Kabanata 10

57 2 0
                                    

Kabanata 10

NANG marinig ang sinabi ni Clausque ay agad ko siyang binalingan. Future pack? Bakit? Wala na akong intensyon pang maging bahagi ng isang pack. Ang tanging nais ko na lamang ay tahimik at ligtas na buhay para sa aming dalawa ni Mama.

"Anong ibig mong sabihin, Rawson?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.

"You're my mate, my Luna, Nari. I've been looking for you for years already," he answered while smiling widely.

"Hindi maaaring mangyari ang sinasabi mo, Rawson. Imposibleng ikaw ang mate ko dahil simla noong makita kita ay hindi ko kailanman naramdaman ang labis na pagkasabik tulad ng nararamdaman ng iba pang mga lobo."

Hindi siya sumagot sa akin at nanatili lamang nakatingin sa akin bago siya lumapit at naupo sa gilid ng kamang kinahihigaan ko. Inabot niya ang kaliwang kamay ko at ikinubli iyon sa kanyang dalawang kamay. Pilit kong hinihila iyon ngunit ayaw niya talagang bitawan kaya't hinayaan ko na lamang.

"Iyon ay dahil naiiba tayong dalawa sa pangkarinawang pares ng mga lobo. Itinakda tayo, Nari. Iyon ang nakasaad sa ore," paliwanag ni Rawson.

Muling napakunot ang aking noo kaya't binalingan ko ng tingin ang babaeng naroroon na sa palagay ko ay isang babaylan batay sa kanyang suot na mga palamuti sa katawan. Mukhang natukoy naman nito na kinukumpirma ko sa kanya kung totoo ang sinasabi ni Rawson ay tumango ito. Doon na nagsimulang mabahala ang sistema ko. Pumatak ang luha ko at batid kong nag-iba ang ekspresyon ng aking mukha.



"HINDI ako naniniwala sa inyo. Hindi maaaring mangyari ang sinasabi ninyo. Maaaring nagkakamali lamang ang ore ninyo!" Nanlulumo ngunit kinakabahang saad ko.

Pilit ko mang kinakalma ang sarili ko ngunit nabigo ako dahil tila sirang plakang paulit-ulit kong naririnig sa aking utak ang kanilang sinabi. Napasapo ako sa aking sintido at tumayo mula sa kinahihigaan ko.

Pinagsisisihan ko nang sumunod pa ako sa kanila. Marahil ay kung hindi ko tinangka ay nananahimik pa rin ako sa Pasquerton ngayon.

"Ang nakasaad sa propesiya ay mangyayari, Nariva. At ang pangitain ng ore ay bahagi niyon," wika ng matandang babaeng babaylan.

Pakiramdam ko'y nilamig ang katawan ko habang tinatakasan ng lakas. Nanlambot ang tuhod ko kasabay ng pagpatak ng luha ko, kung hindi naaagapan ni Clausque ay paniguradong sasalampak ako sa sahig.

Bahagya niyang hinahaplos ang balikat ko na tila inaalo ako habang pilit akong isinasandig sa kanyang katawan.

"Kapag sinubukan mong pigilan o iwasan ang bagay na ito ay maaaring mayroon pang mas malalang bagay ang mangyari. Hindi magpapatinag ang Ivailo, Nariva."

Iyon na ang huling narinig ko bago tuluyang pumiglas sa hawak ni Clausque at lumabas sa silid na iyon. Napansin kong nagulat sila sa aking ginawa ngunit wala na akong pakialam. Kailangan kong gumawa ng paraan upang mapalayo roon si Mama. Hindi siya maaaring mamatay kapag nagsimula ng kaguluhan ang Ivailo sa Howerville. Si Mama na lang ang mayroon ako. Hindi ko na kakayanin kung pati siya ay mawawala sa akin.

"N-Nakikiusap ako, Clausque. S-Samahan mo ako k-kay Mama. Ayokong m-maiwan mag-isa," I said in between my sobs.

"Hindi ka naman maiiwang mag-isa, Mahal ko. I'm here, I'm bound to stay beside you in this lifetime," saad nito.

Mas lalo akong nahabag para sa sarili ko at kay Mama. Hindi ko matanggap na mayroong nakatakdang ganito sa amin. Bakit kailangang isakripisyo ang mga magulang ko dahil sa mga ganitong bagay. Bakit kailangang pamilya ko?

"Alam ko, nauunawaan ko na hindi na maaalis na ako ang Luna mo. Kahit pa wala akong nararamdamang matinding pagkasabik ang katawan ko sa tuwing nariyan ka, alam kong ako ang Luna mo at hindi mababali ang propesiya. Pero paano naman ang pamilya ko, Clausque? Matagal nang kinuha sa akin si Papa, ayokong pati si Mama ay mawala sa akin. Hindi ko kakayanin."

The Luna's Dominance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon