━━━━ ◦ ❖ ◦━━━━
"What now mother? Nagulat ka ba? Nakalimutan mo ata na namana ko sayo ang aking katalinuhan kung kaya mabilis akong natuto," nakangising tanong ng dalaga sa kanyang ina.
Hindi naman nakapagsalita ang kanyang ina na pinapanatili ang kalmadong ekspresyon nito.
Lingid naman sa kanilang kaalaman na may isang katulong ang kumaripas ng takbo patungo sa itaas na silid ng palasyo matapos ang nasaksihan.
Nang makarating siya sa ika-apat na palapag ay bumungad sa kanya ang apat na kawal na nagbabantay sa labas ng isang silid.
"Anong kailangan mo rito?" tanong ng isa sa mga kawal.
Hindi naman sumagot ang babae at tinanguan lang ang isa sa apat.
Sa isang iglap ay inatake na sila isa-isa ng isa sa mga kawal na kasamahan.
"Pumasok ka na at itakas ang hari!"
Hindi na sinayang ng babae ang tiyansa at pumasok na sa loob habang nagpapambuno ang huling dalawang kawal.
"Mahal na hari!" malakas na tawag nito sa matandang lalaking nakaupo sa malaking upuan nito at nakatanaw lamang sa kanyang binatana.
Nanghihinang nilingon naman siya nito.
"Mahal na hari, tara na't ngayon na ang pagkakataon upang kayo ay makatakas sa palasyo." Nagmamadaling nilapitan nito ang lalake at tinulungang makatayo.
"A-anong nangyayari? P-pa'no ka nakapasok?" nanghihinang tanong nito habang sinusubukang makatayo.
"Ang prinsesa, buhay siya."
Nagulat naman sa ibinalitang iyon ang hari at kahit nanghihina'y pinilit niya ang sariling makalakad ng mabilis gamit ang kanyang tungkod upang makalabas ng kanyang silid.
"Mahal na hari! Mapanganib sa labas, hindi niyo kakayanin." Pigil sa kanya ng babae.
"Hindi maaari, mas nanganganib ang aking anak. Kailangan ko siyang makita," sagot naman nito at muling nagpatuloy sa paglabas.
Sinalubong naman sila ng kawal na kasabwat ng babaeng katulong.
"Tara na mahal na hari, dito ang ating daan." Pag-aakay ng kawal sa hari ngunit tinabig lamang nito ang kanyang kamay at tinungo ang hagdan.
Samantala nadagdagan naman ng ilang kawal pa ang paligid nina Persinette habang patuloy na nag-uusap ang dalawa.
"At alam mo ba ang susunod kong nais matutunan?" nakangisi pa ring tanong ni Persinette.
Nang hindi sumagot ang reyna ay nilapitan niya ito at bumulong sa kanyang tenga.
"Ang pagpapatakbo ng ating palasyo. Kung paano maging reyna."
Hindi na napigilan ng reyna ang galit na kanina pa niyang kinikimkim at malakas na tinulak ang dalaga, dahilan para mapaupo ito.
"Kailanman ay hinding-hindi ka magiging reyna ng palasyo! Walang reynang halimaw! Ikulong niyo 'yan!" utos nito sa mga kawal.
Agad namang tumalima ang mga ito at nilapitan ang nakadapang si Persinette ngunit hahawakan palang sana siya ng mga ito nang mabilis silang mapaatras dahil sa paglabas ni Pascal.
"Persinette! Anak!"
Napalingon naman ang lahat sa tinig na nanggaling sa mahabang hagdan. Ang hari iyon na nagmamadaling bumaba kahit hirap ito.
Sa unang pagkakataon mula nang hindi na siya balikan nito'y nakita niyang muli ang kanyang ama. Ngunit ang inaasahan niyang hari na sasalubong sa kanya ay tila ibang tao ang kaharap niya.
BINABASA MO ANG
What Hides Beneath The Tower
FantasyTO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE The princess of the kingdom Andalasia was loved by everyone because she was like Rapunzel who is known to be the classic sweet and lovely girl with magical golden hair. Until a severe illness struck...