Kabanata 6

57 4 0
                                    

Kabanata 6

HELIYA and I immediately got close with Eve and Cyan. Mas lalo akong hindi nahirapan makisama sa kanila nang makausap ko ng masinsinan si Cyan at nakumpirmang isa nga siyang lobo, bukod doon ay nabanggit niya rin sa akin na si Eve ay anak ng isang tao at isang lone werewolf. She just happen to born as a human with no ability of transforming into a werewolf just like us, pure-blooded werewolves.

Ipinakita rin sa akin ni Cyan ang kanyang marka ngunit hindi iyon pamilyar sa akin. According to her, their pack is residing in the woods near the boundary of Ridgerton and Queensas. At nang tanungin niya ako tungkol sa pack na kinabibilangan ko sinabi ko na lamang na matagal na kaming walang kinabibilangang pack ni Mama.

Sa loob ng halos isang linggo ay matagumpay nila kaming nailibot sa iba't lugar na kailangan naming malaman at mapuntahan ni Heliya upang hindi kami gaaning mahirapan kapag opisyal nang nagsimula ang academic year. Kamangha-mangha ang labas ng mismong university dahil talagang para siyang community area exclusively for students of Pasquerton.

Kababalik lang halos namin sa aming dorm building galing sa labas matapos nilang maisipang kumain doon sa isang restaurant malapit sa grocery store. Dumiretso ako agad sa aking silid upang magpalit ng damit bago kumuha ng tubig sa kusina.

Habang nagsasalin ako ng tubig sa baso ay napansin kong papalapit sa akin si Cyan. Kumuha rin siya ng isang baso at nagsalin ng tubig pagkatapos ko bago uminom.

"It may sound weird but can I see your palm, Nari?" tanong niya.

I nodded as an answer before I held my hand which she immediately took. I have no idea what is she up to but I just stood there and wait. I saw how she closed her eyes and caressed my palm using her thumb and draw some unknown shape on my palm using his point finger.

After a few minutes, I was shocked with how she reacted and just let go of my hand without a word. She seems to be surprised of something too but she didn't say any word.

"W-Why? What's wrong, Cyan?" I asked, trying to get her attention by tapping her arms.

She gasped and then blinked few times before looking into my eyes and shook her head. "N-Nothing, don't w-worry about me."

Gusto ko pa sana siyang tanungin ulit ngunit nagmadali na siya sa pag-inom at agad na umalis sa kusina. Narinig kong dumiretso siya sa kanyang kwarto at nagsarado ng pinto. I was left dumbfounded at the kitchen. I was really curious as to why she acted like that. Still thinking of it, I drank the water on my glass and moved the pitcher back on the fridge and left the glass on the sink.

When morning came the next morning, Cyan seems to be fine already but she's a bit distant from me. Every time she talk to me, she's avoiding my eyes and seems to be filtering her words. I didn't on how she act more because I am really sleepy. My curiosity did not let me sleep at all.



SA mga sumunod na araw ay tila bumalik sa dating pakikitungo sa akin si Cyan kaya't pilit ko na ring winaksi sa isip ko ang nangyari ng gabing iyon.

Dalawang araw bago ang opisyal na pagsisimula ng klase ay nagtungo pa kami sa isang party ng isang kaibigan nina Cyan at Eve. Nauna rin naman akong umuwi kaysa sa kanila dahil talagang hindi ako mahilig sa mga ganoong klase ng kasiyahan.

Matapos ang unang dalawang linggo ng klase ay nagkaroon ng announcement sa bulletin board ng bawat building regarding the opening of different university organization. Nang tanghaling bumaba ako para magtungo sana roon ay marami pang mga estudyante kaya't ipinagpaliban ko na muna ang paglapit roon at nagtungo na lamang roon sa cafeteria upang bumili ng makakakain.

Tuwing Lunes at Miyerkules ng tanghali kasi ay hindi nagtutugma ang schedule naming apat, mas maagang natatapos ang klase ko kaya't wala akong nakakasabay kumain. Hindi naman gaanong mahirap pakisamahan ang mga nagiging kaklase ko kaya lamang ay nahihiya pa rin akong basta na lamang sumama sa kanila.

The Luna's Dominance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon