Kabanata 3

98 3 0
                                    

Kabanata 3


KINABUKASAN sinubukan ko ulit hanapin ang lobong iyon ngunit nabigo ako dahil wala ang presensya maging ang amoy niya sa university. Sinubukan ko ring maghintay sa labas ng College of Arts and Sciences Building ngunit wala akong nakita maski anino niya.

Nagtagal ng mahigit dalawang araw ang ganoong pangyayari ngunit tila tuluyan na nga siyang naglaho matapos ang naging pagsunod ko sa kanya. Hindi ko magawang mapanatag kahit pa nawala na siya dahil napaka imposible namang basta-basta na lamang siyang susuko dahil lamang natukoy ko na ang kanyang itsura. Mayroong hindi tama sa nangyayari.

"Nari, tulala ka na naman. Akala ko ba nawala na 'yung sumusunod sa'yo bakit mukhang problemado ka pa rin?" tanong ni Heliya habang patuloy na sinisipat ang ilang mga biscuit na nasa kanang bahagi niya.

Naisipan naming sumama kay Mama ngayon sa grocery matapos kong mabanggit sa kanya na gusto kong subukan kung muli kong mararamdaman ang presensya ng lobo. Hindi ako mapanatag hangga't hindi ko siya muling nakahaharap upang makausap. Batid kong maaari akong dalhin ng aking kagustuhang ito sa kapahamakan ngunit maaaring mas mapanganib para sa amin ni Mama ang mabuhay kung ipagpapasawalang-bahala ko ang nangyayari.

Nabanggit ko rin kay Heliya ang nangyari noong nakaraan upang mas maging maingat na rin siya at alerto sa kanyang paligid lalo pa at maaari siyang gamiting instrumento ng mga lobong naghahanap sa amin.

"Iyon na nga ang mas nakakatakot. Napaka-weird naman na bigla na lang siyang naglaho ng ganoon at tumigil sa pagsunod sa akin dahil lang sa naging encounter namin na 'yon. Maaaring may pinagpaplanuhan na siya o sila dahil alam na nilang aware ako sa ginagawa nila. Mas planado, mas nakakatakot," wika ko.

"Sabagay, pero wala ka bang planong sabihin kay Tita Rudina 'yan?" muling tanong niya sabay kuha ng ilang chichirya niya.

"Ayaw ko munang sabihin kay Mama. Gusto ko munang alamin kung sino at ano ang pakay ng lobong iyon."

Napatigil kami sa pag-uusap nang makaramdam ako ng pagtapik sa aking kanang braso. Nang lingunin ko iyon ay nakita kong si Mama pala iyon, iniaabot niya sa akin iyong isang papel na naglalaman ng reseta.

"Anak, bilhin mo nga muna ang mga ito roon sa may botika. Pabili iyan ni Lola Rosa," wika ni Mama.

Si Aling Rosa ay isa sa aming mga kapitbahay. Isa siya roon sa mga taong malugod na tumanggap at tumulong sa amin noong unang dating namin sa Howerville. Naalala ko, hindi pa gaanong sibilisado ang Howerville noon, kakaunti pa lamang ang mga establisyimento at bahay at halos magkakakilala na ang mga lahat ng mamamayan. Kumbaga isang simpleng bayan lamang, simpleng bayan na sagana sa grupo ng mga mangangaso at mga taong kalaban ang tingin sa aming lahi. Ngunit kung ikukumpara sa ilang karatig na bayan at siyudad, ang Howerville ay hindi pa rin ganoon kaunlad. Karamihan sa mapapansin rito lalo sa mga barangay sa labas ng sentro ng bayan ay gubat at lupain. Kung mayroon mang subdivision ay hindi pa rin ganoon karami ang naninirahan.

Tumawid lamang kami sa kabilang bahagi ng kalsada kung saan naroroon ang drug store. But as I was about to step inside the store, I suddenly smell the scent of the werewolf. I stopped from walking and immediately look around but just like the usual, I can't seem to locate him.

I pushed my worries at the back of my mind for a while and act like nothing happened. He might vanish into thin air once again if he noticed that I can sense his presence. Sumunod na lang ako kay Heliya na nauna nang pumasok. Habang palapit kami sa pharmacist ay muli kong naamoy ang lobo, ngunit sa pagkakataong ito ay mas malakas na ang kanyang amoy kaya't nakasisigurado akong mas malapit na siya sa kinatatayuan ko ngayon.

The Luna's Dominance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon