Kabanata 9

58 4 0
                                    

Kabanata 9


SA mga sumunod na araw at linggo ay hindi niya pa rin tinigilan ang paglapit-lapit niya sa akin. Mas lalo akong nainis kasi may mga kaklase na rin akong nagtatanong sa akin kung anong meron sa amin ni Clausque. At kung minsan pa ay kahit sina Cyan, heliya, at Eve ay napagtatanungan na rin. Mayroon na rin akong naririnig na mga usap-usapan at mga chismis na hindi kaaya-aya sa pandinig ko.

Tuwing nakikita ko siya ay paulit-ulit ko naman siyang sinisimplehan na tigilan ako. Dahil kahit ilang bses siyang lumalapit sa akin ay hindi kami nagkaroon ng maayos na usapan. That's why until now, I still don't have any knowledge about him. Wala rin naman akong balak na ipakilala ang sarili ko sa kanya dahil hindi ko naman siya pinagkakatiwalaan.

Nagpatuloy ang ganoong set-up, halos apat na buwan na rin. Nagbibigay siya ng pagkain sa akin kahit makailang ulit ko nang sinabing tumigil siya. Hindi na rin kasi ako natutuwa tuwing naririnig kong nadadawit ang pangalan ko sa mga usapan tungkol sa kanya. Kahit sina Heliya, Cyan at Eve ay inakala ring may gusto ako kay Clausque noong una.

Napadalas pa lalo iyon nang matanggap ako sa HiWAGa. Sa tuwing mayroong mga org meeting na nagaganap ay palagi niya akong hinihila papunta kung saan-saan. At kahit minsan inis na inis na ako at ay hindi ko maunawaan kung anong meron sa mga mata niya na tila nakakapagpasunod sa akin basta-basta na para bang nanghihipnotismo.

Dinadala niya ako madalas sa garden para tumambay lalo kapag nagkakasabay na wala kaming klase. Madalas ay natutulog lang siya roon habang nakahiga sa hita ko. Minsan bibili siyang pagkain para hindi kami magutom sa pagtangla roon.

"Bakit ang dami mo na namang dalang pagkain? Two hours lang naman break ko ngayon, hindi naman natin mauubos 'yan," wika ko sa kanya.

"Hayaan mo na. We're not to finish everything today, I'll save some for tomorrow and the following days," he simply answered before proceeding in fixing the blanket he brought.

Makalipas pa ang ilang saglit ay sinabihan na niya akong maupo at sumandal roon sa katawan ng puno. Iniayos niya rin iyong ibang pagkain malapit sa akin, iyong saktong maaabot ko kahit hindi na ako umalis sa kinauupuan ko. Ngunit hindi ko pa man nabubuksan iyong potato chips na dinampot ko ay napatigil ako nang bigla na lang siyang humiga sa may hita ko.

"Bumangon ka diyan, Rawson. Hindi ako mangingimay 'yung paa ko." Bahagya ko pang iginalaw ang binti ko ngunit hindi talaga siya natinag kahit naalog na ang ulo niya.

"Let me take a nap, please. I was awake until three in the morning to finish some activities and paper works for HiWAGa. I srill have a quiz later so please let me recharge," he said, closing his eyes and hugging my backpack.

Hindi na rin naman ako umangal at hinayaan siya sa gusto niya. May awa pa naman ako kahit papano. Halatang-halata ko rin nga iyong eye bags niya kaya marahil ay talagang marami siyang inasikaso.

While munching the potato chips he brought, I can't help but to admire his facial features. From his long eyelashes, to his pointed nose, his pink-heart shaped lips that are all perfectly placed on his face. When his eyes are close like this, he's far from his usual intimidating image. He seems peaceful and gentle.

"Don't stare at me, Volkov. I can feel your stare piercing through my skin, I can't take a nap when you're like that," he said arrogantly.

Napairap ako matapos marinig ang kanyan sinabi sabay pitik sa kanyang noo. "Kapal naman ng apog mo, Rawson. Hindi ako nakatitig sa'yo. Mukha ka kasing maamo kpaag nakapikit. Mukhang hindi maldito. Sana gan'yan ka na lang lagi."

"Maamo na ako noon pa lang, Nari. Hindi mo lang siguro natatandaan."



The Luna's Dominance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon