Forever Hating the Sunset

3.6K 132 34
                                    

Dollar's POV


I climbed out of the service vehicle of the island resort which transported the guests to the hotel. At sobra akong humanga sa entrance pa lang ng hotel nang tuluyan akong makababa..

At isa lang ang unang pumasok sa isip ko... Paanong nauwi sa isang exclusive island resort ang kwentuhang lasing nila Zilv, Moi at Rion?

Why, the island is a paradise! A luxurious paradise is a more apt description. Maganda na ang aerial view ng La Felinovine island resort nang nasa cessna pa lang kami pero mas lalo na kapag nandito na mismo.

Parang kahit hapon na ay hindi pa din mauubusan ng sorpresa ang isla at buhay na buhay pa din. I can't wait to see the lively lights of the hotel and the park in the middle of the island amidst the calmness of the sea surrounding it.

It was just not curiosity and Moi's insane news that brought me here. Unang kita ko pa lang kasi nang ma-feature ang La Felinovine sa isang international magazine ay ginusto ko na agad mapuntahan ito. I am so much curious about it lalo na ang 15 storey high hotel building na nakatayo sa gitna ng isla at idagdag pa ang mga facilities and amenities na meron dito.

At bakit hindi ko pupuntahan ang isla na pag-aari ng tatlo lalo na at sina-suggest ko pa lang kay Moi na dalhin ako dito ay pinanukala na agad niya na banned ako dito?

Dollar Mariella Viscos is banned here! Yeah, the nerve!

Hindi ko alam kung saan nanggaling at paano nangyari. Kaya ginawa ko lahat ng paraan para makatuntong dito kahit pa nga napakahigpit ng screening ng mga guests at hindi biro ang presyo sa ganito kagandang exclusive island resort. To think na VP for Operations dito si Moi at dalawa silang kaibigan ko ni Zilv na may-ari nitong isla. And that leave me thinking that may be Rion is the one who insisted of blacklisting me here. Kung bakit, ayoko ng malaman.

Gusto ko lang namang mag-relax muna malayo sa trabaho ko. At syempre gusto kong mabaliw ang baliw kong employer, si Shamari, kapag nalaman niyang umalis ako nang walang paalam at hindi sumipot sa launching ng Astra sa Philippine market.

"So where is my Moises!?" excited na tanong ni Yella sa tabi ko at nagpalinga-linga sa paligid sa paraang hindi bagay sa kagandahan niya.

I rolled my eyes. Last minute na nang maisipan ko siyang isama dahil wala akong choice. Feeling ko mas madaling magpa-reserve kapag may kasama kesa sa ilang attempt ko na magpareserve dati nang solo na mga na-deny dahil nalaman agad ang identity ko, kung bakit naman kasi naka-ban ako dito. Isa pa, gusto kong testing-in kung totoo nga si Moi sa dineklara niyang balita. So I brought Yella, Moi's supermodel girlfriend for 4 long months, with me. Siya ang pinakamatagal niyang girlfriend. Kahit alam namin ni Yella na hindi namin gusto ang company ng bawat isa, luckily natagalan naman namin ang ilang oras na biyahe papunta dito sa La Felinovine.

"Why don't you check our room first? Sure ako nasa penthouse si Moi, dun ka na lang din dumiretso after." suggest ko sa kanya at hindi ko naman kailangang ulitin ang sinabi ko kahit konting Tagalog lang ang naiintindihan niya dahil pumasok na siya sa lobby ng hotel at hindi man lang ako niyaya.

Nilingon ko ulit ang magandang paligid nang ilang minuto nang mapansin ko ang kakaibang kinikilos ng mga unipormadong security personnel. Iba ang titig nila sa akin, parang kahit anong oras ay kukwestyunin ang presensya ko dito... Hmp! Subukan nila.

Papasok na din sana 'ko sa lobby pero hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay humarang na agad si Moi na mula sa gilid ng hotel. He seems not in a welcoming mood, nakasimangot. Pero kulang sa pagiging desidido na hindi ako i-welcome ang ekspresyon ng mukha. Kumikibot-kibot ang mga labi na parang pinag-iisipan kung ano ang sasabihin sa akin pero c-in-areer ang pagsasalubong ng mga kilay.

Burning His Sunset Spell (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon