Nyssa's POV
"I hated her more when I met her," I said and eyed Rion. Alam kong alam niya kung sino ang tinutukoy ko.
He just eyed me with a warning look. "I've had enough of women meeting me for a purpose not related to business today, Nyssa." At umupo siya sa kabilang dulo ng conference table.
And I also hate him for that. Damn, I loved this man. And I don't deserve this treatment. Kung iwasan niya ako ay parang may sakit akong nakakahawa. He even had me blacklisted in his island. Ginawan ko lang ng paraan para makarating sa isla at natyempuhan ko nga si Dollar... Maski dito sa building niya ay nahirapan akong pumasok.
But it's the price I have to pay for making him mad... At sinisigurado ni Rion na iindahin ko ang galit niya dahil sa nalaman niyang plano ko laban sa kanya.
"So, your sister also talked about your precious Dollar?" I asked and raised a brow. May bahagi ang conference room na one way mirror wall at nakita ko ang pagdaan ni Shamari mula sa opisina ni Rion. "Ayaw mo siyang pag-usapan pero babantaan mo na naman akong huwag lumapit sa kanya?"
"Yes. Leave her." Rion emphasized every word but doesn't give away emotions. Kahit ang magpakita ng galit sakin ay hindi ginagawa ni Rion ngayon dahil iniisip niyang lalo ko lang siyang gagalitin at hindi ako karapat-dapat pag-aksayahan ng kahit konting emosyon mula sa kanya.
I was disappointed now because I always find him sexier when mad. I crossed my legs and looked into his eyes.
"Hmm... That remains to be seen. Okay, let's not talk about her." Winasiwas ko ang kamay ko, disgustedly. Ilang taon na bang nakapagitan ang pangalan ng babaeng iyon sa buhay naming lahat? "But let's discuss my proposition."
Sarkastikong umubo ng mahina si Rion at sumandal sa upuan.
Damn it. This is insane. Wala sana ako dito at hindi sana kami naging ganito kalayo sa isa't isa kung hindi dahil sa parinig ni Vladimir tungkol sa mana.
Tiningnan ko sya ng diretso sa mga mata. "Handa akong hatian ka sa mamanahin ko kay Papa kung makikipagtulungan ka sakin at sasabihin mo sa kanya na hindi ka niya anak." It was a sick proposition. Dahil hindi ko kailangang hatian kahit na sino bilang legal na tagapagmana ni Vladimir. Aah, I really want to hurt this man for turning my life like this!
But Rion just added the rage I am feeling right now by smirking again.
Damn him!
"It's too early to talk about inheritance, Nyssa, buhay pa si Vlad. And of course, why will I do that?"
"Dahil iyon ang totoo!" Napapukpok ako sa lamesa.
Just damn him!
And damn Vladimir St. Martin!
Hindi ako makapaniwalang darating ako sa puntong halos limusin ko sa sarili kong ama ang perang dapat sa akin lang. At dahil lang pinagkatiwala ng magaling kong ama ang buong kabuhayan niya kay Rion at nakatakda pang ipamana kay Rion ang lahat samantalang ako ang tunay na kadugo! Akala ko ay natapos ang problema ko nang itakwil ni Vladimir St. Martin si Vaughn dahil nawalan ako ng kaagaw. Pero hindi ko inakala na magiging problema si Rion. Paano kong naisip na hindi ganoon kadaling papaniwalain si Vladimir na hindi niya anak si Rion kahit may mga ebidensya ako? At na kahit sabihin ko lahat ng natuklasan kong plano ni Rion ay binalewala niya lang?
"D-Dahil hindi mo na kailangan ng pera ni Vladimir, Rion. You were born wealthy at ni hindi makapantay sa kayamanan mo ang pinagsama-samang business ng Papa. Wala kang gagawin doon at ako ang tunay na anak!" I spit on him every words. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na ang kayamanang kelan ko lang nahawakan ay mawawala agad. Matinding paghihirap ang pinagdaanan ko para lang patunayan sa lahat ng pagkakataon kay Vladimir na karapat-dapat ako at tunay na miyembro ng pamilya. And I earn so much hatred for my father along the process. At galit din na nagtulak sakin na kalimutan ang pinagmulan kong buhay at sumumpang hindi na babalik doon. Pero lalo lang pinapatindi ni Rion ang galit ko dahil parang balewala sa kanya kung siya man ang pinakamayaman sa mundo. Samantalang ginawa ko ang lahat para lang makatuntong sa mundo niya.
Tumayo siya at naglakad palapit sakin, tinukod ang isang kamay sa ibabaw ng lamesa. "I will tell you a secret, Nyssa." Tinungo niya 'ko.
At naniningkit ang mga matang sinalubong ko ang tingin niya. I balled my fists to contain myself from hurting him.
"Bago ko man hawakan ang business ng ama mo ay papaluge na din lahat iyon. And I don't have to tell you the reasons why dahil alam natin kung paano siya magsugal o maglabas ng pera para lang sa mga ilegal na aktibidades niya at pagbibigay ng pabor sa mga kakulay at kaibigan niya sa black market. Kaya bitiwan ko man lahat ng negosyo niya kahit anong oras ay hindi ako manghihinayang at isa pa dahil tama ka, hindi niya ako anak. Pero hindi ka niya pinaniwalaan di ba? At kung ako ang magsasabi sa kanya ng katotohang iyon sa kalagayan niya ngayon, we both know that he won't survive another attack. He will die and you won't have a chance to prove to him that you are worthy of his falling empire."
I clenched my teeth. Hindi ko gustong paniwalaan na naluluge na ang dating matatag na negosyo ni Vladimir St. Martin. Pero alam kong hindi iyon ipagsisinungaling ni Rion.
I didn't trust myself to speak in shock and anger.
Nagpatuloy si Rion. "You have another option, Nyssa. We can wait for his death at sisiguraduhin kong malilipat agad sayo ang ipapamana niya sakin."
"No!" I won't allow that. Hindi lang ang mapapakinabangan kong pera ang gusto ko kundi gusto kong direktang ipamana sakin ni Vladimir ang lahat ng maiiwan niya para man lang maramdaman ko na tinanggap niya 'ko bilang anak at parte ng mga St. Martin.
But I have to think another option. Posible lahat ang sinabi ni Rion at kung igigiit ko ang gusto ko ay malamang na makarating kay Vlad ang mga ginagawa ko at lalo ko lang hindi makukuha ang gusto ko.
I inhaled and composed myself. Tumayo ako at lumapit kay Rion. Tiningala ko siya at gahibla lang ang layo ng mga labi namin sa isa't isa. Then I whispered, "Let's get married, Rion. Para hindi na natin problemahin ang isa't isa. We can both have my father's empire." I intend to give him a kiss but his one hand is already on my throat stopping me. I refused to cough and just meet his dark eyes.
"You have to know na gasgas na yang proposal mo, how many times did you say that? At wala akong pakialam sa pera ni Vlad."
"Oh yeah, you want revenge, right? I could kill him for you." I traced the knuckles of his hand on my throat with my fingers.
"And prove to me that you're really sick." Gamit pa din ang kamay na nasa leeg ko ay bahagya niya akong tinulak palayo sa kanya. "Get out of my place." And with one dark brooding look, he left the room.
I choose to sit down again and stared at him leaving the room.
Marrying Rion has always been my plan. At nang mabuksan ang pagsasalin ng mana ay una ko ding naisip iyon. It will be like hitting two birds with a stone, the inheritance and the man I desire. Hindi kailangang problemahin kung hindi man papayag si Vladimir na pakasalan ko si Rion dahil sa paniniwala niyang magkapatid kami. We can get married without my father. Ang kailangan kong pagplanuhan ay ang hakbang ko kay Rion. Dahil kung gaano kahirap ipilit ang sarili ko kay Vlad bilang tagapagmana ay ganoon din kahirap sa pagpasok sa mundo ni Rion.
Pero meron pa 'kong alas. That woman on the island, Dollar. Maybe I could stir Rion's world through her. At sisiguraduhin ko na sa pagkakataon na 'to ay tuluyan ng mabubura sa mundo niya ang babaeng iyon.
Kinuha ko ang bag ko at naglakad palabas sa opisina.
No, not two birds because I will be hitting three.
Vlad, Rion and Dollar.
A/N: Idadagdag ko sana dito ang flashback ng pagkakilala nila ni Rion pero some other time maybe. Let's just hate Nyssa for now, okay? >_<
BINABASA MO ANG
Burning His Sunset Spell (COMPLETE)
RomanceRion, an assassin has one final mission before he retires: protect the woman he left seven years ago. He thought he was ready to face her and be faithful to his mission when they meet again on his island but he was wrong... This is the sequel of Rio...