CHAPTER 14

38 3 0
                                    



━━━━ ◦ ❖ ◦━━━━


Matapos ang pag-aayos sa buhok ng dalaga ay inaya ito ni Flynn na libutin ang bayan upang makita nito ang mga pagbabagong hindi nito nasubay-bayan.

Nawili naman si Persinette sa mga bagong pamilihan sa bayan na dati'y wala naman. Masasabi nitong napakarami na nga ang nagbago sa labas ng palasyo at paano pa kaya sa loob.

Kasalukuyan silang nakapila sa tinadahan ng tinapay na siyang dati nilang binibilhan noon at upang malaman kung pareho pa rin ang lasa niyon nang magawi ang tingin ng dalaga sa malaking pader mula sa kanilang gilid.

Natulala si Persinette sa kanyang nasilayan. Isa iyong malaking larawan ng hari at reyna habang buhat nito ang isang napakagandang sanggol na may ginintuang buhok.

May haplos ng pangungulila at pagkadismayang naramdaman si Persinette habang tinititigan ang malaking larawan.

Pangungulila dahil sa nakalipas na ilang taon ay hindi niya nakasama ang mga magulang at pagkalayo sa kanyang tahanan. Pagkadismaya dahil tila hindi na niya maramdamang may mga magulang pa siya dahil simpleng paghatid lamang ng kanyang mga pangangailangan at regalo ang pakay lagi ng kanyang ina sa tuwing ito ay dadalaw.

Humakbang palapit ang dalaga nang makita nito ang mga bulaklak na nakapatong sa paanan ng pader habang may dalawa namang bata ang nag-uusap doon.

"Alam mo ba kung para saan ang mga nilalagay nating bulaklak dito lagi?" tanong ng tila panganay sa kanilang dalawa habang nakikinig naman ang isa pang batang paslit dito.

"Para daw ito sa yumaong prinsesa sabi ni mama." Dugtong pa nito.

"Pero ate, may narinig po ako na kaya daw po namatay ang prinsesa kasi kalahating tao, kalahating halimaw daw siya—"

Hindi naman nito natapos ang sinasabi nang takpan ng ate ang kanyang bibig.

Samantala naikuyom naman ni Persinette ang kanyang kamay at tila natunaw ang kaninang pangungulilang nadarama niya. Naplitan ito ng inis sa kadahilanang totoo pala ang sinasabi ng binata sa kanya tungkol sa ibinalitang patay na siya.

Nasa malalim na pag-iisip ang dalaga nang makuha ang atensyon niya ng banda ng musikerong naglalakad sa paligid habang dala ang kanilang mga instrumento at pinapatunog ito.

Dahil na rin sa hilig sa musika ng dalaga ay napalitan ito ng saya at sinundan ang banda na napansin naman siya dahil hindi nito namalayang sumasabay na ang katawan niya sa tugtog.

Samantala, matapos makuha ang biniling pagkain ni Flynn ay binalingan nitong muli ang dalaga sa kanyang likod ngunit wala na ito roon, mag-aalala na sana ito nang mahagip ng kanyang mga mata ang ingay na nagmumula sa 'di kalayuan sa kanya at doon niya nakita si Persinette na masayang sumasayaw sa harap ng isang banda.

Kita ni Persinette ang ilang nanonood sa kanya kung kaya nilapitan na ito sa isang batang lalaki at isinama ito sa pag-sasayaw. Napansin ni Persinette ang pagdami ng mga taong nanonood sa kanila kung kaya isa-isa na niya itong hinila sa gitna upang samahan siya.

Hanggang ang halos lahat na ng namimili sa bayan ay nakisalo na. Maging si Flynn ay naitulak na rin ni Maximus sa gitna kaya wala na itong nagawa kundi sumabay.

Sa kabilang banda ay ang natatarantang reyna ang napasugod sa pinagtaguan niya sa kanyang anak dahil sa narinig na usapan ng mga gwardiya na may nakawalang magnanakaw at nagtungo ito sa kagubatan.

Sa takot na matagpuan nito si Persinette ay mabilis siyang bumalik dito.

"Persinette! My dear! Nandito ang nanay!" sunod-sunod na tawag niya rito ngunit wala pa rin siyang naririnig na boses o ni-kaluskos mula sa taas.

What Hides Beneath The TowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon