.

Okay, I'm trespassing, I know.

Noong huli akong nag-trespass ay sa balon ako pinulot. Ni Rion.

Ngayon, baka mabaril na ako. At walang Rion na dadating. He's out of the country according to my source, Lolo Buko.

Pero huwag naman sana akong mabaril, please.

Palinga-linga  pa din ako habang naglalakad, naghahanap ng tao.
Natapos kong lakarin ang hilera ng mga niyog at narating ko ang mabuhanging part, tanda na malapit na 'ko sa dalampasigan.

Nang makalabas ako sa niyugan ay lumingon ako sa kaliwa at kanan. Wala akong makitang ibang estruktura. Walang palatandaan na naging resort ang lugar na 'to o ang mas malayong bahagi. Kung private property ito ay napakalawak naman masyado ng nasasakupan, malayo sa mga bahayan na karaniwan na nakatayo sa dalampasigan.

Sa paglinga-linga ko ay natanaw ko ang bahay na nakatayo sa medyo elevated na lugar at tumatanaw sa dagat. Hindi madaling makita dahil parang tinatago ng mga punong nakapalibot sa bahay.

Binaybay ko ang dalampasigan papunta sa direksyon ng bahay. Lumulubog ang mga paa ko sa pinong buhangin sa bawat paghakbang ko. Naghahanap ako ng hagdan papunta sa bahay, surely meron iyon. At tama nga ang kutob ko dahil nakita ko ang landing ng hagdan na nag-uugnay sa bahay at sa beach.

Nag-iisip na agad ako ng idadahilan sa may-ari ng bahay kung bakit ako nandito nang makarinig ako ng ungol...

Hanggang maging malinaw ang ungol na iyon na parang nagagalit na hayop...

Kinakabahan, dahan-dahan kong tinaas ang paningin ko at sa pinakapuno ng hagdan na may lagpas dalawampung steps ay isang napakalaking maitim na aso!

Oh my...!

Bago pa 'ko mahabol ng aso ay tumakbo na 'ko palayo habang sumisigaw!

Malayo-layo din kung babalik ako sa sasakyan ko at bago ko magawa iyon ay tiyak na aabutan ako ng aso!

Burning His Sunset Spell (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon