━━━━ ◦ ❖ ◦━━━━
Mula sa likod ni Persinette ay isang hardinerong may hawak na palakol at balak na nitong sugurin mula sa likod ang dalaga nang may maramdaman itong kakaiba sa kanyang likuran.
Isa iyong mainit na hangin at tuloy-tuloy ang tila pagbuga niyon sa kanyang batok. Nanginginig na nilingon nito iyon habang hawak pa rin ang nakataas na palakol.
Sa kanyang pag-lingon ay bumungad sa kanya ang nanlilisik na mga mata ni Pascal at sa takot ng hardinero ay napasigaw nalamang ito.
Gamit ang mahabang katawan na dumudugtong sa buhok ni Persinette ay pumulupot iyon sa katawan ng lalake habang papaangat ito sa ere.
"Akala niyo ba'y maiisahan ninyo ako?" nakangising tanong ni Persinette sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Habang ang iba ay kumuha ng kanya-kanyang gamit bilang armas.
"Ngayon ipapakita ko sainyo kung sino ang tinatawag niyong halimaw."
Mabilis na sumugod si Pascal sa isang lalakeng sumugod sa kanila na may dalang itak na balak sanang isaksak sa dalaga.
Dahil sa mabilis na pagatake ni Pascal ay napasigaw nalamang ang lalake habang nakatingin sa putol na nitong braso habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng sariwang dugo mula dito. Kita ang naiwang buto sa loob ng laman ng lalake na ikinaiwas ng tingin ng iba.
"Anong ginawa mo sa asawa ko! Halimaw ka!" sigaw naman ng isang ginang mula sa likod ng lalake at sinugod ang dalaga ng walang kahit na anong dala.
Sinalubong naman siya ni Persinette at hinawakan ang magkabilang mga braso nito nang akmang sasakalin siya nito. Kinuha ng pagkakataon iyon ng iba at sabay-sabay na sumugod na rin ngunit ang sumalubong naman sa mga ito'y si Pascal.
Hindi naman makikitaan ng takot o awa ang dalaga habang pinipigilan nito ang ginang ngunit sadyang malakas ito at nakawala ang isa nitong kamay kung kaya dumiretso ang matatalim nitong kuko sa kanyang pisngi dahilan para magdugo iyon.
Ramdam ni Persinette ang marahang pagdaloy ng likido sa kanyang pisngi kung kaya malakas niyang tinulak ang ginang dahilan para mapaupo ito sa lupa.
Mabilis siyang kinubabawan ni Persinette at sinakal.
Samantala unti-unti namang napupuno ng dugo at nagkalat na piraso ng mga laman ng tao ang paligid nila dahil sa pag sugod ni Pascal sa mga nais saktan si Persinette.
Naritong pinupuluputan niya ang isang nahuli niyang katulong na nais sanang saksakin mula sa likod ang dalaga ngunit maagap siyang nahuli ni Pascal. Mahigpit na pinaluputan ito ni Pascal na parang sawa hanggang tuluyang mawasak at mapiga ang buong katawan nito at sumabog paibaba ang lasog-lasog nitong katawan.
"Napakalakas ng loob mong saktan ang iyong prinsesa kaya nararapat lamang sayo ang parusang kamatayan," mariing sabi nito habang unti-unting humihigpit ang pagkakasakal niya rito.
"H-hindi ka, i-isang p-prinsesa. Isa kang h-halimaw," hirap na hirap nitong sagot sa dalaga habang mariing pinipigilan ang mga kamay nitong humihigpit na sa kanyang leeg.
"Oo at ang halimaw na 'to ang papa—"
Hindi na natuloy ni Persinette ang sinasabi nang may sumakal sa kanya mula sa likod. Ito pala ang asawang lalaki nito, at gamit ang isa pa nitong braso ay ikinawit nito iyon sa leeg ng dalaga.
Bilang lalaki at malakas ito kahit pa iisang braso nalamang ang gamit ng lalaki ay hindi pa rin magawang makawala ni Persinette sa higpit ng kapit nito sa kanyang leeg.
"I-ikaw, dapat sayo m-mamatay na," nahihirapang sambit sa kanya ng lalake dahil na rin sa iniindang sakit nito.
Nang kinakapos na ng hininga si Persinette ay malakas niyang tinawag ang kanyang alaga.
"Pascal!"
Bumaling naman dito ang tingin ng halimaw at iniwan panandalian ang natitira pang kalaban nila.
Ang ginang sa harapan nila Persinette ay malakas nalamang na napasinghap at nasapo ang kanyang bibig sa nasaksihan.
Kita mismo ng dalawang mga mata nito kung paano humiwalay sa katawan ng asawa ang buong ulo nito at pabagsak pa iyong itinapon sa kanyang harapan kung kaya ang ginang ay nagsimula ng sumigaw sa takot.
Kay Persinette naman ay unti-unti nang lumuwag ang braso sa kanyang leeg at nakita nalamang niya sa gilid ng kanyang mga mata ang pagdaus-dos ng katawan ng lalaki mula sa kanyang likod.
Nakangising tinignan lamang ng dalaga ang sumisigaw pa ring ginang sa kanyang harapan bago hinarap ang kalaban pa ni Pascal.
Tumakbo ang dalawa sa magkabilang direksyon kung kaya naghiwalay ang dalawa upang madakip ang mga ito agad.
Nakita ni Persinette na nagtago ang isa sa likod ng makapal na mga halaman.
"Huwag ka ng magtago diyan, kitang-kita na kita binibini," mapaglarong wika nito.
Marahan at tahimik ang naging mga hakbang ni Persinette patungo roon. Ngunit hindi niya inasahan ang paglabas nito kasabay ng hawak nitong itak.
Mabuti nalamang at mabilis na nakailag ang dalaga.
"Pinatay mo ang pamilya ko!" galit na sigaw nito habang patuloy sa pag sugod na tila wala na ring direksyon ang mga pag atake nito sa kanya.
Pinag-aralan at tyinempuhan ni Persinette ang susunod na pag atake nito kung kaya mabilis niyang nahuli ang kamay nito at puwersahang hinila ito paikot sa likod ng dalaga. Namilipit naman sa sakit ang binibini sa ginawa na iyon ni Persinette, dahilan para makuha nito ang patalim.
Halos mapasinghap naman ito nang itutok ni Persinette ang patalim sa kanyang leeg.
"Hindi ko kasalanan kung ninais nila 'kong saktan. Ang hari at reyna niyo lang sana ang nais kong makarahap ngunit pinilit niyo 'ko na saktan kayo," mariing sabi nito sa punong tenga ng dalaga.
Tila bahagyang nabuwag ang matigas na pader sa puso ni Persinette nang makita niya ang lungkot at panlulumo sa mga luhaang mata ng dalaga habang nakatanaw ito sa katawang nagkalat sa paligid.
Unti-unti naman niyang ibinaba ang patalim sa leeg ng dalaga at balak na rin sana niya itong patakasin nang sumigaw ito ng malakas nang masaksihan nilang pareho kung paano lamunin ng buo ni Pascal ang nahuling kasamahan nito.
Humakbang pa ito ng ilan palayo kay Persinette ngunit agad rin itong tumigil nang bumaling ang ulo ni Pascal sa kanilang gawi.
Kitang-kita ang mantsa ng dugo sa labi nito kaya naman lalong nanginig sa takot ang dalaga ngunit kasabay rin niyon ang galit na namumuo sa kanyang puso. Lakas loob nitong nilingon muli si Persinette.
"Hindi ka karapat-dapat na maging prinsesa. Alam mo kung bakit?" Bitin nito sa sasabihin.
"Dahil isa kang halimaw!" sigaw nito kay Persinette bago ito sinugod. Mabilis namang nasalag at nahawakan ni Persinette ang mga braso ng dalaga.
"Papatayin kita!" sigaw pa nito habang pilit siyang inaabot.
Humugot naman ng lakas si Persinette upang malakas na maitulak palayo sa kanya ang dalaga na matagumpay niyang nagawa ngunit hindi pa ito nakakabawi nang tumalsik nalamang ang masaganang dugo ng dalaga sa damit nito at maging sa kanyang pisngi.
Walang emosyong pinunasan ni Persinette ang kanyang pisnging may bahid ng dugo gamit ang kanyang kamay.
"Pascal, tara na't harapin sila," tawag nito sa alaga bago nagsimulang maglakad patungo sa mahabang hagdan paakyat sa mismong palasyo.
Hinakbangan pa nito ang ilang katawan na nagkalat sa kanyang dadaanan.
━━━━ ◦ ❖ ◦━━━━
IH | IssiaHermosa
BINABASA MO ANG
What Hides Beneath The Tower
FantasyTO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE The princess of the kingdom Andalasia was loved by everyone because she was like Rapunzel who is known to be the classic sweet and lovely girl with magical golden hair. Until a severe illness struck...