━━━━ ◦ ❖ ◦━━━━
"Flynn!" lumuluhang tawag ng dalaga.
Tila lalo namang nanghina si Flynn sa narinig.
"Sobra ka na talaga!"
Sa pag-sigaw na iyon ng dalaga ay kasabay niyon ang paglabas ng halimaw na kanina pa rin naghihintay ng tamang pagkakataon.
Muling napasinghap sa gulat at takot ang lahat ngunit sa pagkakataong ito ay tuluyang nang napaatras ang mga ito.
Samantala, hindi naman nagpatinag si Drusila at tila inaasahan na nito ang mangyayari dahil nakangisi lamang nitong sinalubong ng harap-harapan ang halimaw na halos umusok na ang mga ilong habang nanlilisik ang mga matang nakatitig dito.
"Hindi mo 'ko kaya dahil ako rin ang gumawa sayo," matapang na sabi nito kay Pascal.
Umigkas naman ito pataas at bumwelo ng pag-atake sa ginang ngunit bago pa nito makagat ang babae ay nakahakbang na ito palayo at sa paglingon nito ay siyang pag-atake naman nito ng espada kay Pascal, nasugatan nito ang leeg ng halimaw kung kaya malakas itong dumaing at napaatras.
Tila naramdaman din ni Persinette ang hapdi ng sugat ni Pascal kung kaya hindi rin nito napigilang mapadaing.
"Anak!" sigaw ng kanyang ama.
"Tu-tumakas na kayo pa!" sigaw nito.
Mabilis na tumalima ang mga kasama nitong kawal kahit pa kanina'y ito ang gumapos sa kanila.
"Hindi maaari! Hindi ko iiwan ang aking anak! Drusila hayaan mo na ang anak ko!" sigaw nitong muli.
Nang makabawi si Pascal ay muli itong sumugod kay Drusila. Tila ang puntirya nito'y makagat ang kanyang ulo ngunit sa tuwing aatake ito ay siyang gilas ng babae sa pag-iwas at saka naman ito ang susunod na aatake.
Hindi pumapalya ang bawat wasisaw ng espada nito dahil lahat iyon ay tumatama kay Pascal at waring nanghihina na rin ito dahil sa dami na ng kanyang sugat at maging si Persinette ay nanghihina na rin.
"Tama na! Naaapektuhan rin si Persinette!" buong lakas na sigaw ni Flynn. Tila naintindihan naman iyon ng halimaw at nagbaba ito ng tingin sa dalaga nang akmang susugod itong muli.
"I see, mukhang hindi naman pala talaga ito halimaw na inaakala ko," manghang komento ni Drusila.
"Ano bang kailangan kong gawin p-para matigil na ang lahat ng i-ito?" nahihirapang tanong ni Persinette.
Bumaling naman sa kanya ang ginang at matagumpay na ngumisi itong muli.
"Simple lang, stay with me darling. Just like the old times at gagawin kitang prinsesa muli ng palasyong ito, hindi ba't iyon naman ang matagal mo ng gusto? Ang makabalik dito?"
"Huwag Persinette," hirap na sabi ni Flynn.
"Anak, 'wag may iba pang paraan," ani naman ng hari.
Hindi naman iyon pinakinggan ni Persinette at itinuon ang buong atensyon sa ginang.
"Sumama ka sakin at pakakawalan ko silang lahat, maging ang iyong ina. Iyon ay kung sasama ka sakin at hindi na muling makikipagkita sa kahit na sino man sa kanila." Biglang napalitan ng pag-aalala ang mga mata nito. Ang mga matang nagpaniwala kay Persinette na sobra itong nag-aalalang mapahamak siya sa oras na umalis siya sa kanyang tore.
"Stay with mama, Persinette. Ako lang ang makakaunawa at makakapag-alaga sayo, dahil ang tunay mong ina ay hindi ka kayang alagaan at protektahan. Ako—ako lahat ang may kaya niyon."
BINABASA MO ANG
What Hides Beneath The Tower
FantasyTO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE The princess of the kingdom Andalasia was loved by everyone because she was like Rapunzel who is known to be the classic sweet and lovely girl with magical golden hair. Until a severe illness struck...