CHAPTER 13

42 3 0
                                    



━━━━ ◦ ❖ ◦━━━━


Napagdesisyunan ng dalawa na manatili muna doon dahil sa pagod. Hindi na rin namalayan ng dalawa na nakatulog na sila sa damuhan—sa ilalim ng malaking silong ng puno.

Nagising nalamang si Flynn nang may maramdaman siyang sunod-sunod na patak ng tubig sa kanyang mukha kaya naman naiinis na dumilat siya upang tignan kung umuulan ba.

Ngunit sa gulat niya'y napasigaw siya nang makita ang basang-basa na kabayong nakadungo sa kanyang mukha.

Sumisigaw na tumayo ito nang aamba si Maximus na kakagatin siya. Hindi malaman ni Flynn kung ito ba talaga ay isang kabayo o tao ito na nasa anyong kabayo lang.

Dahil sa malalakas nitong sigaw at nagising na rin si Persinette. Nang bumalikwas ito ng bangon ay nakita si Flynn na kinakaladkad na ng kabayo. Kagat-kagat nito ang sapatos ng binata na nakahiga na sa damuhan kaya mabilis niyang hinabol ito at nakipag-agawan kay Maximus.

Hila nito ang sapatos niya habang ang dalaga naman ay mahigpit ang hawak sa dalawang braso ni Flynn.

"Bitawan mo siya!"

Natumba ang dalawa nang matanggal ang sapatos ni Flynn kaya nasubsob ito dahilan para madaganan niya si Persinette na napasigaw pa sa gulat.

Ngunit hindi pa rin ito nagpatinag at akmang susugurin muli si Flynn nang pumagitna na dito si Persinette.

"Teka!"

Ngunit hindi nagpaawat ang kabayo at pilit na humahanap ng daan para makalapit kay Flynn.

"Sandali!" sigaw pang muli ni Persinette habang kinukuha ang atensyon ni Maximus.

Ilang sandali lang ay nagtagumpay naman siyang makuha ang atensyon nito.

"Ayan ganyan nga, kumalma ka muna," sabi pa nito sa kabayo na tila umamo nang mapagmasdan ang dalaga kaya naman hindi napigilan ni Persinette ang humanga sa ganda ng kulay nitong puti at hinaplos pa ang mahaba nitong buhok.

"Kumalma ka muna." Bahagyang lumayo dito si Persinette nang hindi pa rin inaalis ang tingin dito.

Nagulat naman si Flynn sa nasaksihan dahil tila nagkaintindihan ang dalawa at kumalma nga ang kabayo sa dalaga.

"Ngayon, pwede mo na bang bitawan ang sapatos ng kasama ko?" pakiusap ni Persinette.

Humalinghing naman ang kabayo na waring hindi ito sang ayon sa gustong mangyari ng dalaga.

"Sige na," sabi pa ng dalaga.

Nang hindi pa rin binitawan ng kabayo ang sapatos, napabuntong hininga nalang si Persinette.

"Sige na, bitawan mo na ang sapatos." Pinaseryoso na nito ang kanyang boses, indikasyon na hindi na natutuwa ang dalaga kay Maximus kaya naman binitawan na nito ang sapatos kaya naman nanumbalik ang ngiti ng dalaga.

"Magaling! Napakabait mo talaga," papuri ng dalaga kay Maximus at hinagod muli ang ulo nito na tila ikinatuwa naman ng hayop.

Tila lalo lamang nanabik si Persinette na makauwi agad dahil naalala niya nang siya ay bata pa lamang ay parati siyang sumasama sa ama upang makita ang mga alaga nilang kabayo.

"Napagod ka ba sa kakatakbo?" tanong nito kay Maximus na agad naman nitong sinagot ang dalaga ng isang nagpapaawang mga mata.

"Napagod ka siguro dahil sa kakahabol sa mga masasamang nilalang ano?" tanong pa nito kaya naglalambing na nilapit ni Maximus ang ulo nito sa dalaga.

What Hides Beneath The TowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon