Sa isang malaking silid sa loob ng isang makalumang bahay, nakaupo ang isang dilag sa isang upuan na nasa kanyang terrace.
Tanaw niya ang maganda at malawak na hardin sa harapan na may mga iba't-ibang klase ng halaman at mga bulaklak, mga paro-parong lumilipad at palipat-lipat sa mga bulaklak at mga ibong kumakanta sa saliw ng banayad na hangin na humahaplos sa mukha ng dilag.Sa bandang kanan ng silid ay may aparador na may malaking salamin at katabi nito ang higaan na may makapal na kutson, sa bandang harap ng higaan ay naroon nakasabit ang isang lumang painting ng isang nalalantang rosas na nakalagay sa vase at may iilang talolot nalang na naiwan sa mismong bulaklak nito, tuyot na ang mga dahon at ang iba'y nalalaglag na kasama nang talolot nito.
"Kumusta magandang bini-bini, mukhang may napupusuan na naman ang ating pihikang puso ah, wa'g naman sanang matulad siya sa mga lalaking dumaan dati sa iyong malungkot na mundo. Sana'y ito na ang tamang nilalang na iyong pinakahihintay"
Ngiti lamang ang isinagot ng magandang dilag, sa isip niya'y naglalaro parin ang una nilang pagkikita o ang malaking katanungan ay sarili ba talaga niya iyon?
"Sana nga'y hindi siya katulad ng karamihan na kung kailan malapit na, saka naman mawawala"
"wa'g kang mag-alala bini-bini, manaligbka lang sa kanya at kung siya na talaga ang susi, mananatili siya sayong tabi hanggang sa mabasag ang sumpang bumabalot sayong malungkot at tahimik na mundo"
Sa ikalawang pagkakataon, ngumiti ang magandang dilag habang nakatanaw sa malayo ang mga matang sing-ganda ng bituwin sa bukang liway-way.
At sa puntong ito siya nagigising.
Ito ang panaginip na paulit-ulit niyang nararanasan at malinaw pa sa kanya ang itsura at mukha ng magandang dilag sa kanyang panaginip.****
Mainit ang hatid ng hangin sa tanghaling tapat, sa asul na kalangitan naroon ang haring araw na tumatanglaw sa mga bagay na nasa baba, mga ibong lumilipad sa himpapawid at ang mala-kristal na dagat na walang kasing linaw.
Sa paligid ay maraming tao ang nagtatampisaw sa malinis na dagat at mababakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan sa bawat-isa.
Subalit ito'y kabaliktaran sa kung ano mang nararamdaman ng isang lalaking nakaupo sa may batuhan malayo sa karamihan.
Hawak sa mga kamay at nakakandong ang isang gitara na kanina niya pa gustong kuskusin ang mga string na matagal nang nahimbing at hindi nagamit.Siya si Ivan kero o kero for short.
Ang lalaking parang tila laging galit sa mundo at may sariling mundo.
Isang artist at musikerong tila ang kasiyahan o kaligayahan ay limot niya na dahil sa matagal na niya itong hindi nararamdaman.
Sa paningin ng iba, siya ay malungkot at nag-iisa subalit nagkakamali sila, sadyang gusto lang talaga niya na laging mapag-isa.Inilapag ng lalaki ang hawak na gitara at tumayo ito, inunat sandali ang mga paa't tuhod na nangangalay na sa matagal na pagkakaupo at naglakad ito patungo sa tabing dagat at inilubog ang mga paa sa tubig-dagat na may mga banayad na alon na humahampas sa mamasa-masang buhangin sa paligid.
Nakatingin siya harapan, tanaw niya ang malawak na karagatang tila walang hangganan at napabuntong-hininga nalang siya sa dami ng mga gumugulo sa isip niya.
Dumukot siya sa bulsa at naglabas ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito habang ang paningin ay nakapako parin sa malawak na karagatan.
Naiisip parin ng lalaki ang huling babae na bumasag sa tahimik at pihikan niyang puso.Dalawang taon din ang lumipas mula nung hiwalayan nila ng nag-iisang babaeng minahal niya bago niya nakilala ang isang dilag na nagtatago sa pangalang josephine.
Nakilala niya ito nang minsan itong bumili ng isang painting niyang di niya aakalaing may bibili pa dahil ipininta niya lang ito nung minsang inabot siya ng pagkabagot sa buhay na meron siya.
Ito'y isang larawan ng tuyot na rosas na nakalagay sa vase at iilan nalang ang talolot na naiwan dito na nakakabit sa mismong bulaklak nito.
Ang larawang ipininta ni kero ay bahagi ng mga panaginip niya na halos gabi-gabi niyang napapanaginipan at laking pagtataka niyang may nagkainteres pa sa likha niyang iyon.Tumalikod siya at diri-diritsong naglakad ngunit napatigil nang aksidenting may mabunggo itong isang babae, napaupo pa ang dilag at nakayukong pinulot ang dala nitong libro kasama ang maliit na shoulder bag at iilang sitserya na binili pa nito sa may counter.
"Ay sorry miss, di ko sinasadya, nasaktan ka ba?" ani kero habang tinutulongan itong pulutin ang mga nalaglag na gamit.
"Ayus lang ako, pasensya na rin at hindi ako nakatingin sa aking dinaraanan" sagot naman nang dalaga habang nakayuko ito't patuloy sa pagpulot ng mga gamit nito.
"Ako ang dapat humingi ng despensa dahil diri-diritso lang ang aking lakad nang hindi tumitingin sa aking dadaanan at ....."
Napatigil si kero sa ginagawa nang mapansin niyang sobrang pamilyar sa kanya ang babaeng nakayuko habang abala parin sa pagpulot ng mga nalaglag na gamit nito.
Ito ay walang iba kundi ang babaeng minsan nang bumili ng painting niya.
Ang babaeng nakilala niya sa pangalang josephine, ang babaeng hindi niya aakalaing magiging parte ng buhay niya't pagkatao.****
Heto na naman at nagbabalik ang inyong walang kwentang tagasulat.
First time kong gumawa ng love story kahit naninindig ang balahibo ko sa isiping gagawa ako nang ganitong kwento kaya sisikapin kong maiba ang takbo ng istoryang ito.
Basta, yung tipong kakaiba ang tema...
Hahaha..

BINABASA MO ANG
The truth about the Woman in my DREAMS
ParanormalSimula't sapol palang sana, sana alam ko na na ganito pala kahirap ang magmahal na hindi mo alam kung totoo ba o hindi ang binigyan mo ng panahon, oras at atensyon. Sa ngayon, hindi ko na alam kung ano ang totoo sa hindi. Nakilala ko ang babaeng nag...