Simula

260 8 0
                                    

Simula 

TAHIMIK kaming kumakain ng hapunan kasama ang pamilya ni Clausque at ilang mga elders nang mapukaw ng isang Sentinel ang aming pansin. Nang bigyan siya ng hudyat ni Clausque ay agad siyang pumasok at yumukod upang magbigay galang sa kaniyang Alpha.

"Ipagpaumanhin ninyo ang aking pagdistorbo sa inyong hapunan ngunit mayroon mga kasapi ng ating pack ang aming nahuling nagtatangkang tumawid sa hangganan ng ating teritoryo, patawid sa teritoryo ng lobo sa Graldan," saad nito.

Tila napigtas ang taling humahawak sa aking pasensya nang marinig ang kanyang sinabi. Agad napataas ang aking kilay kasabay nang pagkulo ng aking dugo. Nararamdaman ko na rin ang nagbabadyang paglitaw ng aking matalas na kuko maging ang pagniningas ng aking mga mata sa galit.

Our pack has long established a treaty with the pack in Graldans. We agreed on the conditions that no one from the two packs shall cross the borders without the permission of the Alphas and the Lunas. Sa oras na mayroong lumabag sa doon ay maaaring magresulta sa pagkitil at panlulupig. Ang kasunduang katulad niyon ay hindi na bago sapagkat kahit ang mga sinaunang pack mula sa kahit sinong salinlahi ay may ganoon na ring patakaran. Buhay kapalit ng paglabag.

Akmang susugurin ko ang Sentinel na iyon nang pigilan ako ni Clausque sapagkat alam niya kung saan nagmumula ang galit at poot ko. Batid niya kung gaano kasensitibo para sa akin ang usapin ukol sa mga kasunduan at ang paglabag rito. Batid niya sapagkat kailanma'y di ko nakalimutan ang bagay na iyon.



"BILISAN ninyo ang kilos!" rinig kong sigaw ng isang lalaki na agad sinundan ng iba pang ingay.

Agad akong napabangon mula sa aking hinihigaan at nagtatakang lumapit sa bintana ng aming silid upang sumilip sana sa nagaganap sa paligid. Ngunit bago ko pa man tuluyang mabuksan ang bintana ay isang kamay ang humila sa aking braso na naging dahilan upang mapahiga akong muli sa aking kama.

Nang tuluyang rumehistro sa aking isipan ang nangyari ay nagtataka kong nilingon ang humila sa akin. Doon ko nasilayan ang aking ina, bakas sa kanyang mukha ang takot, pagod at kaba kaya't agad kong napagtantong mayroong hindi tamang nangyayari sa aming paligid. Ibubuka ko pa lamang ang aking bibig upang magtanong nang biglang umalingawngaw ang malakas na sigaw ng isang babae na sa aking palagay ay nasa malapit lamang. Nasundan pa iyon ng ilan pang sigawan at pagkalabog.

"Madali ka, Nariva. Kailangan na nating umalis sapagkat hindi na ligtas ang lugar na ito para sa atin," Saad ng aking ina bago tuluyang dinampot ang isang malaking bag.

As a mere ten-year old girl who didn't understand anything fully, I followed my mother. I didn't even bother to change my clothes or even clean my face. Doing so seems to have no room in this kind of situation.

Before we opened the door of my bedroom, my mother handed me a knee-length sheepskin coat and instructed me to wear it that I immediately followed. Suot na rin niya ang kanya nang hindi ko man lamang napansin. Sa paglabas namin ng silid ay agad kaming sinalubong ng aking ama.

"Sa likod na kayo dumaan, kailangan kong makasigurong makalalayo kayo nang ligtas," wika ang aking ama. kapansin-pansing ayaw ni Mama na maiwan si Papa ngunit wala na rin siyang nagawa nang pumailanlang ang isang malakas na hiyaw ng isang babae sa hindi kalayuan mula sa aming tahanan. Agad na nagpalit ng anyo ang aking ina. She looked at me, motioning something that I immediately understood. Sumakay ako sa likuran niya at mahigpit na hinawakan ang malaking bag na aming dadalhin hanggang sa makapasok kami sa loob ng kakahuyan.

"Kumapit kang mabuti, Nariva." Agad akong tumalima sa winika ni Ina sa aking isipan. Mariin ko ring hinawakan ang sisidlan ng aming mga gamit.

The Luna's Dominance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon