━━━━ ◦ ❖ ◦━━━━
Dahil sa pag sigaw ni Persinette ay hindi na nito ngayon alam kung tama pa ba ang ginawa niya dahil ang buong atensyon ng mga taong kanina lang ay pinag-aagawan si Flynn ay nasa kanya niya habang may matatalas na tinging ibinabato sa kanya ang mga ito.
Mariing napalunok naman ang dalaga at muling dinalaw ng kaba nang tuluyang humakbang na palapit sa kanya ang kalbong lalaki na ang isang kamay ay gawa sa panungkit na bakal.
Napaatras naman ito hanggang bumangga ang likod niya sa isang lamesa. Pigil hininga ang ginawa niya nang sobrang lapit na sa kanya ng lalaki.
"Pangarap? Ako rin may pangarap," tila wala sa sariling aniya.
Napalitan naman ng pagtataka ang mukha ni Flynn habang nakasabit ito sa isang kahoy lalo na nang magsimula na itong magkuwento.
"Sa kabila man ng nakakatakot kong itsura at ang mga kamay na madudumi ay may isa rin akong pangarap sa buhay. Ito ay ang maging piyanista." Tumungo naman ito sa instrumento at nagsimulang tumugtog.
Sinundan naman siya ni Persinette at pinanood ito sa pagtugtog.
"Matagal ko ng pinangarap na makatugtog tulad ni Mozart ngunit walang kumukuha sakin dahil sa mga ritmo kong nakakamatay at ngunit sa kabila no'n ay ang puso ko para sa aking pangarap na makatugtog." Dugtong pa nito.
Namangha naman ang ilan at halos sabay-sabay na nasabi ng mga ito. "May pangarap siya?"
"Ako rin may pangarap!" sigaw naman ng isang lalaki na may malaking ilong at kupya na may disenyong pakpak.
Nabaling naman ang atensyon ng lahat sa kanya. Nilapitan nito ang dalaga at nagsimula na ring magkuwento.
"Nakikita mo ba itong mga bukol at bugbog sa aking katawan, itong malaking ilong at ang balat na hindi pangkaraniwan. Lalo na ang mga daliri sa aking paa na kay rami kumpara sa normal na tao," aniya habang ipinapakita ang paa sa dalaga.
Napangiti naman sa kanya si Persinette dahil nagsisimula na niyang magustuhan ang mga tao sa loob ng kainan sa kabila ng mga nakakatakot nitong mga itsura at kasuotan.
"Sa mukha kong ito ay may nais din ako sa buhay at iyon ay ang makahanap ng isang pagmamahal. Ang makahanap ng babaeng magmamahal sakin at akin siyang ipagsasagwan sa malawak na karagatan dahil hindi man ako tulad ng aking mga kasamahan na marunong makipaglaban ay isa naman akong mapagmahal na lalaki." Pagpapatuloy nito habang may mapupungay na mga mata.
Sakto namang may sumulpot na matandang lalaki na naiiba ang kasuotan sa lahat. Tila lunod na rin ito sa alak at may mapupungay na mga mata habang suot ang isang puting tela bilang salawal at hawak ang pana na waring ito ang kupido na papana sa lalaki.
Nagsimula nang sumunod ang iba pa sa pagkukuwento tungkol sa kanyang mga pangarap at labis naman na natuwa si Persinette habang pinapanood ang mga ito.
"Si Tor ay nais na maging plorera." Tukoy sa lalaking abala sa ginagawa.
Ipinakita ng lalaki ang kanyang obra kay Persinette. Isa iyong kupol ng pinaghalong bulaklak at dahon ngunit ang kakaiba lamang doon ay may iilang buto ng tao ang nakahalo dito. Napangiwi naman ang dalaga.
"Si Gunther na siyang mahilig magdisenyo sa loob ng kainan." Turo naman nito sa lalaking nakatayo sa tabi ng malaking painting.
"At si Ulf na isang komedyante."
Nakita naman niya ang isang matabang lalaki na may kolorete sa mukha ang nagpapatawa ng hindi nagsasalita sa harap ni Flynn na ikinatawa naman ni Persinette dahil halatang hindi nainis nito ang lalaki.
BINABASA MO ANG
What Hides Beneath The Tower
FantasyTO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE The princess of the kingdom Andalasia was loved by everyone because she was like Rapunzel who is known to be the classic sweet and lovely girl with magical golden hair. Until a severe illness struck...