Kabanata 2

122 4 0
                                    

Kabanata 2


BUMUNGAD sa aking ang puting kisame ng aking silid pagmulat ng aking mga mata. Agad napakunot ang aking noo dahil doon at nagtangkang bumangon ngunit agad rin akong napahiga at napadaing nang maramdaman ang pagkirot ng aking kanang braso at tila kumalat ang sakit nito sa aking buong katawan na naging sanhi ng aking panghihina.

Masakit sa balat ang sikat ng araw na tumatama sa aking balat mula sa bintanang malapit sa aking kama kaya't nagdesisyon na akong pilitin ang aking sarili na bumangon. Sinikap kong iangat ng bahagya ang aking katawan bago itinuon ang aking kaliwang siko sa kama upang makakuha ng sapat na pwersa at tuluyang maibangon ang aking katawan. Dahil sa naging pagkilos ng aking katawan ay napadaing ako nang muling kumirot ang sugat ko.

Nang makaupo ng maayos ay isinandal ko ang aking likod sa headboard bago napabuntong hininga. Iginala ko ang aking mga mata sa loob ng aking silid hanggang sa mahagip ng aking mga mata ang orasan nakalagay sa ibabaw ng aking study table. Pasado alas-dies na pala ng umaga kaya't hindi nakapagtatakang mataas na ang sikat ng araw.

Akmang dadamputin ko sana mula sa ibabaw ng maliit na kabinet sa aking kanan ang aking cellphone nang muli kong maramdaman ang pagkirot ng aking sugat Saglit kong sinilip ang aking kanang braso kung nasaan ang sugat at agad napakunot ang aking noo ng makita mayroon iyong benda. Tila nagkusa ang aking kaliwang kamay na hawakan ang bendang iyon habang ang aking isipan ay pilit inaalala ang mga nangyari kagabi ngunit tanging ang huling winika na lamang ng lobo ang aking natatandaan.

'Poprotektahan kita sa abot ng makakaya ko.'

Tila narinig kong muli ang boses ng lalaki at sa hindi malamang dahilan ay naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Mayroong kakaibang pakiramdam ang sumibol sa aking sistema, isang kakaibang init na hindi nakapapaso ngunit init na tila yumayakap sa aking buong katawan.

Ngunit sa kabila nito, hindi ko maiwasang isipin kung sino ba siya at bakit niya nasabing poprotektahan niya ako. Idagdag pang hindi siya pamilyar sa akin kaya't nakakasisiguro akong hindi siya rito naninirahan sa Howerville ngunit nakapagtatakang kabisado niya ang pasikot-sikot ng kagubatan. Tila hindi iyon ang unang pagkakataong nagawi siya roon at mas lalong imposibleng napadpad lamang siya roon dahil walang malapit na kagubatan sa dulo niyon, idagdag pang mayroong pader doon dahil pagmamay-ari na ng gobyerno ang kalapit na lupain.

Habang pinagtatagpi-tagpi ang mga katanungang nabuo sa aking isipan ay sumagi rin sa aking isipan kung nakauwi ba ng ligtas ang lobong iyon at kung papaano ako nakabalik sa loob ng aking silid. Kung sakaling siya nga ang nagdala sa akin rito ay papaano niya nalamang dito ako naninirihan?

Sa pagkakataong ito ay kailangan kong mas maging listo at maingat sa aking mga kinikilos. Nararapat na iwasan ko muna ang kagubatan dahil hindi makabubuti kung muli ko siyang makikita lalo pa at hindi malinaw kung ano ang kanyang intensyon. Maaaring isa siyang miyembro ng pack na tumutugis sa amin at maaari ring miyembro ng kaalyado nilang pack.

Pag-uwi ni Mama bandang tanghali ay una niyang napansin ang sugat sa aking braso. Hindi siya nagtanong kung saan ko nakuha ang sugat na iyon dahil alam kong alam niyang nagtungo na naman ako sa gubat kahit ilang beses na niya akong pinagsabihan na huwag makipagsabayan sa mga mangangaso. Nang sinabi kong nabaril ako ay mas lalo siyang nagalit ngunit kalaunan ay kumalma rin siya at pinagsabihan na lamang akong magpahinga. Nilinis niya rin ang sugat ko at pinaalalahanan akong uminom ng ilang gamot.

Halos ganoon lamang ang naging takbo ng halos dalawang araw na pamamalagi ko sa bahay. Mabuti na rin lamang at mas mabilis maghilom ang sugat naming mga lobo kumpara sa mga tao. Halos pagaling na rin ang aking sugat kaya't hindi ko na masyadong ininda kaninang umaga nang habang papasok sa university.

The Luna's Dominance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon