CHAPTER 18

40 3 0
                                    


━━━━ ◦ ❖ ◦━━━━


Nagpupuyos sa galit ang dibdib ni Persinette nang matagpuan niyang wala na ang korona sa pinagtaguan niya nito. Matapos ang nangyari nang gabing iyon ay bumalik ang dalaga sa kanyang tore upang kumpirmahin ang sinasabi sa kanya ng dalawang lalaki. Dito niya napatunayan na talaga ngang niloko siya ng binata.

"Ganun nalamang ba ako kadaling lokohin? At ganun nalamang ba ako kadaling maniwala sa mga pangako?" mapait ang ngiting sabi nito sa sarili.

Mula sa pagkakaluhod ay tumulo sa sahig na yari sa kahoy ang mga luha ni Persinette dahil sa ikalawang pagkakataon ay niloko siyang muli ng taong pinahahalagahan niya.

Sa lalim ng kanyang pag-iisip ay hindi na nito namalayan ang paglabas ni Pascal.

Pumalibot ito sa kanya na parang sawa, ang mga mata'y tila bulalakaw sa kislap waring mayroong nais ipahiwatig na emosyon ang mga iyon.

"Pagbayarin mo sila Persinette."

Natigilan ang dalaga at napatingin sa kasamang si Pascal na ngayon ay tahimik siyang pinapanood ngunit nangungusap ang kanyang mga mata. Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ito ng boses sa kanyang isip. Marahil dahil ito sa pagiging konektado nila sa isa't-isa.

Kuyom ang kamaong tiningala ito ng dalaga.

"Tuloy ang ating plano at babawiin ko din ang lahat ng nawala sakin. Kasama na do'n ang trono ko sa palasyo," mariing sabi nito bago dahan-dahang tumayo.

Dala ni Persinette ang lahat ng galit niya sa kanyang dibdib habang binabaybay ang ang daan patungo sa palasyo.

Sa ilalim ng sinag ng araw ay kitang-kita ni Persinette ang takot at pagkagulat sa mga mata ng mga taong makakasalubong.

Wala namang pakialam ang dalaga kung ano man ang isipin ng kanyang mga makakasalubong at diretso lamang ang tingin nito.

Napansin naman niya ang ilang guwardiya na tumatakbo patungo sa isang direksyon ngunit hindi niya iyon pinansin.

Samantala si Pascal naman ay sayang-saya sa mga reaksyong nakukuha sa tuwing napapatingala sa kanya ang mga taong nakakasalubong. Kung kaya sa pagiging tuso nito ay nilalapitan pa niya ang ilan sa mga tao kaya naman 'di mapigilan ng mga itong mapasigaw sa takot.

Nasa harap na ni Persinette ang higanteng pintuan patungo sa palasyo. Sa pagtapak niya doon ay kita niya ang gulat at takot sa mga mata ng guwardiya napangisi naman si Persinette sa naisip kung bakit gano'n nalamang ang reaksyon ng mga ito.

Nahimigan rin ng dalaga na nakilala na siya ng mga ito kung kaya dumoble ang pagkagulat ng mga ito habang nakatitig sa kanya. Hindi naman napigilan ni Persinette ang mapangisi.

"Sa wari ko'y kilala ninyo na kung sino ako. Hindi niyo man lang ba papapasukin ang prinsesa?" nakangising taning nito sa mga guwardiya.

"Anong ginagawa niyo, huwag niyong hayaang makapasok siya!" sigaw ng isa sa mga kasamahan ng guwardiya.

Tila nakabawi nabalik naman sa wisyo ang mga ito at napalitan ng katapangan at galit ang kaninang gulat na mga mukha ng mga ito habang ang ilan sa mga ito'y alinlangang lumapit sa dalaga.

"Umalis ka na at huwag ng manggugulo pa, kundi papatayin ka namin!" banta sa kanya ng isa sa mga ito.

Muli namang napangisi si Persinette. "Bakit naman ako manggugulo, nais ko lamang umuwi sa aking palasyo—"

"Wala ka ng palasyo o tahanan dito dahil matagal ng patay ang prinsesa namin! Hindi isang halimaw ang prinsesa!" Putol nito sa dalaga.

Tila lalong nadagdagan ang inis ni Persinette sa lalake kung kaya tinignan nito si Pascal at waring alam na nito ang gagawin.

Mabilis nitong inatake ang lalake at inihagis pa ito sa ere at tanging malakas na pagsigaw nito ang nangibabaw sa paligid. Sa pagbagsak nito ay ang malaking bunganga ng halimaw ang sumalo sa katawan ng lalake.

"Patayin niyo siya!" malakas na utos ng lider ng mga ito.

Sunod-sunod na umatake kay Persinette ang mga ito ngunit mabilis ring nakapagpreno nang salubungin sila ni Pascal.

Nakabawi naman agad ang ilan sa mga ito at sinimulang atakihin si Pascal gamit ang kanilang mga espada. Pinuntirya ng mga ito ang ulo ng halimaw.

Ngunit muling umangat sa ere si Pascal upang hindi ito matamaan ng kanilang matatalim na espada. Kinuhang pagkakataon naman iyon ng mga kawal upang si Persinette na prenteng nanonood lamang sa kanila ang susunod nilang aatakihin.

Hindi naman gumalaw sa kanyang kinatatayuan ang dalaga at hinintay lamang ang mga itong makalapit sa kanya. Ngunit naging mabilis ang pangyayari, dahil ang mga kawal na nais sugurin si Persinette ay naglaho nalamang na parangbula at tanging pagsigaw nalamang ng mga ito ang maririnig.

Sigaw na pinaghalong sakit at takot iyon dahil sinunggaban ito ni Pascal at inangat ang mga ito sa ere habang kagat-kagat pa rin nito ang kalahati ng kanilang mga katawan na wala ng buhay.

Dahil sa bigat at lakas ng panga ni Pascal ay walang kahirap-hirap nitong nahati ang tatlong guwardiya. Sarap na sarap nitong nilunok at dinilaan dugong kumalat sa bunganga nito mula sa tatlong nahating katawan na mga lalake habang isa-isa namang nahulog ang ibang parte ng katawan ng mga ito.

Pinanood lamang iyon ni Persinette na mahulog mula sa ere bago binalingan ng tingin ang natitirang dalawa pang kawal sa kanyang harapan.

"Hindi niyo pa rin ba 'ko papapasukin?" tanong nito.

Mabilis na tumalima sa takot ang dalawa at binuksan ang may kabigatang higanteng pintuan.

Napangisi si Persinette nang bumungad sa kanya ang malawak na palasyo. Sa paningin niya'y wala namang nagbago sa loob maliban sa nawala ang makukulay na bulaklak na paborito ng kanyang ina.

Hindi na nagtaka o nagulat ang dalaga nang marinig niya ang sunod-sunod na pagsinghap ng mga tauhan ng palasyo nang makita siya.

"Buhay ang prinsesa?" 'di makapaniwalang sambit ng isa sa mga ito habang napapahawak pa sa kanyang nakaawang na bibig.

"Oo at nagbabalik na 'kong muli sa aking palasyo," nakangiting sagot naman dito ni Persinette nang balingan niya ito ng tingin.

"H-hindi ito m-maaari, dapat itong malaman ng reyna. Madali ka at ibalita mo sa mahal na reyna ang nangyayari rito at magpadala ka ng mga kawal dito!"

Nakita naman ni Persinette ang isang mayordoma na natatarantang inutusan ang katabing katulong nito.

"Hindi ako namatay o pinatay, dahil buhay na buhay ako at nais kong makilala niyo ang aking kaibigan na si Pascal."

Mabilis namang nagbaba ng katawan ang halimaw at lumikha pa ng nakakatakot na ingay na waring tinatakot ang mga tao sa kanilang paligid. Tagumpay naman nitong natakot ang mga ito dahil may ilang napasigaw na rin at nanakbo paalis habang ang iba'y tila natuod na sa kanilang kinatatayuan.

"Anong kailangan mo rito?! Walang lugar dito ang isang halimaw na katulad mo!" sigaw ng isa sa mga naiwan.

"Halimaw? Mas halimaw pa ang mahal niyong hari at reyna!" sigaw naman pabalik ng dalaga.

Humakbang pa ito ng bahagya patungo sa babaeng nagsalita. "Alam mo kung bakit? Dahil ikinahiya nila 'ko! Pinangakuang babalikan at iuuwing muli sa palasyo ngunit anong ginawa nila?! Inabandona nila 'ko! Hindi na nila 'ko itinuring anak."

Puno ng galit ang mga mata ni Persinette at ramdam rin iyon ng mga tao sa kanyang paligid.



━━━━ ◦ ❖ ◦━━━━

IH | IssiaHermosa

What Hides Beneath The TowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon